2020
Paghahanap ng Mapapangasawa—at ang Biyaya ng Tagapagligtas
Hunyo 2020


Mga Young Adult

Paghahanap ng Mapapangasawa—at ang Biyaya ng Tagapagligtas

Larawan
couple holding hands

Litratong mula sa Getty Images

Nangangako ang Panginoon na “ang [Kanyang] biyaya ay sapat para sa maaamo” (Eter 12:26). Ang mga salitang ito ay dapat magbigay ng pag-asa at kapanatagan sa ating lahat na young single adult, lalo na pagdating sa paghahanap ng makakasama sa walang-hanggan. Ang tiwalang mga disipulo ni Cristo ay madalas maghanap ng pagmamahal nang may bukas na puso, para lamang madismaya dahil sa di-natugunang mga inaasam o mainis dahil sa masamang ugali ng mga kadeyt nila. Ang paghahanap na ito ay maaaring magdulot ng takot, galit, kapaitan, at stress, lalo na kung nagpapatuloy ito nang lampas pa sa inaasahang petsa ng inyong kasal!

Ngunit, tulad ng inaakala mo, hindi ito ang mga damdaming nilalayon ng Diyos na palagi nating madama habang sinusunod natin ang Kanyang utos na mag-asawa at magpalaki ng mabubuti at masasayang pamilya. Sa katunayan, nais ng Diyos na maging masaya tayo sa paghahanap na iyon!

Nasasaisip ito, ang mga artikulo sa bahaging ito ay nilayon para tulungan kang alisin ang stress sa paghahanap ng inyong makakasama sa walang-hanggan. Makakakita ka ng mga kuwento kung paano umunlad sa buhay anuman ang iyong marital status at ng payo na maghahanda sa iyo para sa isang mapagmahal, mapag-alaga, at matibay na pagsasama ng mag-asawa sa huli.

Habang hinahanap mo ang taong magbibigay sa iyo ng kanilang buong puso na katulad mo sa kanila, basahin sandali ang mga artikulong ito. Ipinapangako ko na pagagaanin ng isa sa mga ito ang iyong puso at tutulungan kang magtiwala na ang biyaya ng Tagapagligtas ay talagang sapat para sa iyo.

Tapat na sumasaiyo,

Landon Hawes

Print