Pagbabahagi ng Ebanghelyo
Ibahagi ang mga Aktibidad ng Ward


Ibahagi ang mga Aktibidad ng Ward

Gawing kawili-wili ang mga aktibidad ng inyong ward at gawin ito sa paraang magiging komportableng dumalo rito ang lahat ng mga tao. Pagkatapos ay anyayahang dumalo ang iyong mga kapitbahay at kaibigan. Simple lang ang pag-anyaya sa mga kaibigan. Maraming kaibigan ang nais sumali sa ating mga aktibidad, kaya huwag matakot na anyayahan sila, at huwag mag-alala kung hindi tanggapin ng isang tao ang iyong paanyaya. Karamihan ay magpapasalamat na inanyayahan mo sila, at ang iba naman ay nais dumalo sa ibang aktibidad.

Kapag dumalo ka sa mga aktibidad ng ward, maghanap ng mga taong hindi mo kakilala. Kumustahin sila. Ipadama sa kanila na sila ay malugod na tinatanggap. Mag-ukol ng oras na makilala sila. Tiyakin na alam nila kung ano ang nangyayari at kung paano sila pinakamainam na makikibahagi sa aktibidad. Itinuro ni Elder Gerrit W. Gong: “Ang mga social activity at aktibidad sa paglilingkod ng ward ay maaaring makabuo ng bago at nagtatagal na mga ugnayan sa ebanghelyo. … Sa maraming lugar sa Simbahan, ang ilang karagdagang aktibidad ng ward … ay maaaring magbigkis sa atin na nadarama ang higit na pagiging kabilang at pagkakaisa. … Ang mga kasiya-siyang aktibidad sa ebanghelyo ay nag-aanyaya rin sa mga kapitbahay at kaibigan. Ang pakikisalamuha at paglilingkod ay madalas na magkasama” (“Dito ay May Pag-ibig,” Liahona, Nob. 2023, 112).

Ang pagbabahagi ng mga aktibidad ng ating ward ay isang magandang paraan para magmahal, magbahagi, at mag-anyaya sa normal at natural na mga paraan at makatutulong ito sa atin na madama ang Espiritu at ang kagalakan ng pagbabahagi ng ebanghelyo.

Sample na website ng ward:

sample na website ng ward