Mga Young Single Adult
Nakatuon sa Young Single Adult


“Nakatuon sa Young Single Adult,” Nakatuon sa Young Single Adult (2023)

“Nakatuon sa Young Single Adult,” Nakatuon sa Young Single Adult

Nakatuon sa Young Single Adult

Mithiin

Larawan
Pangulong Russell M. Nelson

“Binabasbasan ko kayo na alagaan ang inyong sariling patotoo. At binabasbasan ko kayo na magkaroon ng hangarin at lakas na tuparin ang inyong mga tipan. Kapag ginawa ninyo ito, nangangako ako na espirituwal kayong lalago, mawawala ang inyong pangamba, at magkakaroon kayo ng kumpiyansa na maaaring hindi pa ninyo maisip ngayon. Magkakaroon kayo ng lakas na magkaroon ng positibong impluwensya na higit pa sa inyong likas na kakayahan.”

—Russell M. Nelson, (“Mga Pagpiling May Epekto sa Kawalang-Hanggan” [pandaigdigang debosyonal para sa mga young adult, Mayo 15, 2022], Gospel Library)

Bilang mga lider ng young single adult, ikaw ay tinawag na tulungan ang mga young single adult sa inyong ward at stake na madama ang pagmamahal ng Ama sa Langit at ng Kanyang Anak na si Jesucristo, at sundin Sila. Tutulungan mo ang lahat ng mga young single adult na gumawa at tumupad ng mga sagradong tipan at palalimin ang kanilang pakiramdam na kabilang sila sa Simbahan ng Tagapagligtas.

Tinig ng mga Young Single Adult

Habang nagsasalita ang mga young single adult (edad 18 hanggang 30) tungkol sa kanilang karanasan sa Simbahan, marami ang nagsasabi na sila ay:

  • May mataas na pangangailangang madama na pinahahalagahan at nauunawaan sila at maging bahagi ng adhikaing maglingkod at tumulong sa mga anak ng Diyos.

  • Nakakaramdam na hinusgahan sila at hindi sila nababagay o nabibilang sa kasalukuyang kultura ng Simbahan.

  • Nakakaramdam na “naliligaw” sila dahil wala silang asawa.

  • Mayroong pagmamahal sa ebanghelyo at nadarama nila na may kakayahan silang makapag-ambag sa gawain ng kaligtasan at kadakilaan.

Pamamaraan

Ang kakayahan mong tumulong at pagpalain ang mga young single adult (YSA) ay lalago habang:

  • Nagtatatag ka ng YSA committee sa inyong stake (multistake sa lugar kung saan ito kailangan).

  • Tumatawag ka ng mga YSA at hinahayaan silang mamuno sa komite.

  • Itinutuon mo ang komite sa pagtulong sa lahat ng YSA na makibahagi sa gawain ng kaligtasan at kadakilaan.

  • Hinahayaan mo ang mga YSA committee na iangkop ang inaprubahang resources upang matugunan ang mga natatanging pangangailangan ng YSA sa kanilang lugar.

  • Pinapayuhan mo ang mga miyembro ng YSA committee na magmungkahi at sumuporta sa mga YSA conference at mga lugar ng pagtitipon ng YSA.

  • Tinutulungan mo ang mga YSA leader na sundin ang proseso ng:

    • Pakikinig sa mga YSA.

    • Sama-samang pagsasanggunian at pag-aangkop ng mga solusyon.

    • Pagpapatupad ng mga solusyon.

Paano Gumagana ang Plano para sa mga YSA

Larawan
Graphic ng Plano para sa mga YSA

Ang ilang halimbawa ng mga programa at aktibidad na maaaring iangkop ay ang gawain sa templo at family history, pangalawang oras ng simba, mga kumperensya, debosyonal, aktibidad para makisalamuha, institute, mga For the Strength of Youth conference, welfare at self-reliance, JustServe, at pagbabahagi ng ebanghelyo.

Plano ng mga Gagawin para sa mga Young Single Adult

Ang dokumentong ito ay buod kung paano tutulungan ang lahat ng YSA na mapalalim ang kanilang koneksyon kay Jesucristo at ang kanilang damdamin na kabilang sila sa Kanyang Simbahan. Ang mga gagawin na inilalarawan sa ibaba ay buod ng mga tuntuning nasa Pangkalahatang Hanbuk: Paglilingkod sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw, kabanata 14, at Pagpapalakas sa mga Young Single Adult (2022), Gospel Library.

Ward Council

Parehong mga geographic at YSA unit

  • Tiyakin na ang mga lider ng elders quorum, Relief Society, at YSA sa inyong unit ay may listahan ng lahat ng YSA na may mga rekord sa inyong ward o branch.

  • Gawing prayoridad na kontakin ang lahat ng YSA na may mga rekord sa inyong unit.

  • Kapag nakikipag-ugnayan sa mga YSA, mahalagang pakinggan mo sila. Alamin at maging interesado talaga sa kanilang mga hamon, tanong, tagumpay, inaasahan, at ideya.

  • Personal at magiliw na batiin ang mga YSA sa elders quorum at sa Relief Society, tinitiyak na ang bawat isa ay may inspiradong takdang-gawain at kilala nila kung sino ang kanilang bishop, elders quorum president, at Relief Society president.

  • Magbigay ng mga pagkakataon para sa pag-aaral ng ebanghelyo, paglilingkod, pagsamba, at mga aktibidad para makihalubilo na akma sa mga pangangailangan ng YSA (tingnan sa Pagpapalakas ng mga Young Single Adult).

  • Irekomenda ang mga YSA sa stake presidency na maglingkod sa stake YSA committee.

  • Makipagpulong paminsan-minsan sa mga miyembro ng stake YSA committee mula sa inyong unit. Maging pamilyar sa mga pagsisikap ng YSA at magbigay ng suporta kung kinakailangan.

Mga Stake Presidency

Kapwa geographic at YSA stake

  • Bigyan ang stake YSA committee ng listahan ng lahat ng YSA na may mga rekord sa inyong stake.

  • Gawing prayoridad na kontakin ang lahat ng YSA na may mga rekord sa inyong stake.

  • I-release ang lahat ng may-asawang adult mula sa stake YSA committee.

  • Tumawag at magtalaga ng mga YSA mula sa bawat ward (karaniwan ay isang lalaki at isang babae) sa stake YSA committee.

  • Tumawag at magtalaga ng isang lalaki at isang babae bilang mga chair ng stake YSA committee.

  • Sa mga lugar kung saan ay mayroong institute council, maaaring isama ang institute council sa YSA committee o isama ang mga kinatawan mula sa YSA committee sa institute council.

  • Mag-assign ng isang counselor sa stake presidency at isang miyembro ng stake Relief Society presidency bilang mga adviser sa komiteng ito.

  • Ituro sa mga miyembro ng stake YSA committee ang kanilang tungkulin na tulungan ang lahat ng YSA na palakasin ang kanilang pananampalataya kay Jesucristo at sa Kanyang nagbabayad-salang sakripisyo. Gamitin ang mga banal na kasulatan; ang General Handbook, chapter 14, at Pagpapalakas sa mga Young Single Adult.

  • Ituro sa mga miyembro ng stake YSA committee ang kahalagahan ng pakikinig sa mga YSA at ang pagkakataong i-adjust ang mga inaprubahang programa ng Simbahan para matugunan ang mga pangangailangan ng mga YSA. Gamitin ang Pagpapalakas ng mga Young Single Adults.

  • Ang mga stake presidency ng YSA ay dapat makipag-ugnayan sa mga geographic stake presidency tungkol sa mga YSA na pumipiling dumalo sa isang geographic unit at paggawa ng ministering sa mga YSA na hindi nagsisimba.

Larawan
Simbolo ng Simbahan

Print