Training para sa Kurikulum
Maikling Panimulang Gabay: Pagsagot sa Aking mga Tanong tungkol sa Ebanghelyo—Religion 280


“Maikling Panimulang Gabay: Pagsagot sa Aking mga Tanong tungkol sa Ebanghelyo—Religion 280,” Maikling Panimulang Gabay: Pagsagot sa Aking mga Tanong tungkol sa Ebanghelyo—Religion 280 (2022)

“Maikling Panimulang Gabay,” Maikling Panimulang Gabay: Pagsagot sa Aking mga Tanong tungkol sa Ebanghelyo—Religion 280 (2022)

Maikling Panimulang Gabay

Pagsagot sa Aking mga Tanong tungkol sa Ebanghelyo—Religion 280

Pambungad

Ang Pagsagot sa Aking mga Tanong tungkol sa Ebanghelyo ay isang natatanging kurso sa institute na nagtutulot sa mga estudyante na pumili ng mga paksang may kaugnayan sa ebanghelyo na nakikita nilang mahalaga at ninanais talakayin. Ang mga guro ay hindi inaasahang maging mga eksperto sa mga paksang pipiliin ng mga estudyante. Sa halip, ang mga estudyante at guro ay magkakasamang matututo. Gagamitin ng mga guro ang proseso ng pagkatuto na batay sa alituntunin na makatutulong upang ang talakayan ay maging bukas, tapat, at nakapagpapasigla.

Pagsisimula

Bago mo simulan ang kursong ito kasama ang iyong mga estudyante, maging pamilyar sa disenyo ng kurso. Ang paggawa ng mga unang hakbang na ito ay makatitiyak na ikaw at ang iyong mga estudyante ay sisimulan ang pag-aaral na ito sa tamang direksyon at sa matibay na pundasyon:

Hakbang 1: Ang Buod.Rebyuhin ang mga nilalaman at basahin ang pambungad. Pagkatapos ay itala kung ano ang lubhang nakatutuwa sa iyo tungkol sa kursong ito at anumang alalahaning mayroon ka.

Hakbang 2: Ang mga Resulta ng Pag-aaral.Hanapin ang mga resulta ng pag-aaral sa lesson 1, at isipin kung paano mapapalakas ng pagsunod sa mga ito ang pananampalataya ng iyong mga estudyante kay Jesucristo at sa Kanyang ipinanumbalik na Simbahan.

Hakbang 3: Mga Gabay na Alituntunin.Rebyuhin ang lesson 1–3, at alamin ang mga pangunahing alituntuning itinuro sa mga lesson na ito. Pagkatapos ay pagnilayan kung paano mapapanatili ng pagsasabuhay ng mga alituntuning ito ang inyong mga talakayan sa klase sa matibay na pundasyon habang tinatalakay ang mahihirap na paksa.

Hakbang 4: Isang Huwaran para sa Pagkatuto.Magpunta sa lesson 4 at tukuyin ang “huwaran sa pagkatuto” na gagabay sa inyong mga talakayan sa klase. Isipin kung bakit mahalagang gawin ang huwarang ito habang itinuturo ang lesson 4–6, bago simulan ng iyong mga estudyante ang pagpili ng sarili nilang mga paksa sa lesson 7–14.

Hakbang 5: Mga Microtraining.Basahin ang pambungad para sa mga microtraining sa Apendiks A. Maging pamilyar sa bawat microtraining. Pag-isipang mabuti kung paano at kailan mo magagamit ang mga ito upang mapagyaman ang karanasan sa pag-aaral ng iyong mga estudyante.

Pag-usapan Ito

Magtakda ng oras para kausapin ang iyong coordinator o institute director tungkol sa kursong ito. Ibahagi sa kanya ang iyong mga tanong at alalahanin. Sa kabuuan ng kurso, hingiin ang tulong ng iyong coordinator o institute director kung kinakailangan.