Pag-aaral ng Ingles
Lesson 13: Panahon


“Lesson 13: Panahon,” EnglishConnect 1 para sa mga Mag-aaral (2022)

“Lesson 13,” EnglishConnect 1 para sa mga Mag-aaral

pamilyang nakangiti sa labas

Lesson 13

Weather

Layunin: Matututo akong magtanong at sumagot sa mga tanong tungkol sa panahon.

Personal Study

Maghanda para sa iyong conversation group sa pamamagitan ng pagkumpleto sa aktibidad A hanggang E.

icon a
Study the Principle of Learning: Love and Teach One Another

Mahalin at Turuan ang Isa’t Isa

I can learn from the Spirit as I love, teach, and learn with others.

Maaari akong matuto mula sa Banal na Espiritu kapag minamahal ko, tinuturuan ko, at natututo ako na kasama ang iba.

May mga dakilang bagay ang Diyos na nais Niyang ituro sa atin. Maaari Niyang dagdagan ang kakayahan nating matutuhan ang katotohanan sa pamamagitan ng Kanyang Espiritu. Inaanyayahan natin ang Espiritu kapag nagmamahal at nakikinig tayo sa isa’t isa. Itinuturo ng Diyos sa atin kung ano ang pakiramdam kapag natututo tayo sa pamamagitan ng Espiritu:

“Siya na tumatanggap ng salita sa pamamagitan ng Espiritu ng katotohanan ay natatanggap ito ayon sa ipinangaral sa pamamagitan ng Espiritu ng katotohanan[.] Dahil dito, siya na nangangaral at siya na nakatatanggap, ay nauunawaan ang isa’t isa, at sila ay kapwa pinagtitibay at magkasamang magsasaya” (Doktrina at mga Tipan 50:21–22).

Maaari nating malaman na tinuturuan tayo ng Diyos kapag nadama natin ang Espiritu at sumigla tayo. Ang Espiritu ay naghahatid ng mga damdamin ng pagmamahal, kagalakan, at kapayapaan. Bawat isa sa atin ay maaaring tumulong na lumikha ng isang kapaligiran kung saan maaaring magturo ang Espiritu. Kapag hangad nating matuto sa pamamagitan ng Espiritu, maaari tayong tulungan ng Diyos na unawain ang isa’t isa at magkasama tayong magagalak. Habang natututo ka na kasama ang iyong EnglishConnect group, pansinin kapag natututo ka sa pamamagitan ng Espiritu. Mapanalanging hangarin na makasama ang Espiritu nang mas madalas.

grupo ng mga taong nakangiti at nagsusulat

Ponder

  • Kailan mo nadama na sumigla ka dahil sa mga karanasan mo sa EnglishConnect?

  • Ano ang maaari mong gawin para lumikha ng isang kapaligiran ng pagkatuto sa pamamagitan ng Espiritu?

icon b
Memorize Vocabulary

Pag-aralan ang kahulugan at pagbigkas ng bawat salita sa harap ng iyong conversation group. Subukang gamitin ang mga salita mula sa bahaging “Memorize Vocabulary” sa iyong araw-araw na praktis.

Will it … ?

Gagawin ba nitong … ?

Will it be … ?

Ito ba ay magiging … ?

in Mexico

sa Mexico

Days

today

ngayon

tomorrow

bukas

on Monday*

sa Lunes*

*Tingnan ang apendise para sa iba pang days.

Verbs/Verbs + ing

hail/hailing

ulan na may yelo/umuulan na may yelo

rain/raining

ulan/umuulan

snow/snowing

niyebe/umuulan ng niyebe

Adjectives

nice

maganda

cold

malamig

hot

mainit

cloudy

maulap

foggy

mahamog

rainy

maulan

snowy

maniyebe

stormy

maunos/may bagyo

sunny

maaraw

windy

mahangin

icon c
Practice Pattern 1

Magpraktis na gamitin ang mga pattern hanggang sa maging tiwala kang magtanong at sumagot sa mga tanong. Maaari mong palitan ang nakasalungguhit na mga salita ng mga salita sa bahaging “Memorize Vocabulary.”

Q: What’s the weather in London?A: It’s (adjective) in London.

Questions

pattern 1 tanong ano ang panahon sa London

Answers

pattern 1 sagot iyon ay pang-uri sa London

Examples

maulan na background

Q: What’s the weather in London?A: It’s rainy in London.

Q: What’s the weather in Toronto?A: It’s snowing in Toronto.

icon d
Practice Pattern 2

Magpraktis na gamitin ang mga pattern hanggang sa maging tiwala kang magtanong at sumagot sa mga tanong. Subukang gawin ang Conversation Group Activities 1 at 2 bago magkita-kita ang iyong grupo.

Q: Will it (verb) (day)?A: No, it won’t (verb) (day).

Questions

pattern 2 itanong pandiwa kaya araw

Answers

pattern 2 sumagot ng hindi, hindi pandiwa araw

Examples

maniyebeng background

Q: Will it snow tomorrow?A: No, it won’t snow tomorrow.

Q: Will it be sunny tomorrow?A: No, it won’t. It will snow tomorrow.

Q: Will it be nice on Friday?A: Yes, it will.

icon e
Use the Patterns

Sumulat ng apat na tanong na maaari mong itanong sa iba. Sumulat ng sagot sa bawat tanong. Basahin ang mga iyon nang malakas.

Additional Activities

Kumpletuhin online ang mga aktibidad at assessment sa lesson sa englishconnect.org/learner/resources o sa EnglishConnect 1 Workbook.

Act in Faith to Practice English Daily

Patuloy na magpraktis ng Ingles araw-araw. Gamitin ang iyong “Tracker sa Personal na Pag-aaral.” Rebyuhin ang iyong mithiin sa pag-aaral at i-evaluate ang iyong mga pagsisikap.

Conversation Group

Discuss the Principle of Learning: Love and Teach One Another

(20–30 minutes)

grupo ng mga taong nakangiti at nagsusulat

icon 1
Activity 1: Practice the Patterns

(10–15 minutes)

Rebyuhin ang listahan ng bokabularyo na may kasamang partner.

Praktisin ang pattern 1 na may kasamang partner:

  • Magpraktis na magtanong.

  • Magpraktis na sumagot sa mga tanong.

  • Magpraktis na makipag-usap gamit ang mga pattern.

Ulitin para sa pattern 2.

icon 2
Activity 2: Create Your Own Sentences

(10–15 minutes)

Tingnan ang chart. Magtanong at sumagot sa mga tanong tungkol sa panahon para sa bawat araw. Magsalitan. Magpalitan ng partner at muling magpraktis.

Example

  • A: Will it be sunny on Monday?

  • B: No, it won’t be sunny on Monday.

  • A: What’s the weather on Monday?

  • B: It will be cloudy on Monday.

Monday

55°F/13°C

graphic ng maulap

Tuesday

30°F/-1°C

graphic ng maniyebe

Wednesday

67°F/19°C

graphic ng maulan

Thursday

59°F/15°C

graphic ng mahangin

Friday

75°F/24°C

graphic ng maaraw

Saturday

85°F/29°C

graphic ng maaraw na may mataas na thermostat

Sunday

50°F/10°C

graphic ng mababang thermostat

icon 3
Activity 3: Create Your Own Conversations

(15–20 minutes)

Magtanong at sumagot sa mga tanong tungkol sa panahon sa iyong lokasyon. Pag-usapan ang panahon para sa bawat araw sa isang linggo. Sabihin ang lahat ng maaari mong sabihin. Magsalitan.

Example

binatilyo sa isang maulap na lungsod
  • A: What’s the weather in Bogotá?

  • B: It’s cloudy in Bogotá.

  • A: Will it be cloudy tomorrow?

  • B: Yes, it will.

Evaluate

(5–10 minutes)

I-evaluate ang iyong pag-unlad sa mga layunin at sa mga pagsisikap mong magpraktis ng Ingles araw-araw.

Evaluate Your Progress

I can:

  • Describe the weather.

    Ipaliwanag ang panahon.

    mukha na walang damdamin, kuntentong mukha, masayang mukha
  • Make predictions about the weather.

    Gumawa ng mga prediksyon tungkol sa panahon.

    mukha na walang damdamin, kuntentong mukha, masayang mukha

Evaluate Your Efforts

I-evaluate ang iyong mga pagsisikap na:

  1. Pag-aralan ang alituntunin ng pagkatuto.

  2. Isaulo ang bokabularyo.

  3. Praktisin ang mga pattern.

  4. Magpraktis araw-araw.

Magtakda ng mithiin. Isaalang-alang ang mga mungkahi sa pag-aaral sa “Tracker sa Personal na Pag-aaral.”

Ibahagi ang iyong mithiin sa isang partner.

Act in Faith to Practice English Daily

“Batay sa karanasan ko, pinakamadalas na nakikipag-usap sa atin ang Espiritu sa pamamagitan ng pagpapadama sa atin. Madarama ninyo ito sa mga salitang pamilyar sa inyo, na may [katuturan] sa inyo, na naghihikayat sa inyo” (Ronald A. Rasband, “Hayaang Patnubayan ng Espiritu Santo,” Liahona, Mayo 2017, 94).