Pagpapalakas ng mga Bagong Miyembro
Pagpapalakas sa Bago at Nagbabalik na mga Miyembro


“Pagpapalakas sa Bago at Nagbabalik na mga Miyembro,” Pagpapalakas sa Bago at Nagbabalik na mga Miyembro (2020)

“Pagpapalakas sa Bago at Nagbabalik na mga Miyembro,” Pagpapalakas sa Bago at Nagbabalik na mga Miyembro

Pagpapalakas sa Bago at Nagbabalik na mga Miyembro

Mahalaga ang papel na ginagampanan ng mga miyembro at missionary sa pagtulong sa bago at nagbabalik na mga miyembro na magpatuloy sa landas ng tipan. Ang mga elders quorum at Relief Society presidency ang responsable sa pang-araw-araw na gawaing misyonero sa ward, kabilang na ang pangangalaga sa bago at nagbabalik na mga miyembro. Sa ilalim ng pamamahala ng stake president at bishop, ang mga elders quorum at Relief Society president ang responsable sa pagtiyak na ang mga lider ng ward at mga ministering brother at sister ay tumatanggap at kumikilos ayon sa mga tagubilin na kasunod nito.

Para manatili sa landas ng tipan ang bago at nagbabalik na mga miyembro, kailangang (1) madama nila na kabilang sila sa pamamagitan ng mas malakas na ugnayan sa Diyos at sa iba pang mga miyembro, (2) maniwala sila kay Jesucristo at palakasin ang kanilang pananampalataya sa Kanya, at (3) maging mga disipulo sila ni Cristo sa pamamagitan ng mahahalagang karanasan.

Ang sumusunod na mga aktibidad ay tutulong sa iyo na maituro sa ibang mga miyembro kung paano gamitin ang bagong mga resource para makatulong sa pagsisikap na ito. Ang mga aktibidad na ito ay maaaring gawin sa stake o ward council kasama ang mga full-time missionary. Ang unang dalawang bahagi ay dapat ding ibigay sa mga ministering companionship na nakatalaga sa mga bagong miyembro.

Chart: Pagtulong sa mga Bagong Miyembro na Manatili sa Landas ng Tipan

  1. Buksan ang Gospel Library (ang app o ang web page) at magpunta sa Mga Hanbuk at Tungkulin, at pagkatapos ay sa Mga Tungkulin sa Ward o Branch, at pagkatapos ay sa Pagpapalakas sa mga Bagong Miyembro. (Ang mga materyal na kakailanganin mo para sa training na ito ay matatagpuan sa bahaging ito.) Buksan at rebyuhin ang “Pagtulong sa mga Bagong Miyembro na Manatili sa Landas ng Tipan.” Bilang magkompanyon o grupo, talakayin:

    • Bakit mahalaga ang mga karanasang ito sa pagtulong sa mga tao na pumasok at manatili sa landas ng tipan?

  2. Talakayin:

    • Ano ang mahusay nating ginagawa para tulungan ang bago at nagbabalik na mga miyembro na sumulong?

    • Ano ang isa o dalawang bagay na sa palagay natin ay maaari nating pagbutihin pa?

  3. Talakayin:

    • Bakit ang tunay na pakikipagkaibigan sa mga miyembro ay isa sa pinakamatitibay na impluwensya sa pagtulong sa bago at nagbabalik na mga miyembro na pumasok at manatili sa landas ng tipan?

    • Paano tayo makatutulong na magkaroon agad ng tunay na pagkakaibigan sa lalong madaling panahon? Paano natin mapananatili ang mga pagkakaibigang ito?

  4. Talakayin:

    • Ano ang maaaring pagbutihin sa ating unit para mas epektibong magkatulungan ang mga miyembro at missionary sa mga pagsisikap na ito?

Ang Aking Landas ng Tipan

  1. Sa bahagi ring iyon sa Gospel Library, buksan ang Ang Aking Landas ng Tipan at magpunta sa pambungad ng “Ang Aking Landas ng Tipan.” Sama-samang basahin ang pahinang ito at talakayin kung paano magagamit ang Ang Aking Landas ng Tipan para tulungan ang bago at nagbabalik na mga miyembro. Rebyuhin ang kahit dalawang karanasan sa Ang Aking Landas ng Tipan. Talakayin:

    • Paano magtutulungan ang mga ministering brother at sister at missionary para alalayan ang bago o nagbabalik na mga miyembro?

    • Paano makapagbibigay ng oportunidad ang mga karanasang ito sa muling pagtuturo ng mga missionary lesson pagkatapos ng binyag? (Tingnan sa mga karanasang “Alamin ang tungkol sa Aaronic Priesthood” at “Tumanggap ng Temple Recommend for Proxy Baptisms and Confirmations.”)

  2. Planuhin kung paano mo tutulungan ang bago at nagbabalik na mga miyembro na pinaglilingkuran mo na maka-access sa Ang Aking Landas ng Tipan. Kung gumagamit sila ng Android device, maaari nilang i-download ang app mula sa Google Play store dito. Kung gumagamit sila ng iOS device, maaari nilang i-download ang app mula sa Apple App Store dito. Maaari kang magbigay ng naka-print na kopya. (Paalala: Matatagpuan ng bago at nagbabalik-loob na mga miyembro ang Ang Aking Landas ng Tipan sa Mga Adult, Bago, o Nagbabalik na Miyembro na audience collection ng Gospel Library.)

Pag-unlad sa Landas ng Tipan

Maaaring ma-access ng bishopric at ng mga elders quorum at Relief Society president ang progreso ng bagong miyembro sa pamamagitan ng Covenant Path Progress.

  1. Buksan ang Member Tools app (o Leader and Clerk Resources [LCR] online), magpunta sa Reports, at pagkatapos ay piliin ang Covenant Path Progress. Ang view na ito ay nagdidispley ng mahalagang impormasyon tungkol sa mga nabinyagan at nanirahan sa inyong unit sa nakaraang dalawang taon. Rebyuhin ang listahan ng mga bagong miyembro at talakayin ang kanilang progreso.

  2. Piliin ang pangalan ng bagong miyembro (o piliin ang View Details sa LCR at IOS). Nakadispley ang karagdagang impormasyon tungkol sa progreso ng indibiduwal. Talakayin:

    • Ano ang kaugnayan ng impormasyong ito at ng Ang Aking Landas ng Tipan?

    • Ano ang kailangang mangyari para matulungan ang bawat isa sa ating mga bagong miyembro na sumulong?

  3. Ang impormasyon ay maaaring i-update sa app ng bishopric (kabilang ang mga clerk at secretary), elders quorum at Relief Society president, bagong miyembro, ward mission leader, assistant ward mission leader, at mga ward missionary. Kapag nagdagdag ang mga missionary ng impormasyon sa Area Book Planner, ang Covenant Path Progress ay awtomatikong naa-update. Para maging pamilyar ka rito, piliin ang pangalan ng bagong miyembro (o piliin ang View Details sa LCR at IOS) at gawin ang mga gawaing tulad ng sumusunod:

    • Itala ang bilang ng mga dumadalo sa sacrament meeting. (Paalala: Kung hindi makadadalo sa sacrament meeting ang bagong miyembro dahil sa kadahilanang pangkalusugan, markahan ang bilog kung nakapagdaos ng sakramento ang bagong miyembro sa bahay o nakadalo sa online na sacrament meeting.)

    • Idagdag ang pangalan ng isang kaibigan sa impormasyon ng bagong miyembro.

    • I-update ang mga alituntuning itinuturo (mga post-baptism missionary lesson).

    • Tiyaking tama ang impormasyon tungkol sa mga ministering brother at sister.

  4. Ang sumusunod na mga lider ay may access na makita lamang ang impormasyon sa Covenant Path Progress:

    • Mga stake presidency, kabilang na ang mga clerk at secretary

    • Mga high councilor

    • Mga Stake Relief Society presidency

    • Mission presidency, kabilang na ang kompanyon at mga clerk at secretary, sa pamamagitan lamang ng Leader and Clerk Resources

    • Mga miyembro ng Elders quorum at Relief Society presidency

    • Mga ward temple and family history leader

    • Mga miyembro ng Primary, Young Women, at Sunday School presidency

  5. Lilitaw ang mga in-app notification kapag nakasaad sa Covenant Path Progress ng isang indibiduwal ang mababang paglahok sa aktibidad ng Simbahan.

  6. Maaari ding i-update ng mga bagong miyembro ang kanilang sariling progreso. Ipahanap sa bagong miyembro ang kanilang personal na impormasyon mula sa directory sa Member Tools. Pagkatapos, sabihin sa bagong miyembro na mag-tap sa Covenant Path Progress. Maaari mong ipakita sa bagong miyembro kung paano gawin ito.

  7. Ang mga elders quorum at Relief Society president ang responsable sa pagtiyak na naa-update kaagad ang impormasyon tungkol sa bagong miyembro. Maaari nilang ipagawa sa iba ang responsibilidad na ito. Talakayin kung sino ang mag-a-update ng impormasyon ng bagong miyembro, gaano kadalas (mas mainam kung linggu-linggo) itong ia-update, at paano gagamitin ang Covenant Path Progress sa ward council at lingguhang mga coordination meeting

Katapusan

  1. Talakayin kung paano makatutulong ang inyong mga pagsisikap sa bago at nagbabalik-loob na mga miyembro na manatili sa landas ng tipan (tingnan sa Juan 15:16) at sa huli ay matanggap ang lahat ng ordenansa ng kaligtasan at kadakilaan. Planuhin kung ano ang gagawin ng inyong unit para pangalagaan ang bago at nagbabalik na mga miyembro sa inyong kongregasyon.

Print