“Isagawa ang mga Solusyon,” Pagpapalakas ng mga Young Single Adult (2022)
Isagawa ang mga Solusyon
Sa pagsasagawa mo ng solusyon, makipagtulungang mabuti sa mga lokal na lider (tulad ng stake presidency at stake Relief Society presidency). Isipin kung paano susuriin ang pagiging epektibo ng solusyon sa paglipas ng panahon. Alamin kung ano ang nararanasan ng mga tao dahil sa solusyon.
Alalahanin:
-
Huwag mag-alala kung hindi magiging eksakto ang mga bagay-bagay ayon sa inaasahan mo. Matuto mula sa mga kabiguan. Talakayin bilang komite kung paano pagbubutihin ang nabuo ninyo, at balikan at pakinggan ang mga young single adult sa inyong area kung kailangan ninyo ng karagdagang impormasyon.
-
Bago magpatuloy sa pagsasagawa ng inyong napagkasunduang solusyon, dapat kayong magkaisa bilang komite. Maaaring hindi kayo sang-ayon sa lahat ng bagay, ngunit dapat na masigasig kayong lahat na gawin ang solusyon.
-
Huwag madaliin ang mga bagay-bagay. Kadalasan, ang pagpapasiya kung ano ang gagawin at kung paano ito gagawin ay kailangang talakayin, ipanalangin, pagtulungan, at pagplanuhan. Kailangan ng lahat ng ito ng sapat na panahon. Maging matiyaga sa mga lider at mga miyembro ng komite sa prosesong ito at sa itinakdang panahon ng Panginoon.