Mga Young Single Adult
Pagtatalaga ng Lugar ng Pagtitipon para sa mga YSA


Pagtatalaga ng Lugar ng Pagtitipon para sa mga YSA (2021)

Pagtatalaga ng Lugar ng Pagtitipon para sa mga YSA

grupo ng mga young adult na nagpo-pose para sa larawan

Pagtatalaga ng Lugar ng Pagtitipon para sa mga YSA

Ano ang Lugar ng Pagtitipon para sa mga YSA?

Ang lugar ng pagtitipon para sa mga young single adult (YSA) ay isang itinalagang lokasyon (sa isang meetinghouse o institute building) para sa mga YSA at sa kanilang mga kaibigan na magtipon at makibahagi sa mga makabuluhang aktibidad at karanasan na maglalapit sa kanila sa isa’t isa at sa Diyos. Ang sumusunod na mga halimbawa ng iskedyul ay nagpapakita ng mga uri ng mga aktibidad na maaaring maging bahagi ng karanasan sa lugar ng pagtitipon.

Halimbawa ng Iskedyul 1

Lugar ng Pagtitipon para sa mga YSA halimbawa ng iskedyul 1

Halimbawa ng Iskedyul 2

Lugar ng Pagtitipon para sa mga YSA halimbawa ng iskedyul 2
kababaihang nag-uusap

Mga Ideya sa Pagsisimula

  1. Paghahanap ng Pasilidad

    Alamin kung ano ang mga pangangailangan sa lugar at pagkatapos ay tukuyin ang mga gusali ng institute o meetinghouse na tutugon sa mga pangangailangang iyon. Ang gusali ay dapat may isang itinalagang espasyo na sapat ang laki para makapagtipon ang mga YSA sa mga klase at aktibidad. Ang lahat ng lokasyon ng lugar ng pagtitipon ay dapat aprubado ng Area Presidency.

  2. Pag-oorganisa ng pamunuan

    Organisahin ang pamunuan upang epektibong mapamahalaan ang resources. Ginagamit ng stake president ang kanyang stake YSA committee (tingnan sa Pangkalahatang Hanbuk: Paglilingkod sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw, 14.1.1.2, ChurchofJesusChrist.org;“Ang Young Single Adult Committee” sa Pagpapalakas ng mga Young Single Adult [2022], Gospel Library) upang pangasiwaan ang isang lugar ng pagtitipon para sa mga YSA. Para sa mga lugar ng pagtitipon na ginagamit ng maraming stake, maaaring isama sa komiteng ito ang mga YSA mula sa iba-ibang stake.

    Pamamahala sa lugar ng pagtitipon para sa mga YSA
  3. Pagtukoy sa mga Interes at Pangangailangan

    Ang stake presidency at YSA committee ang magpapasiya kung ano ang mga interes at pangangailangan na maaaring matugunan ng lugar ng pagtitipon. Maaaring isama sa lugar ng pagtitipon para sa mga YSA ang isa o higit pa sa mga sumusunod, batay sa mga lokal pangangailangan at mga resource:

    • Edukasyong panrelihiyon at pag-aaral ng ebanghelyo (tulad ng mga klase sa institute, group study ng Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin, talakayan tungkol sa ebanghelyo, o mga debosyonal)

    • Pagsali sa mga social activity (tulad ng mga sayawan; isports; mga aktibidad sa paglilingkod bilang isang grupo, kabilang ang JustServe; mga kaganapan para sa pagbabahagi ng pagkain, kultura, o talento; at iba pa)

    • Mga aktibidad sa templo at family history (tulad ng FamilySearch research, web indexing, paghahanda sa templo, o pagbisita sa templo)

    • Mga oportunidad sa self-reliance at edukasyon (tulad ng mga kurso sa self-reliance o BYU–Pathway Worldwide)

    • Mga aktibidad sa pagtulong sa misyonero at komunidad (tulad ng mga aktibidad sa pakikipagkaibigan, paglilingkod o ministering, o paghahanda sa misyon)

    Dagdag pa rito, maaaring magkaroon ng iba pang mga resource ng Simbahan para matugunan ang mga pangangailangan ng mga YSA. Tingnan sa “Resources para mga Lugar ng Pagtitipon para sa mga YSA” para sa mga ideya.

  4. Pangangasiwa sa Lugar ng Pagtitipon

    Ang stake YSA committee ang nangangasiwa sa lugar ng pagtitipon. Sinusuri ng komite ang mga pangangailangan ng mga lokal na YSA at sinusunod ang prosesong inilarawan sa Pagpapalakas ng mga Young Single Adult upang matugunan ang mga lokal na pangangailangan. Ang YSA committee ang nangangasiwa sa mga sumusunod na assignment:

    • Pagpapadali sa pang-araw-araw na pagpasok sa mga pasilidad sa lugar ng pagtitipon (maaaring responsibilidad ito ng isang senior missionary couple)

    • Pagpapanatili ng kasalukuyang kalendaryo at iskedyul ng mga klase, aktibidad, at kaganapan na nauugnay sa lugar ng pagtitipon at pakikipag-ugnayan sa tagapag-iskedyul ng pasilidad

    • Pangangasiwa ng pananalapi na nauugnay sa pagkain, mga suplay, at iba pa para sa lugar ng pagtitipon na may pahintulot ng stake president

    • Pakikipag-ugnayan sa mga resource representative ng Simbahan (tulad ng institute, mission, welfare at self-reliance, at mga temple at family history leader) para matiyak na ang mga klase at workshop ay maayos na nasusuportahan

    • Pakikipag-ugnayan sa mga stake at mission president tungkol sa mga oportunidad sa full-time missionary

    • Pagtatala ng pagdalo sa mga klase, mga oportunidad sa paglilingkod, at mga aktibidad gayundin ang paghingi ng feedback ng kalahok para matulungan ang mga stake YSA committee na mag-adjust at umangkop sa mga pangangailangan ng YSA

    • Pagtuturo sa mga YSA sa kanilang personal na pag-unlad sa landas ng tipan

  5. Pagpopondo at Suporta

    mga young adult na nag-aaral
    • Ang mga kinatawan ng institute ay may mahalagang papel sa pagsuporta sa mga lugar ng pagtitipon para sa mga YSA anuman ang pasilidad na ginagamit. Ang mga lider na ito ay nagbibigay ng edukasyong panrelihiyon, gumaganap ng mga tungkuling administratibo, at nakikipagtulungan nang malapit sa stake YSA committee para suportahan ang paglikha at koordinasyon ng mga lugar ng pagtitipon para sa mga YSA. Kung ang lugar ng pagtitipon ay nasa isang gusali ng institute at ang institute director (o coordinator) ang building agent, nakikipagtulungan siya sa mga miyembro ng YSA committee upang matiyak na naibibigay ang naaangkop na access.

    • Ang mga pondo sa operasyon at badyet sa pamamahala ay mula sa YSA budget ng stake (tingnan sa Pangkalahatang Hanbuk, 14.4.1), na daragdagan ng budget ng area kung kinakailangan. Ang pondo ng Seminaries and Institutes of Religion (S&I) ay magagamit din para sa mga programa ng campus institute. Hindi dapat gumamit ng personal na pondo mula sa mga missionary couple. Lahat ng gastusin ay dapat aprubahan ng nakatalagang stake president.

    • Ang mga kagamitan tulad ng mga pool table, ping-pong table, refrigerator, malambot na upuan, sofa, at mga espasyo sa pag-aaral ay maaaring isaalang-alang batay sa mga pasilidad at pangangailangan sa lugar ng pagtitipon.

    • Kapag naghahanap ng pahintulot upang magtatag ng isang lugar ng pagtitipon para sa mga YSA, kabilang ang isang kahilingan para sa karagdagang pondo, kumpletuhin ang Young Single Adult Conference and Gathering Places Funding Request Form.

Mga Resources para sa mga Lugar ng Pagtitipon ng YSA

Pamagat ng Resource

Deskripsyon

Pamagat ng Resource

Mga klase sa institute

Deskripsyon

Mga klase na nagtuturo sa mga young adult tungkol sa mga banal na kasulatan at iba pang mga paksa.

Pamagat ng Resource

Mga resorces sa kasaysayan ng Simbahan

Deskripsyon

Matutulungan ng mga historyador ng Simbahan ang mga young adult na mahanap ang mga sagot sa mga tanong tungkol sa mga mapaghamong paksa sa kasaysayan.

Pamagat ng Resource

Addiction Recovery Program

Deskripsyon

Ang kasalukuyang 12-hakbang na programa na tumutulong sa mga indibiduwal na madaig ang mga adiksiyon sa pamamagitan ni Jesucristo at ng Kanyang Pagbabayad-sala.

Pamagat ng Resource

BYU–Pathway Worldwide

Deskripsyon

Isang murang online na programa sa edukasyon sa kolehiyo para sa mga adult.

Pamagat ng Resource

EnglishConnect

Deskripsyon

Isang resource na tumutulong sa pagtuturo ng wikang Ingles sa mga grupo. May mga aktibidad din ito para tulungan ang mga indibidwal na mapalakas ang pananampalataya kay Jesucristo.

Pamagat ng Resource

Mga resource para sa family history

Deskripsyon

Ang Simbahan ay may malawak na mapagkukunan sa family history na magagamit, kabilang na ang FamilySearch.org at ang FamilySearch Tree app (Android o iOS).

Pamagat ng Resource

Study group ng Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin

Deskripsyon

Ang Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin ay gabay sa pag-aaral ng mga banal na kasulatan para sa mga indibidwal at pamilya na magagamit din sa mga grupo.

Pamagat ng Resource

Mga resource para sa pag-asa sa sarili

Deskripsyon

“Ang pag-asa sa sariling kakayahan ay ang kakayahan, tapat na pangako, at pagsisikap na tustusan ang espirituwal at temporal na mga pangangailangan sa buhay para sa sarili at sa pamilya” (Pangkalahatang Hanbuk, 22.0). Ang mga kursong ito ay makatutulong sa mga miyembro at sa iba pa na maging self-reliant:

My Path for Self-Reliance (Ang Aking Landas Patungong Self-Reliance)

My Foundation for Self-Reliance (Ang Aking Saligan Patungong Self-Reliance)

Education for Better Work (Edukasyon para sa Mas Magandang Trabaho)

Maghanap ng Mas Magandang Trabaho

Personal na Pera

Starting and Growing My Business (Pagsisimula at Pagpapalago ng Aking Negosyo)

Mga Kasanayan sa Pamumuhay para Maging Self-Reliant

Finding Strength in the Lord: Emotional Resilience (Pagkakaroon ng Lakas sa Panginoon: Emosyonal na Katatagan)

Pamagat ng Resource

Mga aktibidad sa paglilingkod

Deskripsyon

Ang mga aktibidad sa paglilingkod ay isang magandang paraan para makibahagi ang mga miyembro ng Simbahan at iba pang mga tao. Maraming uri ng paglilingkod ang maaaring ibigay. Ang JustServe.org ay nagbibigay ng mga pagkakataon sa lugar para sa organisadong mga aktibidad sa paglilingkod.

Pamagat ng Resource

Mga aktibidad ng YSA

Deskripsyon

Maaaring iba-iba ang mga aktibidad para sa mga YSA, tulad ng mga kumperensya, mga kaganapan sa isports, pagdalo sa templo, mga kultural na kaganapan, sayawan, at iba pa.

Pamagat ng Resource

Pag-aaral ng mga lokal na wika

Deskripsyon

Maaaring mag-alok ng mga klase na nagtuturo ng lokal na wika.

Pamagat ng Resource

Mga klase sa pagpapabuti ng sarili

Deskripsyon

Maaaring kabilang sa mga klase ang pagtuturo sa paaralan, pagluluto, pagpapabuti ng tahanan, personal na kalinisan at pag-aayos, temporal na kahandaan, at iba pa.