Temporal Preparedness Resources
Paghingi ng Emosyonal at Sikolohikal na Tulong sa Oras ng Emergency


“Paghingi ng Emosyonal at Sikolohikal na Tulong sa Oras ng Emergency,” Kahandaan sa Emergency (2023)

Paghingi ng Emosyonal at Sikolohikal na Tulong sa Oras ng Emergency

Ang Family Services ay tumutulong sa mga lider ng Simbahan na pangalagaan ang mga indibiduwal na may mga hamon sa pakikisalamuha at sa emosyon sa pamamagitan ng pagbibigay ng resources na naaayon sa mga alituntunin ng ebanghelyo.

Ang Family Services ay maaaring magbigay ng suporta sa pakikisalamuha, emosyonal, at mental na kalusugan pagkatapos ng isang kalamidad o krisis. Kapag dumaranas ng mga hamon na hindi natin makontrol, tumutugon ang bawat isa sa atin sa maraming paraan. Kung minsa’y nahihirapan tayo, at OK lang iyan. Sa ibang mga pagkakataon naman, maaari tayong tumugon nang may katatagan sa paggamit ng ating mga kalakasan at resources. Karaniwan na sa atin ang tumugon nang may pagsisikap at kalakasan.

Ang emergency response emotional care services ay maaaring ibigay nang personal o online. Sa isang emergency, ang Family Services ay nakatuon sa pagbibigay ng psychological first aid. Kabilang dito ang pagbibigay ng pag-asa at resources. Ang mga serbisyong ito ay hindi nangangailangan ng mga papeles.

Kabilang sa iba pang mga serbisyo ang:

  • Consultation Services para sa mga Lider ng Simbahan

  • Self-Help Resources

  • Kahandaan para sa emosyonal at sikolohikal na emergency

  • Pagsusuri sa mga emosyonal na pangangailangan

  • Emergency emotional care support para sa mga indibiduwal, pamilya, at grupo

  • Mga koneksyon sa karagdagang resources

Para sa tulong sa mga pangangailangan sa kalusugang emosyonal o sikolohikal, makakakuha ka ng karagdagang impormasyon sa resources para sa kalusugan ng pag-iisip sa bahaging Tulong sa Buhay ng website ng Simbahan. Maaari mo ding kontakin ang iyong bishop para sa referral para makipagkita sa isang Family Services counselor (kung saan mayroon).