1. ‘Pag nakikita ko
Mga babae sa ‘king screen.
Puso’y bumibigat,
mas masaya sila sa ‘kin.
‘Di maintindihan
Nararapat kong kahinatnan.
‘Di makatulog sa
Bigat ng kailangang gawin.
Katotohanan ay
Napakahirap hanapin.
Parang isang patak
ng tubig sa dagat na kaylalim. Mm.
Naririnig Ka ‘pag nag-iisa.
Sa tinig Mo,
Gumagaling ako.
Pasanin ko
Ay pinapawi Mo.
[Chorus]
Naaalalang ako’y mahal,
May likas na kabanalan,
Perpektong dinisenyo.
‘Pag nanlulumo,
Tinatawag Mo—
Naaalalang ako’y mahal.
May likas na kabanalan,
Perpektong dinisenyo.
‘Pag nanlulumo,
Tinatawag Mong mahal Ko. Mahal Ko.
2. Ang ingay ng mundo,
Hindi ko pinakikinggan.
Iyong pagmamahal
Ang siyang tangi kong kailangan.
Saksi mga bituin
At sugat mo para sa ‘kin.
Naririnig Ka ‘pag nag-iisa.
Sa tinig Mo,
Gumagaling ako.
Anak Mo ako
Saan man magtungo.
[Chorus]
Naaalalang ako’y mahal.
May likas na kabanalan,
Perpektong dinisenyo.
‘Pag nanlulumo,
Tinatawag Mo—
Naaalalang ako’y mahal.
May likas na kabanalan,
Perpektong dinisenyo.
‘Pag nanlulumo,
Tinatawag Mong mahal Ko. Mahal Ko.
Pasakit ko’y hindi hadlang,
Pinagdaanan lamang.
Ang dungis ay naglalaho,
Ganda’y inilalabas Mo.
Pasakit ko’y hindi hadlang,
Pinagdaanan lamang.
Ang dungis ay naglalaho,
Naglalaho.
[Chorus]
Naaalalang ako’y mahal.
May likas na kabanalan,
Perpektong dinisenyo.
‘Pag nanlulumo,
Tinatawag Mo—Naaalalang ako’y mahal.
May likas na kabanalan,
Perpektong dinisenyo.
‘Pag nanlulumo,
Tinatawag Mong mahal Ko. Mahal Ko.
Mga Titik at Himig nina Connor Austin, Ysabelle Cuevas, at Nik Day
Arranged by Landon Alley and Mitch Davis
Produced by Mitch Davis
© 2023 by Intellectual Reserve, Inc. All rights reserved. Ang awiting ito ay maaaring kopyahin para sa insidental at di-pangkalakal na gamit sa simbahan o tahanan. Ang paunawang ito ay kailangang isama sa bawat kopyang gagawin.
para sa Boses at Piyano
para sa Boses at Gitara
para sa Boses at Ukulele