Mga Tulong para sa mga Presidency
Mga Aktibidad para sa mga Kabataan sa Pamamagitan ng Web at Mobile Tools at mga Virtual na Pagtitipon


“Mga Aktibidad para sa mga Bata sa Pamamagitan ng Web at Mobile Tools at mga Virtual na Pagtitipon,” Virtual na Gabay sa Aktibidad para sa mga Kabataan (2020)

“Mga Aktibidad para sa mga Bata sa Pamamagitan ng Web at Mobile Tools at mga Virtual na Pagtitipon,” Virtual na Gabay sa Aktibidad para sa mga Kabataan

Larawan
mag-ina na nakatingin sa computer

Mga Aktibidad para sa mga Kabataan sa Pamamagitan ng Web at Mobile Tools at mga Virtual na Pagtitipon

Maaaring gamitin ng klase ng kabataan, korum, at mga adult leader ang dokumentong ito para makatulong sa pagpaplano ng mga aktibidad sa paglilingkod ng mga kabataan na suportado ng Simbahan. Magagamit din ito sa regular na mga aktibidad mula Lunes hanggang Biyernes at sa iba pang malalaking aktibidad ng grupo. Maaari ding makahanap ng resources sa pagsuporta sa pansariling pag-unlad sa pamamagitan ng teknolohiya.

Mga Alituntunin

Ang mga aktibidad ay dapat planuhin at isagawa ng mga lider ng korum at klase, na may suporta mula sa mga adult leader. Ang mga aktibidad ay dapat:

Mga Gawain Ukol sa Kaligtasan

Ang sumusunod na pinakamainam na mga gawain ay maaaring iangkop sa lokal na kalagayan, sa ilalim ng pamamahala ng mga lokal na lider.

  • Mag-usap-usap at maghangad ng paghahayag para sa pag-aakma ng mga aktibidad para maisagawa ang mga ito sa digital na paraan. Kadalasan ay may solusyon ang mga kabataan.

  • Sundin ang online na mga gawain ukol sa kaligtasan:

    • Gamitin ang kilala at ligtas na mga vendor at site.

    • Iwasang magbahagi ng personal na impormasyon online—impormasyon ng ibang tao at impormasyon tungkol sa iyo.

    • Iwasang mag-share ng mga larawan ng ibang tao nang walang pahintulot nila.

    • Iwasang buksan ang mga attachment mula sa hindi kilalang sources.

    • Huwag magpadala ng pera o ng account information.

    • Sundin ang mga pamantayan ng Simbahan sa mga materyal na naka-post.

    • Tiyakin na nakikibahagi ang mga lider sa lahat ng mga virtual na aktibidad.

    • Ipaalam sa mga magulang ang mga aktibidad para maging responsable sila ukol sa kaligtasan online ng kanilang mga kabataan.

  • Magplano na isinasaisip ang mga digital na interaksyon. Hindi lahat ng aktuwal na mga aktibidad ay magtatagumpay sa isang digital na kapaligiran. Dapat ikonsidera ng mga kabataan at mga adult leader ang mga aktibidad na nagtutulot na ma-share o mapagsama-sama online ang gawa ng bawat indibiduwal.

Print