Pag-aaral ng Ingles
Pambungad


“Pambungad,” EnglishConnect 1 para sa mga Mag-aaral (2022)

“Pambungad,” EnglishConnect 1 para sa mga Mag-aaral

kalalakihan at kababaihang nagtatawanan

Introduction

Pambungad

Welcome to EnglishConnect!

Welcome sa EnglishConnect!

Pinagsasama-sama ng EnglishConnect ang mga taong naghahangad na palawakin ang kanilang mga oportunidad sa pamamagitan ng pag-aaral ng Ingles. Lahat tayo ay nagmula sa iba’t ibang background at nagsasalita ng iba’t ibang wika. Maaaring magkakaiba ang antas ng ating kakayahan sa Ingles, pero sama-sama nating makakamtan ang ating mga mithiin.

Why Are You Learning English?

Bakit Ka Nag-aaral ng Ingles?

Ang pagkakaroon ng malinaw na layunin ay makakatulong sa iyo na manatiling nakatuon at may motibasyon. Pag-isipan natin kung bakit ka nag-aaral ng Ingles. Inaasahan mo bang makakuha ng mas magandang trabaho? Kailangan mo bang matuto ng Ingles para maragdagan ang iyong pinag-aralan? Maglaan ng isang sandali para maisulat ang iyong mga dahilan sa pag-aaral ng Ingles.

Gusto kong matuto ng Ingles dahil:

Ang pagkatuto ng Ingles ay maaaring makaragdag sa iyong mga oportunidad sa pag-aaral, trabaho, paglilingkod, at pakikipagkaibigan. Matutulungan ka ng EnglishConnect na marating ang iyong mga mithiin.

What Is EnglishConnect?

Ano ang EnglishConnect?

Ang EnglishConnect ay isang naiibang programa sa pag-aaral ng Ingles na ipinagkakaloob ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw. Ang EnglishConnect ay nilayong makatulong sa iyo na magkaroon ng mga kasanayan sa Ingles sa isang kapaligirang may pananampalataya, pakikisama, at paglago. Ang ibig sabihin niyan ay hindi mo ito gagawin nang mag-isa. Matututo ka na kasama ang iba at susuportahan at hihikayatin ninyo ang isa’t isa. Lalago rin ang iyong pananampalataya na matutulungan ka ng Diyos na matuto.

May ilang antas ang EnglishConnect. Ang EnglishConnect 1 at 2 ay tumutulong sa mga mag-aaral na magkaroon ng mga pangunahing kasanayan sa Ingles. Inihahanda ng EnglishConnect 3 ang mga mag-aaral para sa mga oportunidad sa edukasyon—lalo na sa BYU–Pathway Worldwide. Malalaman mo ang iba pa tungkol sa BYU–Pathway sa byupathway.org. Alamin ang iba pa tungkol sa EnglishConnect sa englishconnect.org.

graphic na ipinapakita ang pagkakasunud-sunod ng EnglishConnect 1, EnglishConnect 2, EnglishConnect 3, at ng BYU-Pathway Worldwide

What Makes EnglishConnect Unique?

Ano ang Kakaiba sa EnglishConnect?

dalawang babaeng nagpapraktis ng Ingles

Sa EnglishConnect, nagkakaroon tayo ng mga kasanayan sa Ingles sa isang kapaligirang may pananampalataya, pakikisama, at paglago.

Faith

Pananampalataya

Sa EnglishConnect, natututo tayo sa pamamagitan ng pag-aaral at pananampalataya. Bawat lesson ay nagsisimula sa isang alituntunin ng pagkatuto. Ito ay mga espirituwal na alituntunin na tumutulong sa atin na umasa na daragdagan ng Diyos ang kakayahan nating matuto. Ang mga paniniwala mo tungkol sa kakayahan mong matuto ay magkakaroon ng malaking epekto sa iyong pagsisikap at mga magagawa. Maipapaunawa sa iyo ng mga alituntunin ng pagkatuto ang iyong tunay na potensyal at ang kakayahan ng Diyos na tulungan ka. Ang sumusunod ay mga alituntunin na pag-aaralan mo:

Ikaw ay Anak ng Diyos

“Ako ay anak ng Diyos na may walang-hanggang potensyal at layunin.”

(tingnan sa Roma 8:16–17; Ang Mag-anak Isang Pagpapahayag sa Mundo)

Manampalataya kay Jesucristo

“Matutulungan ako ni Jesucristo na gawin ang lahat ng bagay kapag nanampalataya ako sa Kanya.”

(tingnan sa Filipos 4:13; Eter 12:27; Moroni 7:33 )

Tanggapin ang Responsibilidad

“May kapangyarihan akong pumili, at ako ang responsable sa sarili kong pagkatuto.”

(tingnan sa 2 Nephi 2:14, 16; Doktrina at mga Tipan 58:27–28)

Mahalin at Turuan ang Isa’t Isa

“Maaari akong matuto mula sa Banal na Espiritu kapag ako ay nagmahal, nagturo, at natuto na kasama ang iba.”

(tingnan sa Juan 13:34–35; Juan 14:26–27; Doktrina at mga Tipan 88:77, 88:122–123)

Magpatuloy sa Paglakad

“Sa tulong ng Diyos, maaari akong magpatuloy sa paglakad kahit maharap ako sa mga balakid.”

(tingnan sa 2 Nephi 31:20; 2 Nephi 32:9; Doktrina at mga Tipan 50:41–42)

Sumangguni sa Panginoon

“Pinagbubuti ko ang aking pag-aaral sa pamamagitan ng pagsangguni sa Diyos araw-araw tungkol sa aking mga pagsisikap.”

(tingnan sa Mga Kawikaan 3:5–6; Mateo 7:7–8; Alma 37:37)

Ang mga alituntunin ng pagkatuto ay mga pahayag ng katotohanan. Masasabi mo ang mga pahayag na ito sa iyong sarili kapag kailangan mo ng motibasyon o panghihikayat. Kapag isinasabuhay mo ang mga alituntuning ito, madaragdagan ang kakayahan mong matuto. Malalaman mo na sa tulong ng Diyos, makakamtan mo ang iyong mga mithiin.

Fellowship

Pakikisama

Ang isang mahalagang bahagi ng karanasan sa EnglishConnect ay ang pagkatuto na kasama ang iba. Ang mga EnglishConnect group ay nagmamahalan, nagtutulungan, at nagsusuportahan. Ang iyong mga group meeting ay isang ligtas na lugar para magpraktis at magkamali. Ang paglahok sa isang EnglishConnect group ay makakatulong sa iyo na manatiling may motibasyon at makipagkaibigan.

Growth

Paglago

Ang EnglishConnect ay higit pa sa isang programa sa pagkatuto ng Ingles. Saan ka man magsimula, ang mga mararanasan mo ay makakatulong sa iyo na maging mas mabuting mag-aaral. Magkakaroon ka ng mga oportunidad na:

  • Magpraktis ng Ingles araw-araw.

  • Subaybayan ang iyong pag-unlad.

  • Matuto na kasama ang iba.

  • Humingi ng tulong sa Diyos sa panalangin para makamtan ang iyong mga mithiin.

What Will I Do in EnglishConnect?

Ano ang Gagawin Ko sa EnglishConnect?

Sa EnglishConnect, personal kang mag-aaral, magpapraktis ng pakikipag-usap sa grupo, at magpapraktis araw-araw. Bawat lesson sa EnglishConnect learner manual ay nahahati sa dalawang bahagi—“Personal na Pag-aaral” at “Conversation Group.”

graphic na nagpapakita na kasama sa paghahangad na matuto sa pamamagitan ng pag-aaral at pananampalataya ang siklo ng personal na pag-aaral, conversation group, at pagpapraktis araw-araw

Personal Study

Personal na Pag-aaral

lalaking nag-aaral sa harap ng kanyang mesa

Inihahanda ka ng bahaging “Personal na Pag-aaral” para sa iyong conversation group. Sa “Personal na Pag-aaral,” kukumpletuhin mo ang sumusunod na mga aktibidad:

icon a
Study the Principle of Learning

Pag-aralan ang Alituntunin ng Pagkatuto

Bawat lesson ay may kasamang isang alituntunin ng pagkatuto. Ito ay mga espirituwal na alituntunin na tumutulong sa iyo na makipagtuwang sa Diyos sa pag-aaral ng Ingles. Bago ang iyong conversation group, basahin ang alituntunin ng pagkatuto, pagnilayan ang mga tanong, at isulat ang mga naiisip mo.

icon b
Memorize Vocabulary

Isaulo ang Bokabularyo

Pag-aralan ang kahulugan at pagbigkas ng bawat salita. Gamitin ang bokabularyo para praktisin ang mga pattern. Maaari ka ring maghanap ng karagdagang mga salita sa bokabularyo na maaaring gamitin sa pattern.

icon c
icon d
icon e
Practice the Patterns

Praktisin ang mga Pattern

Magsimula sa pagsasaulo ng mga pattern ng pangungusap. Pagkatapos ay gamitin ang mga pattern para lumikha ng sarili mong mga tanong at sagot. Maaari mong palitan ng ibang mga salita mula sa listahan ng bokabularyo ang nakasalungguhit na mga salita. Patuloy na magpraktis nang malakas hanggang sa tiwala mong magamit ang mga pattern para magtanong at sumagot sa mga tanong.

Conversation Group

Conversation Group

tatlong lalaking nagtatawanan

Kasama sa bahaging “Conversation Group” ang mga aktibidad na gagamitin mo para mag-aral na kasama ang iba. Sa “Conversation Group,” kukumpletuhin mo ang sumusunod na mga aktibidad:

Discuss the Principle of Learning (20–30 minutes)

Talakayin ang Alituntunin ng Pagkatuto (20–30 minuto)

Sa iyong grupo, basahin at talakayin ang alituntunin ng pagkatuto. Ito ay isang oportunidad para magbahagi at matuto mula sa iba.

Activities

Mga Aktibidad

Sa mga aktibidad 1, 2, at 3, gamitin ang bokabularyo at mga pattern ng pangungusap sa paggawa ng makabuluhang pag-uusap. Tinutulungan ka ng mga aktibidad na umunlad mula sa pagpapraktis sa pamamagitan ng pag-uulit hanggang sa makalikha ka ng sarili mong mga pakikipag-usap. Inihahanda ka ng bawat aktibidad para sa susunod na aktibidad.

icon 1
Activity 1: Practice the Patterns (10–15 minutes)

Activity 1: Praktisin ang mga Pattern (10–15 minuto)

Sa activity 1, rebyuhin ang bokabularyo at mga pattern na natutuhan mo sa iyong personal na pag-aaral. Ang iyong mithiin ay gamitin ang mga pattern para makapagsalita at makaunawa ng mga simpleng tanong at sagot.

icon 2
Activity 2: Create Your Own Sentences (10–15 minutes)

Activity 2: Lumikha ng Sarili Mong mga Pangungusap (10–15 minuto)

Sa activity 2, magtuon sa paggamit ng mga pattern para lumikha ng sarili mong mga pangungusap. Maging malikhain. Ang iyong mithiin ay gamitin ang mga pattern para lumikha ng maraming tanong at sagot hangga’t kaya mo.

icon 3
Activity 3: Create Your Own Conversations (15–20 minutes)

Activity 3: Lumikha ng Sarili Mong mga Pakikipag-usap (15–20 minuto)

Sa activity 3, magpraktis ng mga kumpletong pakikipag-usap sa mga tagpo sa tunay na buhay. Ang iyong mithiin ay magkaroon ng mga makabuluhang pakikipag-usap gamit ang Ingles na natutuhan mo.

Evaluate (5–10 minutes)

Suriin (5–10 minuto)

Sa pagtatapos ng bawat conversation group, suriin ang iyong pag-unlad sa mga layunin ng lesson. Gamitin ang “Tracker sa Personal na Pag-aaral” para suriin ang pagsisikap mo sa personal na pag-aaral, at magtakda ng mga mithiin na humusay pa. Mag-ukol ng oras na ipagdiwang ang iyong pag-unlad at mga pagsisikap.

Daily Practice

Pagpapraktis Araw-araw

Para matuto ng Ingles, kailangan mong makagawiang magpraktis araw-araw. Bukod pa sa paglalaan ng oras sa pag-aaral, humanap ng mga paraan para palitan ng Ingles ang iyong pang-araw-araw na aktibidad. Halimbawa, kapag nakikinig ka sa musika, makinig sa Ingles. Kapag nanonood ka ng pelikula, manood sa Ingles o buksan ang mga English subtitle. Tuwing naghihintay ka kahit saan, magpraktis ng mga pakikipag-usap sa Ingles sa iyong isipan. Kapag nagdarasal ka, magdasal sa Ingles hangga’t kaya mo. Ang susi sa araw-araw na praktis ay gumamit ng Ingles sa iyong normal na gawain.

Maaari mo ring kumpletuhin online ang mga aktibidad sa lesson at pagsusuri sa englishconnect.org/learner/resources at sa EnglishConnect Workbook.

Habang kinukumpleto mo ang mga aktibidad sa personal na pag-aaral para sa bawat lesson at nagpapraktis ka araw-araw, mas mabilis kang matututo at mas makapaghahanda para sa iyong conversation group. Gamitin ang “Tracker sa Personal na Pag-aaral” na kasama sa dulo ng pambungad na ito para masubaybayan ang iyong mga pagsisikap at ang iyong mga mithiin.

Remember This

Tandaan Ito

Habang kinukumpleto mo ang mga aktibidad sa personal na pag-aaral, nagpapraktis kang mag-Ingles araw-araw, at aktibo kang lumalahok sa iyong conversation group, masasanay kang makipag-usap sa Ingles. Ang mas mahalaga, habang ginagamit mo ang mga alituntunin ng pagkatuto at humihingi ka ng tulong ng Diyos sa panalangin, matutulungan ka Niyang makamtan ang iyong mga mithiin ngayon at sa hinaharap.