“Lesson 14: Mga Trabaho at Propesyon,” EnglishConnect 1 para sa mga Mag-aaral (2022)
“Lesson 14,” EnglishConnect 1 para sa mga Mag-aaral
Lesson 14
Jobs and Careers
Layunin: Matututo akong magsalita tungkol sa trabaho ng isang tao at kung saan siya nagtatrabaho.
Personal Study
Maghanda para sa iyong conversation group sa pamamagitan ng pagkumpleto sa aktibidad A hanggang E.
Study the Principle of Learning: You Are a Child of God
Ikaw ay Anak ng Diyos
I am a child of God with eternal potential and purpose.
Ako ay anak ng Diyos na may walang-hanggang potensyal at layunin.
Ikaw ay anak na babae o lalaki ng isang mapagmahal na Ama sa Langit. Gagabayan ka Niya. Sa tulong Niya, mas marami kang magagawa kaysa sa puwede mong gawin nang mag-isa. Sa Aklat ni Mormon, nalaman natin ang tungkol sa isang binatilyong nagngangalang Nephi na magiging isang propeta at pinuno ng kanyang mga tao. Gusto ng Diyos na akayin si Nephi at ang kanyang pamilya papunta sa isang bagong lupain. Ang lupaing ito ay nasa ibayong dagat, at kinailangan ni Nephi na gumawa ng barko. Hindi pa siya nakagawa ng barko kahit kailan. Hindi naniwala ang kanyang mga kapatid na magagawa niya iyon. Umasa si Nephi sa patnubay ng Diyos.
Sinabi ni Nephi sa kanyang mga kapatid, “Kung ang Panginoon ay … [nakagawa] ng maraming himala sa mga anak ng tao, paanong hindi niya ako maaaring atasan, na ako ay gumawa ng sasakyang-dagat?” (1 Nephi 17:51).
Sa tulong ng Diyos, gumawa ng barko si Nephi at ang kanyang pamilya at kahit mahirap ay tinawid ang karagatan. Tulad ng pagtulong ng Diyos kay Nephi, nais ng Diyos na tulungan ka. Maaari kang manalangin para sa patnubay. Maaari mong ipagdasal na maunawaan at maalala ang natututuhan mo. Habang nagdarasal ka, bigyang-pansin ang dumarating na mga ideya at damdamin. Pagkatapos ay kumilos nang may pananampalataya. Mas marami kang magagawa nang may tulong Niya kaysa wala.
Ponder
-
Paano naging katulad ng kuwento ng paggawa ng barko ni Nephi ang pag-aaral mo ng Ingles?
-
Habang natututo ka ng Ingles, sa anong bagay mo maaaring hingin ang tulong ng Diyos?
Memorize Vocabulary
Pag-aralan ang kahulugan at pagbigkas ng bawat salita sa harap ng iyong conversation group. Subukang gamitin ang mga salita sa iyong buhay. Isipin kung kailan at saan mo puwedeng gamitin ang mga salitang ito.
job |
trabaho |
Nouns 1
factory |
pabrika |
hospital |
ospital |
office |
opisina |
restaurant |
restawran |
school |
paaralan |
store |
tindahan |
Nouns 2
accountant |
accountant |
artist |
artist |
cashier |
cashier |
computer programmer |
computer programmer |
cook |
tagaluto |
custodian |
custodian |
doctor |
doktor |
electrician |
electrician |
factory worker |
factory worker |
farmer |
magsasaka |
lawyer |
abugado |
mechanic |
mekaniko |
nurse |
nars |
office worker |
nagtatrabaho sa opisina |
salesperson |
salesperson |
server |
tagasilbi |
teacher |
guro |
Practice Pattern 1
Magpraktis na gamitin ang mga pattern hanggang sa maging tiwala kang magtanong at sumagot sa mga tanong. Maaari mong palitan ang nakasalungguhit na mga salita ng mga salita sa bahaging “Memorize Vocabulary.”
Q: Where do you work?A: I work at a (noun 1).
Examples
Q: Where do you work?A: I work at a hospital.
Q: Where does she work?A: She works at an office.
Practice Pattern 2
Magpraktis na gamitin ang mga pattern hanggang sa maging tiwala kang magtanong at sumagot sa mga tanong. Subukang bigkasin nang malakas ang mga pattern. Isiping irekord ang sarili mo. Pansinin ang iyong pagbigkas at katatasan.
Q: What’s your job?A: I’m a (noun 2).
Examples
Q: What’s your job?A: I’m a nurse.
Q: What’s his job?A: He’s an electrician.
Q: What’s her job?A: She’s an artist.
Use the Patterns
Sumulat ng apat na tanong na maaari mong itanong sa iba. Sumulat ng sagot sa bawat tanong. Basahin ang mga iyon nang malakas.
Conversation Group
Activity 1: Practice the Patterns
(10–15 minutes)
Rebyuhin ang listahan ng bokabularyo na may kasamang partner.
Praktisin ang pattern 1 na may kasamang partner:
-
Magpraktis na magtanong.
-
Magpraktis na sumagot sa mga tanong.
-
Magpraktis na makipag-usap gamit ang mga pattern.
Ulitin para sa pattern 2.
Activity 2: Create Your Own Sentences
(10–15 minutes)
Tingnan ang mga larawan. Magtanong at sumagot sa mga tanong tungkol sa trabaho ng bawat tao. Magsalitan.
Example: Carlos
-
A: Where does Carlos work?
-
B: He works at a school.
-
A: What’s his job?
-
B: He’s a teacher.
Activity 3: Create Your Own Conversations
(15–20 minutes)
Magtanong at sumagot sa mga tanong tungkol sa trabaho mo at kung saan ka nagtatrabaho. Magsalitan. Magpalitan ng partner at muling magpraktis.
New Vocabulary
home |
tahanan |
student |
estudyante |
university |
unibersidad |
Example
-
A: What’s your job?
-
B: I’m an electrician.
-
A: Where do you work?
-
B: I work at factory.