“Ang Young Single Adult Committee,” Pagpapalakas ng mga Young Single Adult (2022)
Ang Young Single Adult Committee
Ang Layunin ng Young Single Adult Committee ng Stake
Bilang miyembro ng young single adult (YSA) committee ng stake, ikaw ay tinawag upang tulungan ang mga young single adult sa inyong stake na madama ang pagmamahal ng Ama sa Langit at ng Kanyang Anak na si Jesucristo at sundin Sila. Nauunawaan Nila ang ating mga pangangailangan at sitwasyon at matutugunan ang bawat isa sa atin ayon sa ating kani-kanyang kalagayan habang tinutulungan Nila tayong mas mapalapit sa Kanila sa pamamagitan ng mga tipan. Ikaw ay tinawag na mamuno sa gawaing ito na nagpapabago ng buhay.
Magagawa mo ito sa pamamagitan ng pagtatanong palagi sa iyong sarili:
-
Paano namin matutulungan ang mga young single adult na patibayin ang kanilang kaugnayan sa Tagapagligtas sa pamamagitan ng mga tipan at ordenansa?
-
Paano namin mapaglilingkuran ang lahat ng young single adult—kabilang na ang mga nakadarama na hindi sila nababagay, kulang sa suporta ng lipunan, o nanghihina sa kanilang pananampalataya?
-
Paano namin mas maipapadama sa kanila na kabilang sila at mapapatibay ang pakikipag-ugnayan nila sa mga young single adult?
-
Paano namin mas matutugunan ang mga pangangailangan ng lahat ng young single adult?
Habang naglilingkod ka sa YSA committee ng inyong stake, susundin mo ang mga alituntunin at patakarang matatagpuan sa Pangkalahatang Hanbuk: Paglilingkod sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw, lalo na ang mga kabanata 1–4 at kabanata 14. Maaari mo ring gamitin ang resources na matatagpuan sa Lingguhang YA.
Ang Gawain ng mga Young Single Adult Committee ng Stake
Lahat ng ginagawa mo bilang lider ng young single adult ay dapat na may paggabay ng Espiritu Santo. Ang pinakamahalagang bagay na magagawa mo habang naglilingkod sa YSA committee ay sundin ang Espiritu ng Panginoon. Humingi ng patnubay mula sa Espiritu Santo habang sinusunod mo ang simpleng tatlong-hakbang na prosesong ito:
-
Makinig sa mga Young Single Adult. Bilang lider ng YSA, tutulong ka sa lahat ng young single adult at aalamin ang tungkol sa kanilang buhay, mga mithiin, at pangangailangan. Hangaring umunawa nang hindi nanghuhusga o nagtatangkang magpayo. Tularan ang halimbawa ni Jesucristo sa pamamagitan ng paglilingkod muna bago magturo o mag-anyaya (tingnan sa Mateo 14:15–21; Marcos 8:22–26; Lucas 8:26–36).
-
Mag-usap-usap at Gumawa ng Angkop na mga Solusyon. Habang ginugunita mo ang natututuhan mo mula sa pakikinig sa mga young single adult, pakinggang mabuti ang iba pang mga miyembro ng komite at magtulungan upang maunawaan ang mga pangangailangan at tukuyin ang mga epektibong solusyon.
-
Isagawa ang mga Solusyon. Kapag natukoy mo na ang mga solusyon at nakabuo na ng plano, isasagawa mo na ang plano. Kapag kumilos ka ayon sa inspirasyon, nagtutuon sa mga pangangailangan, nakikiisa sa komite, at humihingi ng payo mula sa stake presidency at iba pang mga lider ng stake, gagabayan ka ng Panginoon. Makikita mo ang mga kalakasan at kahinaan ng iyong plano, at maisasaayos mo ito kung kinakailangan.