“Lesson 1: Panimulang Lesson,” EnglishConnect 1 para sa mga Mag-aaral (2022)
“Lesson 1,” EnglishConnect 1 para sa mga Mag-aaral
Lesson 1
Introductory Lesson
Welcome sa EnglishConnect! Masaya kami na narito ka. Tayo ay isang grupo ng mga tao na naghahangad na palawakin ang ating mga oportunidad sa pamamagitan ng pag-aaral ng Ingles. Maaaring iba’t iba ang ating pinagmulan, nagsasalita tayo ng iba’t ibang wika, at may iba’t ibang antas ng kakayahan sa Ingles, ngunit sama-sama nating makakamtan ang ating mga mithiin.
Ang EnglishConnect ay naiiba sa karamihan ng mga programa sa pag-aaral ng Ingles. Ang EnglishConnect ay nilayong makatulong sa iyo na magkaroon ng mga kasanayan sa Ingles sa isang kapaligirang may pananampalataya, pakikisama, at paglago. Ang ibig sabihin niyan ay hindi mo ito gagawin nang mag-isa. Bawat tao sa iyong grupo sa EnglishConnect ay susuporta at maghihikayat sa isa’t isa. Nangangahulugan din ito na gagamitin mo ang mga espirituwal na alituntunin ng pagkatuto habang ikaw ay nag-aaral at natututo.
Sa lesson na ito, ituturo namin ang prosesong gagamitin mo para sa bawat lesson sa personal na pag-aaral at sa iyong conversation group.
Simulan na natin!
Conversation Group
Layunin: Matututo akong ipakilala ang aking sarili at ang iba.
Ikaw ay Anak ng Diyos
Alam mo ba na ang isa sa mga pinakamahalagang bagay na magagawa mo para makamtan ang isang mithiin ay ang magtuon sa mga paniniwala mo tungkol sa iyong sarili? Ang mga paniniwala mo tungkol sa iyong kakayahan ay magkakaroon ng malaking epekto sa iyong mga pagsisikap at bunga nito. Maaaring nagdududa ka sa iyong mga kakayahan dahil sa dating kabiguan. Ang magandang balita ay maaari mong baguhin ang iyong mga paniniwala! Kapag binago mo ang iyong mga paniniwala tungkol sa iyong sarili, maaari mong baguhin ang iyong mga resulta. Ang kapangyarihang baguhin ang mga paniniwala mo tungkol sa iyong sarili ay nagmumula sa pag-unawa sa iyong likas na pagkatao.
Ikaw ay anak ng Diyos. Mahal ka Niya. Bilang Kanyang anak, ikaw ay may potensyal at layunin. May kakayahan kang matuto at magbago. May kakayahan kang lumago at humusay. Nais ng Diyos na tulungan kang umunlad. Nais Niyang makipagtuwang sa iyo para tulungan kang makamtan ang iyong potensyal. Ang pakikipagtuwang sa Diyos sa pag-aaral ng Ingles ay tutulong sa iyo na higit Siyang makilala. Tutulungan ka rin Niyang higit na makilala ang iyong sarili.
Maaari kang manalangin sa Diyos. Maririnig ka Niya. Maaari mo siyang hilingan na tulungan kang matuto ng Ingles. Maaari mo Siyang pasalamatan sa Kanyang mga pagpapala. Habang nagdarasal ka, bigyang-pansin ang iyong mga iniisip at nadarama. Malalaman mo na nariyan ang Diyos, mahal ka Niya, at nais Niyang tulungan ka. Mapipili mong maniwala na ikaw ay anak ng Diyos na may walang-hanggang potensyal, at na maaari mong hingin ang Kanyang tulong na matuto ng Ingles.
Ponder
-
Paano nakakaimpluwensya ang pagkaalam na ikaw ay anak ng Diyos sa mga paniniwala mo tungkol sa iyong sarili?
-
Paano makakatulong ang pagkaalam na ikaw ay anak ng Diyos para matuto ka ng Ingles?
Activity 1: Practice the Pattern
(10–15 minutes)
Part 1: Rebyuhin ang listahan ng bokabularyo na may kasamang partner.
Kapag nag-aral ka ng bokabularyo, magtuon sa kahulugan at pagbigkas ng bawat salita.
I/my |
ako/ang aking |
you/your |
ikaw/ang iyong |
he/his |
siya/ang kanyang (lalaki) |
she/her |
siya/ang kanyang (babae) |
no |
hindi |
yes |
oo |
name |
pangalan |
please |
paki/pakiusap |
thank you/thanks |
salamat sa iyo/salamat |
What is … ? |
Ano ang … ? |
Nice to meet you. |
Masaya akong makilala ka. |
Part 2: Praktisin ang pattern 1 na may kasamang partner.
Praktisin ang mga pattern na may kasamang partner. Ang iyong mithiin ay magtanong at sumagot sa mga tanong nang may tiwala at maunawaan ang sinasabi.
Magpraktis na magtanong.
Bumuo ng maraming tanong hangga’t kaya mo.
Example 1
What is your name?
Example 2
What’s his name?
Magpraktis na sumagot sa mga tanong.
Bumuo ng maraming sagot hangga’t kaya mo. Maaari mong palitan ng sarili mong mga salita ang nakasalungguhit na mga salita.
Example 1
My name is Rosa.
Example 2
His name is Niko.
Magpraktis na makipag-usap gamit ang mga pattern.
Magtanong at sumagot sa mga tanong gamit ang mga pattern.
Example
-
A: Hi! What is your name?
-
B: Hello! My name is .
-
A: Nice to meet you.
-
B: What’s your name?
-
A: My name is .
-
B: Nice to meet you.
-
A: What’s her name?
-
B: Her name is Rosa.
Activity 2: Create Your Own Sentences
(5–10 minutes)
Ang layunin ng aktibidad na ito ay para gamitin mo ang mga pattern at bokabularyo sa pagbuo ng sarili mong mga pangungusap.
Tingnan ang mga larawan. Magtanong at sumagot sa mga tanong tungkol sa pangalan ng bawat tao. Magsalitan.
Example: Talia
-
A: What’s her name?
-
B: Her name is Talia.
Activity 3: Create Your Own Conversations
(10–15 minutes)
Ang layunin ng aktibidad na ito ay para makipag-usap sa Ingles.
Part 1
Kilalanin ang iyong grupo. Itanong ang pangalan ng bawat mag-aaral sa iyong grupo. Maging malikhain. Gumamit ng maraming salitang alam mo.
Example
-
A: Hi, what’s your name?
-
B: My name is Mei. What is your name?
-
A: My name is Sione. Nice to meet you.
-
B: Nice to meet you. Goodbye.
-
A: Bye!
Part 2
Humanap ng isang partner at ipakilala ang partner mo sa iyong grupo.
Example
-
A: Hi, what’s her name?
-
B: Her name is Luna. What is his name?
-
A: His name is Seth.
Paghahanda para sa Susunod na Lesson
(5 minutes)
Laging nariyan ang Diyos para suportahan tayo. Inaasahan din ng Diyos na gagawin natin ang ating makakaya. Makikinabang ka mula sa bawat pagsisikap na maghanda para sa lesson. Narito ang tatlong bagay na gagawin para sa bawat lesson bago dumalo sa inyong conversation group:
-
Pag-aralan ang alituntunin ng pagkatuto.
-
Isaulo ang bokabularyo.
-
Praktisin ang mga pattern.
Matatagpuan mo ang tatlong bagay na ito sa bahaging “Personal na Pag-aaral” sa simula ng bawat lesson. Tandaang mag-aral at magpraktis araw-araw.