Pag-aaral ng Ingles
Apendise: Mga Laro para sa Conversation Group


“Apendise: Mga Laro para sa Conversation Group,” EnglishConnect 1 para sa mga Mag-aaral (2022)

“Mga Laro para sa Conversation Group,” EnglishConnect para sa mga Mag-aaral

Appendix

Conversation Group Games

Mga Game para sa Conversation Group

Kasama sa manwal na ito ang isang listahan ng masasayang laro sa pagpapraktis ng Ingles. Maaari mong laruin ang mga ito sa oras ng anumang miting ng grupo. Gamitin ang mga pattern at bokabularyo mula sa lesson na pinag-aaralan ninyo o sa nakaraang lesson. Sa karamihan sa mga larong ito, kailangan mong makipagtulungan sa isang partner o maliit na grupo.

Questions (10–15 minutes)

Mga tanong (10–15 minuto)

tatlong markang pananong

Steps

Mga Hakbang

  1. Pumili ng isang tanong mula sa listahan. Tandaan na maaari mong palitan ng ibang mga salita at parirala ang nakasalungguhit na mga salita.

  2. Ibahagi ang sagot mo sa grupo.

  3. Magsalitan sa pagpili ng mga tanong at pagsagot. Maaari kang magsalita tungkol sa maraming tanong hangga’t gusto mo.

Questions to Review Patterns:

Mga Tanong sa Pagrerebyu ng mga Pattern:

  • What do you like to do?

  • Why do you like to study English?

  • Can you tell me about your family?

  • What are you wearing?

  • What do you do before you come to the conversation group?

  • What do you do in the morning?

  • When do you work?

  • What’s the weather in New York?

  • Where do you work?

  • What do you do for work?

  • Do you like to teach people?

  • What do you eat for dinner?

  • What foods do you like?

  • What do you want for lunch?

  • What is your favorite food? How do you make it?

  • How much do groceries cost?

  • Where do you live?

  • Tell me about your house.

  • Where is your favorite place to eat?

More Questions:

Iba pang mga Tanong:

  • Tell me about your friends.

  • Tell me about your job.

  • Tell me about your city.

  • Tell me about your favorite place.

  • Tell me about your daily routine. What do you do every day?

  • What do you like to wear?

  • What do you do when you are sick?

  • What do you do when you are hurt?

  • What is expensive in your city?

  • What is cheap in your city?

Notes

Mga Tala

  • Maaaring laruin ito ng buong grupo o ng maliliit na grupo ng tatlo hanggang limang tao.

  • Hindi kayo limitado sa mga tanong sa listahang ito. Maaari kayong lumikha ng mga bagong tanong. Maaari din ninyong palitan ang nakasalungguhit na mga salita para bumuo ng iba pang mga tanong.

  • Kung gusto ninyong gawing mas mahirap ang larong ito, magsalitan sa pagbabahagi ng mga sagot na natatandaan ninyo mula sa bawat miyembro ng grupo.

  • Maaari ninyong gamitin ang mga tanong na ito sa iba pang mga laro sa ibaba tulad ng “Bicycle Chain” o “Ball Toss.”

Hot Seat (10–20 minutes)

Hot Seat (10–20 minuto)

babaeng nakaupo nang patalikod sa pisara

Steps

Mga Hakbang

  1. Maghati sa dalawang team.

  2. Pumili ng dalawang mag-aaral (isang mag-aaral mula sa bawat team). Ang mga mag-aaral na ito ay nakaupo nang paharap sa grupo (sa “hot seat”) na patalikod sa pisara.

  3. Isusulat ng inyong guro ang isang salita o parirala sa bokabularyo sa pisara. Hindi kita ng mga mag-aaral na nasa “hot seat” ang salita.

  4. May dalawang minuto ang mga team para tulungan ang kanilang teammate na nasa “hot seat” na hulaan ang salita sa pisara nang hindi nagsasalita.

  5. Ang taong nasa “hot seat” na unang babanggit sa salita ay makakakuha ng isang puntos para sa kanilang team. Kung sasabihin ng isang team ang salitang nasa pisara habang sinisikap na tulungan ang kanilang teammate na manghula, hindi sila makakakuha ng puntos.

  6. Ulitin sa mga bagong salita.

Notes

Mga Tala

  • Gumawa ng isa hanggang tatlong team depende sa laki ng grupo.

  • Kung nagmimiting kayo virtually, maglaro bilang isang buong grupo sa halip na sa mga team. May isang tao sa “hot seat.” Hindi alam ng taong ito ang salita. May isang taong “tagabigay ng clue.” Pipili ang “tagabigay ng clue” ng isang salita at magbibigay ng mga clue para mahulaan ng taong nasa “hot seat” ang salita.

Ball Toss (10–15 minutes)

Ball Toss (10–15 minuto)

dalagitang may hawak na bola

Steps

Mga Hakbang

  1. Maghanap ng isang bola, isang malambot na bagay, o isang nilukot na piraso ng papel.

  2. Pumili ng isang tanong. (Gumamit ng isa mula sa isang lesson o tingnan ang “Mga Tanong” sa apendiseng ito.)

  3. Magtanong ng isang bagay at ihagis ang bola sa isang mag-aaral.

  4. Sasaluhin ng mag-aaral ang bola at sasagutin ang tanong.

  5. Muling magtatanong ang mag-aaral ng isang bagay at ihahagis ang bola sa ibang mag-aaral.

  6. Ulitin hanggang sa masagot ng bawat mag-aaral sa iyong grupo ang tanong. Pagkatapos ay magsimulang muli sa isang bagong tanong.

Notes

Mga Tala

  • Para mas mapahirap ang larong ito, baguhin ang tanong tuwing ihahagis mo ang bola.

  • Kung nagmimiting kayo virtually, tumawag ng mga pangalan sa halip na maghagis ng bola.

Dice Game (10–15 minutes)

Dice Game (10–15 minuto)

dalawang dice

Steps

Mga Hakbang

  1. Kailangan mo ng isang dice (o mga number card na may bilang na 1 hanggang 6).

  2. Pumili ng anim na pandiwa at isulat ang mga iyon sa pisara na may bilang na 1 hanggang 6.

  3. Makipagtulungan sa isang partner o sa isang maliit na grupo. Pagulungin ang dice. Bumuo ng isang pangungusap na ginagamit ang pandiwa para sa bilang na pinagulong mo. Magsalitan.

Example

Halimbawa

Isusulat ng guro sa pisara:

  1. cook

  2. stir

  3. bake

  4. boil

  5. cut

  6. add

Pagugulungin ng Mag-aaral 1 ang dice at lalabas ang 6. Bubuo siya ng isang pangungusap gamit ang add.

  • I add sugar to my oatmeal.

Pagugulungin ng Mag-aaral 2 ang die at lalabas ang 4. Bubuo siya ng isang pangungusap gamit ang boil.

  • I boil eggs for lunch.

Pagugulungin ng Mag-aaral 3 ang dice at lalabas ang 3. Bubuo siya ng isang pangungusap gamit ang bake.

  • I like to bake cookies.

Notes

Mga Tala

  • Maaaring gumamit ng ibang mga salita sa halip na mga pandiwa.

  • Kung nagmimiting kayo virtually, makipagtulungan sa buong grupo. Gumamit ng virtual dice at magsalitan sa pagbuo ng mga pangungusap.

Give One, Get One (10–20 minutes)

Give One, Get One (10–20 minuto)

Steps

Mga Hakbang

  1. Pumili ng isang paksa para sa grupo (halimbawa: pamilya, sports, o pagkain).

  2. Isulat ang lahat ng mga salitang alam mo tungkol sa paksa sa loob ng isa hanggang dalawang minuto.

  3. Tumayo at maglakad sa paligid ng kuwarto. Maghanap ng partner.

  4. Magbahagi ng isang salita sa iyong partner mula sa iyong listahan. Magbabahagi ng isang salita sa iyo ang iyong partner. Kung bagong salita ito, idagdag ang salitang nasa listahan mo.

  5. Muling maglakad sa paligid ng kuwarto. Maghanap ng bagong partner. Ulitin.

Example

Halimbawa

Paksa: pamilya

Isusulat ni partner A:

  • mom

  • dad

  • sister

  • brother

Isusulat ni partner B:

  • grandfather

  • grandmother

  • mother

  • father

  • aunt

  • uncle

  • A: What’s one word from your list?

  • B: Grandmother.

  • A: I don’t have that word. I’ll add it to my list.

  • B: What’s a word from your list?

  • A: Mom.

  • B: I have mother. I will write mom next to mother.

Idaragdag ng dalawang mag-aaral na ito ang mga bagong salita sa kanilang listahan.

Listahan ni partner A:

  • mom

  • dad

  • sister

  • brother

  • grandmother

Listahan ni partner B:

  • grandfather

  • grandmother

  • mother, mom

  • father

  • aunt

  • uncle

Notes

Mga Tala

  • Isang magandang paraan ito para matuto o magpraktis ng bagong bokabularyo na wala sa lesson.

  • Kung nagmimiting kayo virtually, magpabahagi sa bawat tao ng isang salita mula sa kanyang listahan sa buong grupo sa halip na magpares-pares.

Speculation (15–20 minutes)

Paghula (15–20 minuto)

dalawang babaeng nagtatawanan

Steps

Mga Hakbang

  1. Mag-isip ng isang pandiwa.

  2. Bigkasin nang malakas ang pandiwa.

  3. Gamit ang pandiwa, bumuo ng isang tunay na pangungusap tungkol sa isa pang mag-aaral. Sabihing, “I think that you …” para simulan ang iyong pangungusap.

  4. Sasabihin ng isa pang mag-aaral kung totoo o hindi ang iyong pangungusap.

  5. Kung totoo, makakakuha ka ng isang puntos. Kung hindi totoo, hindi ka makakakuha ng puntos.

  6. Ang unang mag-aaral na makaabot ng limang puntos ang panalo!

  7. Kumumpleto ng 10 hanggang 20 round. Baguhin ang pandiwa para sa bawat round.

Example

Halimbawa

Learner A (sa learner B): The verb is like. I think that you like chocolate.

Learner B: That’s true! (Makakakuha ng isang puntos ang learner A.)

Learner B (sa learner C): I think that you like to play basketball.

Learner C: That’s not true! (Hindi makakakuha ng puntos ang learner B.)

Notes

Mga Tala

  • Bumuo ng mga grupo ng tatlo hanggang limang tao.

  • Ang larong ito ay malalaro nang 10 hanggang 20 round. Kakailanganin mo ng isang pandiwa para sa bawat round. Magsalitan sa pagsasabi ng isang bagong pandiwa tuwing magsisimula ka ng isang round.

Two Truths and One Lie (10–15 minutes)

Dalawang Totoo at Isang Kasinungalingan (10–15 minuto)

Steps

Mga Hakbang

  1. Mag-isip ng dalawang bagay na totoo tungkol sa iyong sarili. Mag-imbento ng isang bagay na hindi totoo. Subukang gamitin ang bokabularyo at mga parirala mula sa isang lesson.

  2. Basahin nang malakas ang mga pangungusap mo sa iyong grupo.

  3. Magtatanong sa iyo ang mga miyembro ng iyong grupo para mahulaan kung aling pangungusap ang hindi totoo. Sagutin ang kanilang mga tanong.

Example

Halimbawa

Group member 1: “I like pizza. I like French fries. I like chocolate. Which is not true?

Magtatanong ang iba pang mga miyembro ng grupo:

  • Q: What is your favorite kind of pizza?A: I like cheese pizza.Q: What is your favorite candy bar?A: I like chocolate and caramel.Q: Where do you like to get French fries?A: I don’t have a favorite place.

Manghuhula ang iba pang mga miyembro ng grupo: “I think you don’t like French fries.

Group member 1: “That’s right! I don’t like French fries.

Vocabulary Cards (10–15 minutes)

Vocabulary Cards (10–15 minuto)

babaeng may isang salita sa kanyang noo

Steps

Mga Hakbang

  1. Sumulat ng 5 hanggang 10 salita sa bokabularyo sa maliliit na piraso ng papel (magandang gamitin ang sticky notes). Ilagay ang mga piraso ng papel sa isang stack.

  2. Maghanap ng partner.

  3. Baligtarin ang mga stack ng mga salita para hindi mo makita ang mga salita. Makipagpalitan ng mga stack sa partner mo.

  4. Pumili ng isang papel. Huwag tingnan ang salita. Ipatong ang papel sa iyong noo. Ilalarawan ng partner mo ang salita (o magbibigay ng isang pagsasalin), para mahulaan mo ang salitang nasa papel. Kung tama ang hula mo, makakakuha ka ng isang puntos.

  5. Magsalitan. Ulitin para sa bawat papel sa iyong stack.

Notes

Mga Tala

  • Kung nagmimiting kayo virtually, maglaro bilang isang buong grupo sa halip na magpares-pares. Bawat tao ay maglilista ng mga salita. Huwag ipakita ang iyong listahan sa grupo. Magsalitan sa pagpili ng isang salita mula sa iyong listahan. Ilarawan ito sa grupo nang hindi binabanggit ang salita. Huhulaan ng mga miyembro ng grupo ang salita.

Bicycle Chain (in person) (10–20 minutes)

Bicycle Chain (personal) (10–20 minuto)

Ang aktibidad na ito ay gumagana lamang sa mga personal na miting ng grupo.

Steps

Mga Hakbang

  1. Pumili ng isang tanong. (Gumamit ng isa mula sa isang lesson o tingnan ang “Mga Tanong” sa apendiseng ito.)

  2. Pumila sa dalawang linya nang magkakaharap.

    diagram ng dalawang hanay ng mga tao na magkakaharap
  3. Ang mga taong magkakaharap ang mag-partner.

  4. Ang mga partner ang magtatanong at sasagot sa tanong.

    diagram ng 2 hanay ng mga tao kung saan lilipat ang bawat isa sa posisyon ng taong nasa kanan nila
  5. Maglipatan nang pabilog para magkaroon ng bagong partner ang bawat tao.

    diagram na nagpapakita ng dalawang hanay ng mga tao na nakaharap sa bagong tao kaysa noong magsimula sila
  6. Ang mga partner ang magtatanong at sasagot sa tanong.

  7. Ulitin ang mga hakbang 5 at 6.

Notes

Mga Tala

  • Kung hindi pantay ang dami ng mga tao sa bawat linya, bumuo ng isang grupo na may tatlong tao.

Mingle and Share (in person) (10–15 minutes)

Mingle and Share (personal) (10–15 minuto)

Ang aktibidad na ito ay gumagana lamang sa mga personal na miting ng grupo.

dalawang taong nag-uusap

Steps

Mga Hakbang

  1. Pumili ng isang tanong. (Gumamit ng isa mula sa isang lesson o tingnan ang “Mga Tanong” sa apendiseng ito.)

  2. Tumayo at maghanap ng partner.

  3. Tanungin ng isang bagay ang iyong partner. Tandaan ang sagot ng iyong partner. Sagutin ang tanong ng iyong partner.

  4. Maglakad sa paligid ng kuwarto at maghanap ng bagong partner. Magtanong at sumagot sa mga tanong. Ulitin nang ilang beses sa mga bagong partner. Tandaan ang lahat ng sagot ng iyong mga partner.

  5. Bumalik sa iyong upuan. Ibahagi sa grupo ang natutuhan mo.

Example

Halimbawa

Question: How many people are in your family?

Lalakad ang mga mag-aaral sa paligid na nagtatanong at sumasagot sa tanong ng iba’t ibang partner.

  • Maria: How many people are in your family?

    Luna: There are four people in my family. How many people are in your family?

    Maria: Three.

Ibabahagi ng mga mag-aaral ang natutunan nila.

  • Teacher: How many people are in Maria’s family?

    Luna: There are three people in Maria’s family.