Pag-aaral ng Ingles
Tracker sa Personal na Pag-aaral


“Tracker sa Personal na Pag-aaral,” EnglishConnect para sa mga Mag-aaral (2022)

“Tracker,” EnglishConnect 1 para sa mga Mag-aaral

Personal Study Tracker

Tracker sa Personal na Pag-aaral

Isulat ang layunin mo sa pag-aaral ng Ingles.

Layunin: Gusto kong matuto ng Ingles dahil:

Maaari mong mapaghusay ang kakayahang mong matuto sa pamamagitan ng pagsubaybay sa iyong mga pagsisikap at pagtatakda ng mga mithiing magpakahusay. Gamitin ang “Tracker sa Personal na Pag-aaral” para masubaybayan ang iyong mga pagsisikap. Pagkatapos ng bawat lesson, magtakda ng isang simpleng mithiin. Ipagdiwang ang iyong pag-unlad; bawat pagsisikap ay inilalapit ka sa iyong mithiin.

Kaunting Pagsisikap pulang dot

Katamtamang Pagsisikap dilaw na dot

Malaking Pagsisikap berdeng dot

Printable na “Tracker sa Personal na Pag-aaral”

Example

Halimbawa

Lesson
Lesson

Study the Principle of Learning
Pag-aralan ang Alituntunin ng Pagkatuto

Memorize Vocabulary
Isaulo ang Bokabularyo

Practice the Patterns
Praktisin ang mga Pattern

Practice Daily
Magpraktis Araw-araw

My Goal
Ang Aking Mithiin

Lesson
Lesson

1

Study the Principle of Learning
Pag-aralan ang Alituntunin ng Pagkatuto

pula, dilaw, berdeng mga dot na binilugan ng pula

Memorize Vocabulary
Isaulo ang Bokabularyo

pula, dilaw, berdeng mga dot na binilugan ng pula

Practice the Patterns
Praktisin ang mga Pattern

pula, dilaw, berdeng mga dot na binilugan ng pula

Practice Daily
Magpraktis Araw-araw

pula, dilaw, berdeng mga dot na binilugan ng dilaw

My Goal
Ang Aking Mithiin

Basahin ang Pambungad. Kumpletuhin ang bahaging “Personal na Pag-aaral” para sa lesson 2.

Lesson
Lesson

2

Study the Principle of Learning
Pag-aralan ang Alituntunin ng Pagkatuto

pula, dilaw, berdeng mga dot na binilugan ng dilaw

Memorize Vocabulary
Isaulo ang Bokabularyo

pula, dilaw, berdeng mga dot na binilugan ng berde

Practice the Patterns
Praktisin ang mga Pattern

pula, dilaw, berdeng mga dot na binilugan ng dilaw

Practice Daily
Magpraktis Araw-araw

pula, dilaw, berdeng mga dot na binilugan ng berde

My Goal
Ang Aking Mithiin

Pag-aralan ang alituntunin ng pagkatuto bago magsimula ang lesson.

Lesson
Lesson

3

Study the Principle of Learning
Pag-aralan ang Alituntunin ng Pagkatuto

pula, dilaw, berdeng mga dot na binilugan ng berde

Memorize Vocabulary
Isaulo ang Bokabularyo

pula, dilaw, berdeng mga dot na binilugan ng dilaw

Practice the Patterns
Praktisin ang mga Pattern

pula, dilaw, berdeng mga dot na binilugan ng berde

Practice Daily
Magpraktis Araw-araw

pula, dilaw, berdeng mga dot na binilugan ng dilaw

My Goal
Ang Aking Mithiin

Kapag nanalangin ako, gagamitin ko ang bagong mga salita sa bokabularyong Ingles.

Study Suggestions

Mga Mungkahi sa Pag-aaral

Isiping gamitin ang mga mungkahi sa ibaba para mapaghusay ang iyong pag-aaral.

Study the Principle of Learning

Pag-aralan ang Alituntunin ng Pagkatuto

  1. Manalangin. Simulan at wakasan ang iyong pag-aaral sa isang panalangin. Hilingin sa Diyos na tulungan kang maunawaan at gamitin ang alituntunin.

  2. Makinig sa Espiritu. Pag-ukulan ng pansin ang iyong mga naiisip at nadarama, kahit tila walang kaugnayan ang mga ito sa binabasa mo. Itala ang mga Naiisip at Nadarama Mo Gawin ang ipinahihiwatig ng Espiritu na gawin mo.

  3. Sumulat ng mga salita at pariralang nagbibigay-inspirasyon. Maaaring makahanap ka ng ilang salita at parirala na may personal na kaugnayan sa iyo at nagbibigay-inspirasyon at motibasyon sa iyo. Isulat ang mga ito sa isang lugar kung saan mo makikita ang mga ito. Ilagay ang mga ito sa iyong salamin sa bahay o cell phone.

  4. Gamitin ang alituntunin ng pagkatuto. Isipin kung paano mo magagamit ang alituntunin ng pagkatuto, mga sipi, at mga talata sa banal na kasulatan sa iyong buhay. Itala ang natututuhan mo habang ginagamit mo ang alituntunin ng pagkatuto.

  5. Magbasa pa. Magbasa ng mga talata sa banal na kasulatan o mga mensahe sa kumperensya na may kaugnayan sa alituntunin ng pagkatuto.

  6. Matuto ng bagong bokabularyo. Pumili ng ilang salita mula sa alituntunin ng pagkatuto na nais mong matutuhan sa Ingles. Hanapin ang mga salita. Kausapin ang iba pang mga mag-aaral tungkol sa kahulugan ng mga salita at parirala para sa kanila.

Memorize Vocabulary

Isaulo ang Bokabularyo

  1. Magtuon sa kahulugan at pagbigkas. Magpraktis na ulitin nang malakas at isipin ang kahulugan ng salita. Pag-aralan ang pagbigkas ng bawat salita at magpraktis hanggang sa mabigkas mo ito nang tama. Magpatuloy hanggang sa tiwala mo nang nasasambit ang salita at nalalaman mo na ang kahulugan nito.

  2. Magpraktis gamit ang mga flashcard. Gumamit ng mga note card (o isang app) para gumawa ng mga flashcard. Isulat ang salita sa isang panig at ang kahulugan, pagsasalin, o larawan sa kabila. Ang pag-uulit ay mahalaga sa pagsasaulo ng bokabularyo.

  3. Gamitin ang mga salita sa mga pangungusap. Magpraktis na sambitin ang salitang pinag-aaralan mo sa isang pangungusap. Maaari mong gamitin ang mga pattern ng pangungusap para praktisin ang mga salitang pinag-aaralan mo.

  4. Gamitin ang salita. Mag-isip ng mga sitwasyon kung kailan mo gagamitin ang salita sa iyong pang-araw-araw na buhay. Praktisin ang sitwasyon hanggang sa parang natural nang gamitin ang salita. Kapag pumasok ka sa trabaho, paaralan, mga tindahan, o iba pang mga lugar, gamitin ang mga salita sa iyong isipan para maglarawan ng mga bagay-bagay.

  5. Pansinin ang mga salita. Tingnan at pakinggan ang mga bagong salita sa buong maghapon. Matututo ka mula sa mga pelikula, palabas sa TV, aklat, podcast, o awitin. Isulat ang mga bagong salita.

  6. Alamin ang iba pa. Gumamit ng diksyunaryo para matuto ng iba pa tungkol sa mga bagong salita. Alamin ang mga kahulugan, bahagi ng pananalita, bahagi ng salita, pagbigkas, at halimbawang pangungusap.

  7. Magrebyu. Mag-ukol ng oras na rebyuhin paminsan-minsan ang mga salitang natutuhan mo noong nakaraan. Tutulungan ka nitong makita kung gaano na ang natutuhan mo at hindi makalimutan ang mga salita.

Practice the Patterns

Praktisin ang mga Pattern

  1. Magtuon sa kahulugan at katatasan. Magpraktis na ulitin nang malakas ang isang pangungusap mula sa pattern at isipin ang kahulugan ng salita. Magpatuloy hanggang sa masabi mo ang pangungusap nang maayos, may tiwala, at alam ang kahulugan nito.

  2. I-record ang sarili mo. I-record ang sarili mo na nagtatanong at sumasagot sa mga tanong sa iyong cell phone. Makinig sa recording at pansinin ang iyong katatasan at pagbigkas.

  3. Magpraktis kasama ang isang partner. Magpraktis gamit ang mga pattern para magtanong at sumagot sa mga tanong na kasama ang isang kaibigan. Maaari kang magpraktis nang personal o sa cell phone. Magpraktis gamit ang mga pattern habang sumusulat ka ng mga mensahe sa isang kaibigan.

  4. Pag-isipan at pag-usapan ang mga pattern. Ano ang napapansin mo kung paano gumagana ang Ingles? Ano ang pagkakapareho ng Ingles sa wika mo? Paano naiiba ang Ingles sa wika mo? Paano mo puwedeng gamitin sa ibang sitwasyon ang pattern mula sa isang lesson?

  5. Gumamit ng iba pang resources. Matutulungan ka ng mga aklat sa gramatika, app, website, at iba pang mga mag-aaral na malaman ang iba pa tungkol sa mga pattern sa gramatika ng Ingles.

  6. Pansinin ang mga pattern. Tingnan at pakinggan ang mga pattern na pinag-aaralan mo kapag nagbabasa o nakikinig ka sa Ingles.

Practice Daily

Magpraktis Araw-araw

  1. Magtakda ng routine. Magplano kung kailan at saan ka mag-aaral bawat araw at gawin mo iyon. Para maalala mo, isulat ang iyong mithiin sa isang pahayag na nagsisimula sa “kapag.” Halimbawa, “Kapag ako ay , ako ay .” Narito ang ilang halimbawa: “Kapag ako ay sumasakay sa bus, ako ay nagrerebyu ng bokabularyo.”; “Kapag ako ay nagluluto ng hapunan, inilalarawan ko kung ano ang ginagawa ko gamit ang Ingles.”; at “Kapag ako ay nagdarasal, ako ay nagsasalita sa Ingles hangga’t kaya ko.”

  2. Gumawa ng pang-araw-araw na mga aktibidad sa Ingles. Humanap ng mga paraan na palitan ng Ingles ang iyong katutubong wika sa iyong mga pang-araw-araw na aktibidad. Halimbawa, kapag nakikinig ka sa musika, makinig sa Ingles. Iba pang mga ideya: manood ng mga pelikula sa Ingles o nang may Ingles na subtitle, palitan ng Ingles ang settings mo sa cell phone, at basahin ang mga banal na kasulatan sa Ingles.

  3. Magbasa. Magbasa sa Ingles hangga’t kaya mo. Basahin ang mga banal na kasulatan, mensahe sa pangkalahatang kumperensya, magasin, blog, balita, at iba pang impormasyon sa Ingles.

  4. Makinig. Aktibong makinig hangga’t kaya mo. Makinig sa mga podcast, banal na kasulatan, mensahe, paglalahad, video, palabas sa TV, o pelikula.

  5. Magsalita. Humanap ng mga kaibigan, kapamilya, at katrabaho at magpraktis na kausapin sila. Ibahagi ang natututuhan at ginagawa mo para magpraktis ng Ingles. Bumuo ng isang group chat at magpadala ng mga voice note.

  6. Magsulat. Humanap ng mga oportunidad na sumulat sa Ingles. Magsimulang sumulat sa journal araw-araw o bumuo ng isang group chat. Gamitin ang mga pangungusap at bokabularyong natututuhan mo.

  7. Kumpletuhin ang mga aktibidad sa lesson. Gawin online ang mga aktibidad at assessment sa lesson sa englishconnect.org o sa EnglishConnect Workbook.