Mga Sagisag ng mga Bata at Kabataan

CTR Ring

Ang Mga Bata at Kabataan ay kumakatawan sa isang pandaigdigang grupo ng mga indibiduwal na nagsisikap na maging lalong katulad ni Jesucristo. Upang kumatawan sa pagkakaisang iyon, ang mga bata at kabataan ay tatanggap ng ilang sagisag sa kanilang panahon sa Primary, sa mga korum ng Aaronic Priesthood, at sa mga klase ng Young Women. Maaari din silang makatanggap ng mga sagisag ng tagumpay kapag malapit na nilang makumpleto ang kanilang oras sa mga korum ng Aaronic Priesthood at mga klase ng Young Women.

Children and Youth Ring and Picture of the Temple

Sa taon na magiging 8 taong gulang sila, ang mga bata ay tatanggap ng singsing at larawan ng templo sa kanilang temple district.

Paano natatanggap ng mga bata ang mga sagisag na ito?

Ang dalawang sagisag na ito ay ibibigay sa mga bata ng bishop, na maaaring bumisita sa kanilang klase sa Primary sa simula ng taon na sila ay magiging 8 taong gulang.

Children and Youth Ring, Necklace, and Temple Recommend Holder

Sa taon na magiging 12 taong gulang na sila, tatanggap ang mga kabataan ng isang lalagyan ng temple recommend. Ang mga kabataang lalaki ay tatanggap din ng singsing, at ang mga kabataang babae ay tatanggap din ng medalyon at hiyas na pendant.

Paano natatanggap ng mga kabataan ang mga sagisag na ito?

Ang mga kabataang lalaki ay makakatanggap ng singsing mula sa panguluhan ng kanilang korum. Ang mga kabataang babae ay makakatanggap ng medalyon mula sa panguluhan ng kanilang klase. Bukod pa rito, sa oras ng interbyu, ang bishop ay magbibigay sa bawat kabataan ng isang lalagyan ng temple recommend.

Children and Youth oil vial for Young Men

Sa taon na sila ay magiging 18 taong gulang, ang mga kabataang lalaki ay makatatanggap ng lalagyan ng langis matapos silang maorden sa Melchizedek Priesthood. Ang mga kabataang babae ay makatatanggap ng pendant na maidaragdag sa kuwintas kasama ng kanilang medalyon.

Paano natatanggap ng mga kabataan ang mga sagisag na ito?

Ang lalagyan ng langis o pendant ay ibibigay sa mga kabataan ng kanilang quorum o class presidency malapit sa simula ng taon na sila ay magiging 18 taong gulang.

Children and Youth crystal

Sa loob ng taon na ang kabataang lalaki o kabataang babae ay magiging 18 taong gulang, siya (kasama ang mga magulang kung nais) ay magkakaroon ng oportunidad na makausap ang bishop para pag-usapan ang kanyang pag-unlad. Sa sitwasyong ito, ibibigay ng bishop ang isang sertipiko mula sa Unang Panguluhan, gayundin ang kristal ng Mga Bata at Kabataan. Ibibigay niya ang mga sagisag ng tagumpay na ito sa mga kabataan na nagsisikap na maging lalong katulad ng Tagapagligtas sa pamamagitan ng pagpupunyagi na:

  • Magbasa ng mga banal na kasulatan at manalangin araw-araw.
  • Maging karapat-dapat sa pagkakaroon ng limited-use temple recommend.
  • Lumahok sa mga miting sa araw ng Sabbath, gawain sa korum o klase, at seminary.
  • Pagsikapan ang bawat mithiin sa bawat aspeto ng pag-unlad.
  • Maglingkod sa iba sa personal at makabuluhan na paraan, na maaaring kabilangan ng proyektong pangserbisyo.

Ang mga bagong miyembro, ang mga hindi aktibong nakikilahok sa Mga Bata at Kabataan o sa Simbahan, at ang mga hindi miyembro ng Simbahan ay maaaring makatanggap ng mga sagisag ng tagumpay sa taon na sila ay maging 18 taong gulang kung, sa panahon na sila ay nainterbyu, aktibo silang nagsisikap na magawa ang mga pattern o huwaran ng pagkadisipulo.

Ang mga simbolo para sa Sikaping Maging ay available para sa mga lokal na kaganapan at aktibidad.

Mga graphics ng simbolo ng Sikaping Maging para sa mga Youth Conference at Camp