Mga Young Single Adult
Mag-usap-usap at Gumawa ng Angkop na mga Solusyon


“Mag-usap-usap at Gumawa ng Angkop na mga Solusyon,” Pagpapalakas ng mga Young Single Adult (2022)

miting ng grupo

Mag-usap-usap at Gumawa ng Angkop na mga Solusyon

Bilang isang komite, ibahagi ang natutuhan ninyo sa pakikinig sa mga young single adult sa inyong lugar. Mag-usap-usap kung paano tutugunan ang mga pangangailangang natuklasan ninyo. Tandaan na dapat kabilang sa inyong mga solusyon ang sumusunod:

  • Tumulong na maibigkis ang mga young single adult sa Tagapagligtas sa pamamagitan ng mga tipan at ordenansa.

  • Pagtuunan ng pansin ang lahat ng young single adult. Maglaan ng lugar na mapapanatag ang lahat na magtalakayan, pati na ang mga taong nakadarama na hindi sila nababagay o may seryosong mga tanong tungkol sa pananampalalataya, walang suporta ng lipunan, o nanghihina sa kanilang pananampalataya.

  • Higit pang ipadama na kabilang sila at patibayin ang ugnayan ng isa’t isa.

  • Tugunan ang mga pangangailangan ng mga young single adult (tulad ng pangangailangang magtipon at makipag-ugnayan, tumanggap ng temporal na tulong, magtamo ng edukasyon, magkaroon ng mga kasanayan o koneksyon sa lipunan, magkatrabaho, magkaroon ng matatag na damdamin, o makahanap ng layunin at direksyon sa buhay).

Sa inyong pag-uusap:

  • Tiyaking pinakikinggan at pinag-iisipan ang lahat ng ideya.

  • Maghangad ng paghahayag.

  • Iangkop ang mga solusyon upang matugunan ang mga natatanging pangangailangan ng mga young single adult sa inyong lugar at pagbutihin ang mga bago o dating mga solusyon.

  • Kausapin ang mga lokal na lider sa prosesong ito at hingin ang kanilang payo.

Ang bahaging “Resources at mga Solusyon na Mayroon na sa Simbahan” ay nagbibigay ng iba’t ibang opsiyon para tulungan kayo na pag-isipan kung ano ang nagawa na ng iba at ano ang maaaring epektibo para sa inyo.