“15. Seminaries and Institutes of Religion,” Pangkalahatang Hanbuk: Paglilingkod sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw (2024).
“15. Seminaries and Institutes of Religion,” Pangkalahatang Hanbuk.
15.
Seminaries and Institutes of Religion
15.0
Pambungad
Ang Seminaries and Institutes of Religion (S&I) ay umaalalay sa mga magulang at lider ng Simbahan sa pagtulong sa mga kabataan at young adult na mapalalim ang kanilang pagbabalik-loob kay Jesucristo at sa Kanyang ipinanumbalik na ebanghelyo. Ginagawa ito sa pamamagitan ng pagsuporta sa nakasentro sa tahanan na pag-aaral ng mga banal na kasulatan at mga salita ng mga buhay na propeta at iba pang mga lider ng Simbahan.
Ang mga programa ng seminary at institute ay pinamamahalaan ng mga patakarang itinatag ng Church Board of Education. Ang board na ito ay pinamamahalaan ng Pangulo ng Simbahan. Ipinatutupad ng stake presidency ang mga programang ito sa mga stake at ward. Regular na nirerebyu ng mga lider ng stake at ward ang partisipasyon ng kanilang mga kabataan sa mga programa ng seminary at institute.
Isang S&I representative ang inaatasan para sa bawat stake para tulungan ang mga lider na pangasiwaan ang mga programa ng S&I.
15.1
Seminary
Ang seminary ay apat na taong programa kung saan pinag-aaralan ng mga kabataan ang ebanghelyo ni Jesucristo na matatagpuan sa mga banal na kasulatan at mga turo ng mga propeta sa mga huling araw. Ang mga estudyante sa seminary ay karaniwang 14–18 taong gulang.
Ang mga klase ay idinaraos sa mga karaniwang araw na may pasok sa paaralan. Ang bilang ng mga araw na may klase sa seminary bawat linggo ay maaaring iangkop sa mga lokal na kalagayan. (Tingnan ang Mga Mapagpipiliang Uri ng Seminary Class para sa karagdagang impormasyon.) Ang mga klase o online assignment ay mangangailangan ng humigit-kumulang apat na oras kada linggo para makumpleto.
Ang bishopric, mga youth leader, at mga quorum at class presidency ay hinihikayat ang bawat kabataan na lubos na makibahagi sa seminary. Hinihikayat ng bishopric ang mga magulang na irehistro ang kanilang mga anak bawat taon bago magsimula ang mga klase sa seminary. Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang Pagrerehistro sa Seminary sa ChurchofJesusChrist.org.
Maaaring lumikha ng isang lokal na board of education kung saan mayroong ilang stake na may mga klase sa seminary (kabilang na ang mga home-study class) na magkakalapit at may magkakatulad na problema at hamon. Tingnan sa seminary.ChurchofJesusChrist.org.
15.1.1
Mga Guro
Ang mga seminary teacher ay dapat mga miyembro ng Simbahan na may pananampalataya sa Panginoong Jesucristo at may patotoo tungkol sa Kanyang ipinanumbalik na ebanghelyo. Dapat ipinamumuhay nila ang mga alituntunin na itinuturo nila at kayang makitrabaho sa mga kabataan nang mabuti. Kapag maaari, ang mga guro ay dapat mayroong current temple recommend.
Isang miyembro ng stake presidency ang nakikipagsanggunian sa bishop, stake supervisor, at S&I representative tungkol sa mga potensyal na seminary teacher. Isang miyembro ng stake presidency o isang inatasang high councilor ang tumatawag, nagse-set apart, at nagre-release ng mga stake seminary teacher at mga stake supervisor. Matapos matawag at maset apart ng tao, ang S&I representative ang nagbibigay ng training at sumusuporta sa kanya.
Para maprotektahan ang mga guro at estudyante, dalawang adult ang dapat naroroon sa gusali o tahanan kung saan idinaraos ang mga klase sa seminary. Maaaring tumawag ng isang karagdagang guro, o maaaring mag-atas ng isang responsableng adult na pumaroon. Ang pangalawang adult ay maaaring asawa ng guro o magulang ng isang miyembro ng klase. Dapat magkapareho sila ng kasarian ng guro, maliban kung ang taong iyon ay isang adult na miyembro ng pamilya ng guro. Ang isang guro ay hindi kailanman dapat maiwang mag-isa kasama ang isang estudyante maliban kung ang estudyante ay anak ng guro. Ito ay angkop sa anumang sitwasyon, tulad ng sa silid-aralan, gusali, virtual na pagtitipon, o sasakyan.
15.1.2
Mga Gusali, Kagamitan, at Materyales
Tinitiyak ng mga lider ng stake at ward na may mga lugar tulad ng meetinghouse o bahay ng mga miyembro na magagamit para sa mga klase sa seminary. Hindi maaaring umupa ng mga gusali o silid para sa mga klase sa seminary. Kung nagkaklase sa isang meetinghouse, ang mga guro ay dapat magkaroon ng access sa mga kagamitan sa resource center.
Ang S&I representative ang nagbibigay ng mga materyal para sa mga guro at mga estudyante sa bawat klase. Dapat magdala ang mga estudyante ng sarili nilang mga banal na kasulatan, nakalimbag o digital.
15.1.3
Mga Class Officer at Aktibidad
Ang mga seminary teacher ay maaaring pumili ng mga class officer, tulad ng president, vice president, at secretary. Unang kokontakin ng guro ang mga magulang at bishop ng bawat estudyante para humingi ng pahintulot. Ang mga class officer ay hindi sinasang-ayunan o sineset apart. Tinutulungan nila ang mga guro sa mga regular na tungkulin sa klase at hinihikayat ang iba pang mga estudyante na dumalo at makibahagi.
Ang mga seminary teacher ay hindi dapat magdaos ng mga aktibidad sa labas ng karaniwang oras ng klase o sa labas ng silid-aralan. Ang mga eksepsyon ay nangangailangan ng pag-apruba mula sa mga lokal na priesthood leader.
15.1.4
Credit at Pagtatapos
Ang mga estudyante sa seminary ay matututo nang mas mabisa at mapalalalim ang kanilang pagbabalik-loob kung regular silang dadalo sa klase, makikibahagi, at mag-aaral ng mga banal na kasulatan sa labas ng klase. Sa paggawa nila ng mga bagay na ito, nagkakaroon din sila ng credit para sa seminary bawat taon at maaaring magtapos sa seminary.
Ang ilang mga estudyante ay maaaring mahirapang makakuha ng seminary credit dahil sa mga hamon sa pagbabasa o iba pang mga kadahilanan. Dapat iangkop ng mga guro ang mga requirement ayon sa mga pangangailangan ng mga estudyanteng ito. Ang S&I representative ay maaaring humiling ng mga pag-aangkop para sa buong programa. Ang mga pag-aangkop na ito ay nangangailangan ng pag-apruba mula sa S&I administration.
Para makapagtapos sa seminary, dapat makakuha ng credit para sa apat na taon ang isang estudyante at tumanggap ng ecclesiastical endorsement mula sa isang miyembro ng bishopric. Ang endorsement na ito ay nagpapatunay na ang isang estudyante ay karapat-dapat at tapat sa pamumuhay ng mga pamantayan ng ebanghelyo.
Bawat taon ay nagdaraos ang stake ng seminary graduation. Ito ay pinaplano ng isang miyembro ng stake presidency o ng isang high councilor. Maaaring tumulong ang S&I representative. Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang Gabay para sa Seminary at Institute Graduation Exercises.
15.1.5
Released-Time Seminary
Sa ilang lugar sa Estados Unidos at Canada, ang mga lokal na batas ay pinahihintulutan ang mga mag-aaral na lumabas ng paaralan at dumalo sa seminary sa oras ng klase. Ang Church Board of Education ang nag-aapruba kung saan isasagawa ang ganitong uri ng seminary. Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang Released-Time Seminary sa ChurchofJesusChrist.org.
15.2
Institute
Ang institute ay naglalaan ng mga klase sa pag-aaral ng ebanghelyo sa mga karaniwang araw na nagpapalakas ng pananampalataya at patotoo kay Jesucristo at sa Kanyang ipinanumbalik na ebanghelyo. Tinitiyak ng mga lider ng stake na mayroon institute para sa lahat ng young single adult na edad 18–30.
Lahat ng young single adult ay hinihikayat na dumalo sa mga klase sa institute pumapasok man sila sa paaralan o hindi. Maaari silang dumalo sa mga campus-based institute class (kung mayroon). Maaari din silang dumalo sa mga online na klase sa institute o mga klase sa institute sa stake.
Tingnan ang Stake Institute para sa mga tuntunin tungkol sa sumusunod:
-
Pagtatatag at pagpapatakbo ng mga klase sa institute sa stake
-
Pagpaplano para sa mga pasilidad
-
Pagtawag ng mga guro
-
Pagkilala sa nakamit ng mga estudyante
15.2.1
Iba pang mga Klase sa Relihiyon
Maaaring naisin ng mga stake presidency na maglaan ng mga klase sa relihiyon para sa mga adult na edad 31 pataas. Ang mga klaseng ito ay hindi gawain ng S&I at hindi tinatawag na mga klase sa institute. Gayunman, ang mga materyal sa kurikulum ng institute ay maaaring gamitin sa mga ito.
15.3
Mga Paaralan ng Simbahan at Church Educational System
Para sa impormasyon tungkol sa mga primary at secondary na paaralan ng Simbahan, BYU–Pathway Worldwide, at mga institusyon ng mas mataas na edukasyon, tingnan ang CES.ChurchofJesusChrist.org. Ang impormasyon tungkol sa pagkumpleto sa mga ecclesiastical endorsement upang makadalo ang mga estudyante sa mga paaralang ito ay makukuha rin doon.
Bukod pa rito, ang impormasyon tungkol sa mga ecclesiastical clearance sa trabaho sa pamamagitan ng CES Ecclesiastical Clearance Office ay matatagpuan sa help.ChurchofJesusChrist.org.