Philippines

Pagbabahagi ng Ebanghelyo: Isang Brodkast para sa mga Lider

Pagbabahagi ng Ebanghelyo: Itinuturo ng isang Brodkast para sa mga Lider kung paano matutulungan ng mga lider ng simbahan ang mga miyembro na maunawaan ang mga alituntunin ng magmahal, magbahagi, at mag-anyaya. Hinihikayat ang mga ward na magdaos ng lingguhang mga missionary coordination meeting na tutulong para mapagkaisa ang mga pagsisikap na ibahagi ang ebanghelyo. Kabilang sa mga tagapagsalita sina Elder Dieter F. Uchtdorf, Elder David A. Bednar, at Elder Quentin L. Cook

Sharing the Gospel: A Broadcast for Leaders | Philippines Area

Mahahalagang Tanong:

  1. Sa anong mga paraan ka maaaring magmahal, magbahagi, at mag-anyaya sa iyong komunidad?
  2. Paano mo mapagkakaisa ang gawain ng pagbabahagi ng ebanghelyo sa ward level?

Mga Halimbawa ng Pagkilos Ayon sa mga Alituntunin ng Magmahal, Magbahagi, at Mag-anyaya

Mga halimbawa ng mga miyembro ng simbahan na kumikilos ayon sa mga alituntunin ng magmahal, magbahagi, at mag-anyaya ayon sa mga pahiwatig na natanggap nila. 

video placeholder

Mahahalagang Tanong:

  1. Paano mo mas maibabahagi ang iyong pagmamahal, buhay, at pananampalataya sa iba?
  2. Paano mo maaanyayahan ang mas maraming tao na lumapit kay Cristo at makibahagi sa Kanyang ebanghelyo?

Paggamit sa Teknolohiya para Magmahal, Magbahagi, at Mag-anyaya

Mga halimbawa ng mga miyembro ng simbahan na gumagamit ng teknolohiya para magmahal, magbahagi, at mag-anyaya sa iba na lumapit kay Cristo.

video placeholder

Mahahalagang Tanong:

  1. Paano mo mas maibabahagi ang iyong pagmamahal, buhay, at pananampalataya sa iba gamit ang teknolohiya?
  2. Paano mo magagamit ang teknolohiya para maanyayahan ang mas marami pang indibiduwal na pumarito at tingnan, pumarito at maglingkod, at pumarito at makabilang?

Pagtulong sa mga Bagong Miyembro na Makibahagi sa mga Proxy Baptism

Interbyu sa bagong mga miyembro na nagsagawa kamakailan ng mga proxy baptism sa mga templo para sa kanilang yumaong mga ninuno. 

video placeholder

Mahalagang Tanong:

  1. Paano mo matutulungan ang mga bago at nagbabalik na mga miyembro na maghanda para sa at makibahagi sa mga binyag para sa kanilang mga yumaong ninuno?

Mga Halimbawa ng Lingguhang Missionary Coordination Meeting

Mga halimbawa ng lingguhang missionary coordination meeting sa iba’t ibang panig ng mundo

video placeholder

Mahahalagang Tanong:

  1. Paano mo maitutuon ang inyong mga lingguhang missionary coordination meeting sa pagtulong sa mga bago at nagbabalik na miyembro, mga taong tinuturuan, at mga taong maaaring interesado sa ebanghelyo?
  2. Paano natin magagawang mas epektibo ang ating lingguhang missionary coordination meeting?