“Lesson 8: Mga Karaniwang Bagay sa Araw-araw,” EnglishConnect 1 para sa mga Mag-aaral (2022)
“Lesson 8,” EnglishConnect 1 para sa mga Mag-aaral
Lesson 8
Everyday Common Items
Layunin: Matututo akong gamitin ang this (ito), that (iyan), these (ang mga ito), at those (ang mga iyan) para magtanong kung ano ang pag-aari ng isang tao.
Personal Study
Maghanda para sa iyong conversation group sa pamamagitan ng pagkumpleto sa aktibidad A hanggang E.
Study the Principle of Learning: Press Forward
Magpatuloy sa Paglakad
With God’s help, I can press forward even when I face obstacles.
Sa tulong ng Diyos, maaari akong magpatuloy sa paglakad kahit maharap ako sa mga balakid.
Lahat tayo ay nagdaraan sa mga hamon sa buhay. Kung minsa’y nagpapahirap ang ating mga hamon sa pagsasakatuparan ng ating mga mithiin. Si Nephi, isang propeta at lider sa Aklat ni Mormon, ay nakaranas ng maraming hamon. Ginugol niya ang buong buhay niya sa pagtuturo at paglilingkod sa kanyang mga tao. Alam niya na mahaharap sila sa mahihirap na hamon, at gusto niyang tulungan silang malaman kung paano manindigan. Itinuro ni Nephi:
“Magpatuloy sa paglakad nang may katatagan kay Cristo, na may ganap na kaliwanagan ng pag-asa, at pag-ibig sa Diyos at sa lahat ng tao” (2 Nephi 31:20).
Maaari ka ring magpatuloy sa paglakad. Ang ibig sabihin ng “magpatuloy sa paglakad nang may katatagan kay Cristo” ay patuloy na magsikap, na nagtitiwala kay Jesucristo, kahit mahirap ang mga bagay-bagay. Nagtitiwala ka na pagpapalain Niya ang iyong mga pagsisikap kahit mahirap ang mga bagay-bagay o kapag nagkakamali ka. Halimbawa, napapansin mo siguro na nagkakamali ka kapag sinusubukan mong magsalita ng Ingles. Nahihirapan ka sigurong maalala ang mga bagong salita. Maaari kang magpatuloy sa paglakad at magpraktis araw-araw, na nagtitiwala na tutulungan ka Niyang matuto. Anumang mga hamon ang kinakaharap mo, maaari kang magpatuloy sa paglakad nang may pananampalataya.
Ponder
-
Ano ang mga paraan na maaari kang “magpatuloy sa paglakad” sa pag-aaral ng Ingles?
-
Ano ang nakakatulong sa iyo na patuloy na magsikap kapag mahirap ang mga bagay-bagay?
Memorize Vocabulary
Pag-aralan ang kahulugan at pagbigkas ng bawat salita sa harap ng iyong conversation group. Subukang gumawa ng mga flashcard para matulungan kang maisaulo ang mga bagong salita. Maaari kang gumamit ng papel o ng isang app.
not |
hindi |
this/these |
ito/ang mga ito |
that/those |
iyan/ang mga iyan |
Nouns
book/books |
aklat/mga aklat |
chair/chairs |
silya/mga silya |
clock/clocks |
orasan/mga orasan |
computer/computers |
kompyuter/mga kompyuter |
key/keys |
susi/mga susi |
notebook/notebooks |
notebook/mga notebook |
pen/pens |
bolpen/mga bolpen |
pencil/pencils |
lapis/mga lapis |
phone/phones |
cell phone/mga cell phone |
table/tables |
mesa/mga mesa |
wallet/wallets |
pitaka/mga pitaka |
watch/watches |
relo/mga relo |
Practice Pattern 1
Magpraktis na gamitin ang mga pattern hanggang sa maging tiwala kang magtanong at sumagot sa mga tanong. Maaari mong palitan ang nakasalungguhit na mga salita ng mga salita sa bahaging “Memorize Vocabulary.”
Q: What is this?A: This is a (noun).
Examples
Q: What is this?A: This is a watch.
Q: What are these?A: These are pencils.
Q: What is that?A: That is a key.
Practice Pattern 2
Magpraktis na gamitin ang mga pattern hanggang sa maging tiwala kang magtanong at sumagot sa mga tanong. Subukang unawain ang mga tuntunin sa mga pattern. Pag-isipan kung paano natutulad o naiiba ang Ingles sa iyong wika.
Q: Is this my (noun)?A: Yes, it is.
Examples
Q: Is this your book?A: No, it is not.
Q: Are those her keys?A: Yes, they are.
Use the Patterns
Sumulat ng apat na tanong na maaari mong itanong sa iba. Sumulat ng sagot sa bawat tanong. Basahin ang mga ito nang malakas.
Conversation Group
Activity 1: Practice the Patterns
(10–15 minutes)
Rebyuhin ang listahan ng bokabularyo na may kasamang partner.
Praktisin ang pattern 1 na may kasamang partner:
-
Magpraktis na magtanong.
-
Magpraktis na sumagot sa mga tanong.
-
Magpraktis na makipag-usap gamit ang mga pattern.
Ulitin para sa pattern 2.
Activity 2: Create Your Own Sentences
(10–15 minutes)
Tingnan ang mga larawan. Magtanong at sumagot sa mga tanong tungkol sa mga bagay na nasa bawat larawan. Magsalitan. Magpalitan ng partner at muling magpraktis.
Example
-
A: What are those?
-
B: Those are books.
-
A: Are those your books?
-
B: No, they are not my books.
Activity 3: Create Your Own Conversations
(15–20 minutes)
Pumili ng limang bagay sa loob ng kuwarto. Ipakita ang mga ito sa partner mo. Magtanong at sumagot sa mga tanong tungkol sa bawat bagay. Magsalitan. Magpalitan ng partner at muling magpraktis.
Example
-
A: What is that?
-
B: That is a phone.
-
A: Is it your phone?
-
B: Yes, it is.