Lumang Tipan 2022
Karagdagang Resources


“Karagdagang Resources,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Sunday School: Lumang Tipan 2022 (2021)

“Karagdagang Resources,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Sunday School: 2022

Karagdagang Resources

Ang resources na ito ay matatagpuan sa Gospel Library app at sa ChurchofJesusChrist.org.

Mga Himno at Aklat ng mga Awit Pambata

Ang sagradong musika ay nag-aanyaya sa Espiritu at nagtuturo ng doktrina sa paraan na madali itong matandaan. Bukod pa sa paggamit ng mga print version ng Mga Himno at Aklat ng mga Awit Pambata, makakakita ka ng mga video at audio recording ng maraming himno at awiting pambata sa music.ChurchofJesusChrist.org at sa Sacred Music at Gospel Media apps.

Mga Manwal sa Seminary at Institute

Ang mga manwal sa seminary at institute ay naglalaan ng kasaysayan at komentaryong doktrinal para sa mga alituntuning matatagpuan sa mga banal na kasulatan. Maaari din itong magganyak ng mga ideya sa pagtuturo para sa mga klase sa Sunday School.

Mga Magasin ng Simbahan

Ang mga magasing Liahona at Para sa Lakas ng mga Kabataan ay naglalaan ng mga artikulo at iba pang mga tampok na artikulo na maaaring makaragdag sa mga alituntuning itinuturo mo mula sa , Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Sunday School.

Larawan
batang nag-aaral ng resources ng Simbahan

Mga Paksa ng Ebanghelyo

Sa Mga Paksa ng Ebanghelyo (topics.ChurchofJesusChrist.org) matatagpuan mo ang pangunahing impormasyon tungkol sa iba’t ibang paksa ng ebanghelyo, pati na ang mga link sa makatutulong na resources, tulad ng kaugnay na mga mensahe sa pangkalahatang kumperensya, artikulo, banal na kasulatan, at video.

Mangaral ng Aking Ebanghelyo

Ang gabay na ito para sa mga missionary ay nagbibigay ng buod ng mga pangunahing alituntunin ng ebanghelyo.

Para sa Lakas ng mga Kabataan (buklet)

Binabalangkas ng resource na ito ang mga pamantayan ng Simbahan na makatutulong sa atin na ipamuhay ang ebanghelyo at matamasa ang patnubay ng Espiritu. Isiping sumangguni rito nang madalas, lalo na kung mga kabataan ang tinuturuan mo.

Mga Video at Sining

Ang mga ipinintang larawan, video, at iba pang media ay makatutulong sa mga tinuturuan mo na maunawaan ang doktrina at mailarawan sa kanilang isipan ang mga kuwentong may kaugnayan sa mga banal na kasulatan. Bumisita sa Gospel Media sa MediaLibrary.ChurchofJesusChrist.org para ma-browse ang koleksyon ng media resources ng Simbahan. Makukuha rin ang Gospel Media bilang mobile app. Marami kang magagamit na larawan sa klase na matatagpuan sa Aklat ng Sining ng Ebanghelyo.

Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas

Ang Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas ay maaaring makatulong sa iyo na matutuhan at gamitin ang mga alituntunin ng pagtuturo na tulad ni Cristo. Ang mga alituntuning ito ay tinatalakay at pinapraktis sa mga teacher council meeting.

Print