Mga Hanbuk at Calling
25. Gawain sa Templo at Family History sa Ward at Stake


“25. Gawain sa Templo at Family History sa Ward at Stake,” Pangkalahatang Hanbuk: Paglilingkod sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw (2024).

“25. Gawain sa Templo at Family History sa Ward at Stake,” Pangkalahatang Hanbuk.

templo

25.

Gawain sa Templo at Family History sa Ward at Stake

25.0

Pambungad

Ang templo ang bahay ng Panginoon. Ang mga ordenansa at tipan sa templo ay nagpapala sa mga anak ng Ama sa Langit. Inaanyayahan ng Ama sa Langit ang lahat ng Kanyang anak na maging marapat sa at tanggapin ang mga ordenansa sa templo.

Ang pagbubuklod ng mga pamilya sa walang-hanggan ay bahagi ng gawain ng kaligtasan at kadakilaan ng Diyos (tingnan sa 1.2). Ang gawain sa templo at family history ay ang paraan para mabuklod ang mga pamilya sa walang-hanggan (tingnan sa Mateo 16:19). Kabilang sa gawaing ito ang:

Ginagabayan ng kabanatang ito ang mga lider at miyembro ng Simbahan kung paano mapagbubuklod ang mga pamilya para sa kawalang-hanggan sa pamamagitan ng gawain sa templo at family history. Ang karagdagang impormasyon ay makukuha sa “Mga Templo,” “Proxy Baptism,” at “Family History” (Mga Paksa at Mga Tanong, Gospel Library).

25.1

Pakikibahagi ng mga Lider at Miyembro sa Gawain sa Templo at Family History

Ang mga miyembro ng Simbahan ay may pribilehiyo at responsibilidad na tumulong sa pagbubuklod ng kanilang mga pamilya sa walang-hanggan. Inihahanda nila ang kanilang sarili na gumawa ng mga tipan kapag tinanggap nila ang mga ordenansa sa templo. Sinisikap nilang tuparin ang mga tipang iyon.

Tinutulungan din nila ang kanilang mga kapamilya na maunawaan, matanggap, at sikaping tuparin ang mga tipan sa templo. Ang mga magulang ang may pangunahing responsibilidad sa pagtulong sa kanilang mga anak na maranasan ang mga pagpapala ng paglilingkod sa templo at family history para sa mga yumaong kapamilya.

Hinihikayat ang mga miyembro ng Simbahan na kilalanin ang kanilang mga yumaong kamag-anak na hindi pa nakatanggap ng mga ordenansa sa templo. Pagkatapos ay isinasagawa ng mga miyembro ang mga ordenansa para sa mga kamag-anak na iyon (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 128:18). Sa daigdig ng mga Espiritu, maaaring piliin ng mga indibiduwal na tanggapin o tanggihan ang mga ordenansang isinagawa para sa kanila.

Inaanyayahan din ng mga miyembro ang kanilang pamilya at mga kaibigan na alamin ang tungkol sa kanilang mga ninuno at tuklasin ang kanilang mga kuwento.

Maraming tool ang magagamit para tulungan ang mga miyembro sa kanilang gawain sa templo at family history. Ang ilan sa mga ito ay inilarawan sa 25.4.1 at 25.4.2.

Sinusuportahan ng mga lider ng Simbahan ang mga miyembro sa kanilang mga pagsisikap sa gawain sa templo at family history tulad ng inilarawan sa 25.2 at 25.3.

25.1.1

Indibiduwal na Responsibilidad sa Pagsamba sa Templo

Ang mga miyembro ang magpapasiya para sa kanilang sarili kung kailan at kung gaano kadalas sila sasamba sa templo. Ang mga lider ay hindi nagtatatag ng mga quota o sistema ng pag-uulat para sa pagsamba sa templo.

Ang bawat miyembro at pamilya na mayroong current temple recommend ay maaaring dumalo sa kahit anong templo na nais nila. Maaari silang mag-iskedyul ng appointment sa templo. Tingnan ang temples.ChurchofJesusChrist.org para sa contact information ng bawat templo.

25.1.2

Mga Ward at Stake Temple Trip

Ang bawat unit ng Simbahan ay bahagi ng isang temple district. Hindi hinihikayat na mag-organisa ang mga ward at stake ng pagbista sa mga templo sa labas ng kanilang itinalagang temple district.

Lahat ng ward at stake temple trip ay dapat i-iskedyul sa templo. Tingnan ang temples.ChurchofJesusChrist.org para sa contact information ng bawat templo.

25.2

Pag-oorganisa ng Gawain sa Templo at Family History sa Ward

Ang mga lider ng ward ay may sumusunod na mga responsibilidad sa gawain sa templo at family history sa ward:

  • Tulungan ang bawat miyembro na maghandang gumawa ng mga tipan sa Diyos sa pamamagitan ng pagtanggap ng mga ordenansa sa templo (tingnan sa 27.1).

  • Hikayatin ang mga miyembro na sumamba sa bahay ng Panginoon nang madalas hangga’t maaari.

  • Hikayatin ang mga indibiduwal at pamilya na alamin ang doktrina at mga pagpapala ng gawain sa templo at family history.

  • Tiyaking regular na itinuturo sa mga miting sa Simbahan ang doktrina at mga pagpapala ng gawain sa templo at family history. Pinagbubuklod ng gawaing ito ang mga pamilya para sa kawalang-hanggan.

  • Hikayatin ang mga miyembro na alamin ang tungkol sa kanilang mga ninuno at isagawa ang mga ordenansa sa templo para sa kanila.

  • Sinusuportahan ang mga magulang sa pagtulong sa kanilang mga anak na makibahagi sa gawain sa templo at family history.

  • Hikayatin ang lahat ng kabataan at adult na miyembro, pati na ang mga bagong miyembro, na magkaroon ng current temple recommend.

Tingnan ang kabanata 26 para sa impormasyon tungkol sa mga temple recommend.

25.2.1

Bishopric

Nakikipagtulungan ang bishopric sa elders quorum presidency at Relief Society presidency na pamunuan ang gawain sa templo at family history sa ward. Regular na nagsasanggunian ang mga lider na ito.

Ang bishopric ay may sumusunod ding karagdagang mga responsibilidad sa gawain sa templo at family history:

  • Nakikipagtulungan sa elders quorum presidency at Relief Society presidency na pamunuan ang gawain sa templo at family history sa ward (tingnan sa 25.2.2).

  • Tiyakin na ang gawain sa templo at family history ay tinatalakay at binibigyang-pansin sa mga ward council meeting at ward youth council meeting.

  • Rebyuhin at aprubahan ang ward temple and family history plan (tingnan sa 25.2.6).

  • Pamahalaan ang pag-organisa ng mga temple preparation course (tingnan sa 25.2.8).

  • Magbigay ng mga temple recommend (tingnan sa kabanata 26).

icon, mga tuntunin sa pag-aangkop Ang bishopric ay sumasangguni sa stake president upang matukoy kung tatawag ba ng isang ward temple and family history leader (tingnan ang 25.2.3 para sa karagdagang impormasyon).

25.2.2

Elders Quorum Presidency at Relief Society Presidency

Ang elders quorum presidency at Relief Society presidency ang namumuno sa pang-araw-araw na mga gawain sa templo at family history sa ward (tingnan sa 8.2.4 at 9.2.4). Pinamumunuan ng elders quorum presidency ang mga pagsisikap na ito para sa mga miyembro ng elders quorum. Pinamumunuan ng Relief Society presidency ang mga pagsisikap ng mga miyembro ng Relief Society. Sila ay nagtutulungan na pamunuan ang mga pagsisikap na ito kasama ang ward council, sa pakikipagtulungan sa bishop.

Ang mga lider na ito ay may sumusunod na karagdagang mga responsibilidad:

  • Hilingin sa isang ward temple and family history consultant na tulungan ang mga miyembro ng ward na nakatanggap kamakailan ng mga tawag sa misyon na hanapin at ihanda ang mga pangalan ng kanilang mga yumaong ninuno para sa mga ordenansa sa templo.

  • Tulungan ang ward council sa pagbuo at pagpapatupad ng ward temple and family history plan (tingnan sa 25.2.6).

  • Tiyakin na ang gawain sa templo at family history ay pinaplano at tinatalakay sa mga ward council meeting at mga ward temple and family history coordination meeting.

  • Pamunuan ang gawain ng ward temple and family history leader. Kung walang tinawag na ward temple and family history leader, isang miyembro ng elders quorum presidency ang gaganap sa tungkuling ito (tingnan sa 25.2.3).

Inaatasan ng elders quorum president at Relief Society president ang isa sa kanilang mga counselor na tumulong na pamunuan ang gawain sa templo at family history sa ward. Nagtutulungan ang dalawang miyembrong ito ng presidency. Dumadalo sila sa mga ward temple and family history coordination meeting (tingnan sa 25.2.7).

mga kabataan sa labas ng templo

25.2.3

icon, mga tuntunin sa pag-aangkop
Ward Temple and Family History Leader

Sumasangguni ang bishopric sa stake president para matukoy kung tatawag sila o hindi ng ward temple and family history leader. Kung napagpasiyahan nila na tumawag ng ward temple and family history leader, sasangguni ang bishop sa elders quorum president at Relief Society president para matukoy kung sino ang tatawagin. Ang taong ito ay dapat mayhawak ng Melchizedek Priesthood. Kung walang tinawag na ward temple and family history leader, isang miyembro ng elders quorum presidency ang gaganap sa tungkuling ito.

Sinusuportahan ng ward temple and family history leader ang elders quorum presidency at Relief Society presidency sa kanilang mga responsibilidad sa gawain sa templo at family history. Responsibilidad din niya ang mga sumusunod:

  • Makipagtulungan sa mga lider ng mga organisasyon sa ward, kabilang na ang mga youth quorum presidency at youth class presidency, sa pag-organisa ng mga pagsisikap sa gawain sa templo at family history.

  • Pamunuan ang mga ward temple and family history coordination meeting (tingnan sa 25.2.7).

  • Dumalo sa mga ward council meeting kapag inanyayahan.

  • Tulungan ang ward council sa pagbuo at pagpapatupad ng ward temple and family history plan (tingnan sa 25.2.6).

  • Turuan ang mga ward temple and family history consultant. I-organisa ang kanilang mga pagsisikap na maghanap ng pangalan ng mga ninuno at magsagawa ng mga ordenansa sa templo para sa kanila.

  • Makipagtulungan sa ward mission leader at mga missionary para tulungan ang mga nag-aaral ng ebanghelyo, mga bagong miyembro, at mga nagbabalik na miyembro na makibahagi sa gawain sa templo at family history (tingnan sa 23.2 at 23.3).

  • icon, mga tuntunin sa pag-aangkop Kung angkop, atasan ang mga ward temple and family history consultant na maglingkod sa FamilySearch center (tingnan sa 25.3.6).

25.2.4

Mga Ward Temple and Family History Consultant

Ang mga ward temple and family history consultant ay naglilingkod sa ilalim ng pamamahala ng ward temple and family history leader. Ang bishopric ang tumatawag sa mga miyembrong ito na maglingkod. Maaaring tawaging maglingkod ang mga adult at mga kabataan. Ang elders quorum president, Relief Society president, at Young Women president ay maaaring magmungkahi kung sino ang maaaring maglingkod.

Tinuturuan ng mga consultant ang iba sa simpleng paraan kung paano makikibahagi sa gawain sa templo at family history. Responsibilidad nila ang mga sumusunod:

  • Tulungan ang mga miyembro na maghandang tumanggap ng mga ordenansa sa templo at gumawa ng mga tipan sa templo.

  • Tulungan ang mga miyembro na maranasan ang mga pagpapala ng pagtuklas sa kanilang mga ninuno at pagsasagawa ng mga ordenansa sa templo para sa kanila. Ang mga karanasang ito ay lalong mahalaga sa mga nag-aaral ng ebanghelyo, mga bago at nagbabalik na miyembro, at mga naghahandang tumanggap ng temple recommend para sa mga proxy na binyag at kumpirmasyon.

  • Makibahagi sa mga temple and family history coordination meeting (tingnan sa 25.2.7).

  • Maglingkod sa isang lokal na FamilySearch center kapag inatasan (tingnan sa 25.3.6).

Ang resources na makatutulong sa mga temple and family history consultant ay nakalista sa 25.4.1 at 25.4.2.

25.2.5

Ward Council

Ang mga miyembro ng ward council ay mapanalanging gumagawa at nagpapatupad ng isang ward temple and family history plan. Para sa impormasyon tungkol sa planong ito, tingnan ang 25.2.6.

Maaaring anyayahan ng bishop ang ward temple and family history leader na dumalo sa mga ward council meeting.

25.2.6

Ward Temple and Family History Plan

Bawat ward ay dapat magkaroon ng isang simpleng temple and family history plan. Ang planong ito ay tumutulong sa mga miyembro ng ward, kabilang na ang mga bata at kabataan, na maghanda na sumamba sa bahay ng Panginoon at makibahagi sa gawain sa family history nang madalas hangga’t maaari.

Tinutulungan ng elders quorum president at Relief Society president ang ward council na buuin ang plano. Tumutulong din ang ward temple and family history leader. Sa pagbuo ng plano:

  • Mapanalanging isaalang-alang ang mga pangangailangan ng mga miyembro at ang resources na magagamit.

  • Tinutukoy nila ang mga hakbang na gagawin sa buong taon.

  • Tutukuyin nila kung paano ipatutupad ang plano at magbibigay ng mga takdang-gawain ayon dito.

Nakalista sa ibaba ang mga halimbawa ng maaaring maging bahagi ng plano:

  • Tulungan ang partikular na mga miyembro na maghandang tumanggap ng mga ordenansa sa templo.

  • Tulungan ang mga miyembro na buuin ang kanilang mga family tree sa FamilySearch.org o FamilySearch Tree app (tingnan sa 25.4.1).

  • Tulungan ang mga miyembro na gamitin ang Mga Ordenansang Handa nang Isagawa sa FamilySearch.org o sa FamilySearch Family Tree app para madala ang pangalan ng isang ninuno sa templo.

  • Isali sa gawain sa templo at family history ang mga bago at nagbabalik na miyembro, mga kabataan, at mga bata.

Ang ward temple and family history plan ay hindi dapat magtatag ng mga quota o sistema sa pag-uulat para sa pagsamba sa templo (tingnan sa 25.1.1).

Nirerebyu at inaaprubahan ng bishop ang planong ito. Pinangungunahan ng mga miyembro ng ward council ang pagpapatupad sa planong ito. Inirereport nila sa mga ward council meeting ang mga nagawa nila. Ina-update din nila ang plano kung kinakailangan.

2:50

25.2.7

Mga Ward Temple and Family History Coordination Meeting

Regular na nagdaraos ng mga maiikli at di-pormal na ward temple and family history coordination meeting. Ang ward temple and family history leader ang nangangasiwa sa mga miting na ito.

Kabilang sa iba pang inaanyayahang dumalo ang:

  • Mga inatasang miyembro ng Relief Society presidency at elders quorum presidency.

  • Isang assistant sa priests quorum (o ang teachers o deacons quorum president kung walang mga priest sa ward).

  • Isang miyembro ng presidency ng pinakamatandang Young Women class.

  • Mga temple and family history consultant.

Lahat ng dumadalo, kabilang ang mga kabataan, ay nagsasanggunian bilang magkakapantay na kalahok. Ang layunin ng mga miting na ito ay para:

  • I-organisa at ayusin ang mga pagsisikap na ipatupad ang ward temple and family history plan (tingnan sa 25.2.6).

  • Planuhin kung paano tutulungan ang partikular na mga ward miyembro na maghandang tumanggap ng mga ordenansa sa templo.

  • Planuhin kung paano tutulungan ang partikular na mga miyembro sa kanilang gawain sa templo at family history.

Ang mga miting na ito ay maaaring idaos nang personal o online. Ang pakikipag-ugnayan ay maaari ding gawin sa iba pang paraan, tulad ng pagtawag sa telepono, text, at email.

25.2.8

Temple Preparation Course

Sa ilalim ng pamamahala ng bishop, maaaring mag-organisa ng isang temple preparation course para tulungan ang mga miyembro na maghandang gumawa at tumupad ng mga tipan kapag tinanggap nila ang mga ordenansa sa templo. Ang mga kursong ito ay idinaraos sa labas ng regular na mga miting sa araw ng Linggo sa oras na pwede ang mga miyembro. Maaaring idaos ang mga ito sa meetinghouse o sa isang tahanan.

Mapanalanging pinipili ng mga miyembro ng ward council ang mga miyembro na aanyayahang makilahok sa bawat kurso. Ang mga kursong ito ay maaaring lalong makatulong sa mga sumusunod na tao:

  • Mga bagong miyembro

  • Mga miyembrong naghahandang tumanggap ng sarili nilang endowment o mabuklod

  • Mga miyembrong nagbabalik sa pagiging aktibo sa Simbahan

  • Mga miyembrong tumanggap na ng endowment noon pero hindi napanibago ang kanilang mga temple recommend sa loob ng mahabang panahon

Ang bishopric ay tumatawag ng isa o mahigit pang mga temple preparation instructor. Ang mga aralin at mga tagubilin sa pag-oorganisa ng kursong ito ay matatagpuan sa Pinagkalooban Mula sa Kaitaasan: Seminar sa Paghahanda sa Pagpasok sa Templo Manwal ng Guro. Ang mga kalahok ay binibigyan ng mga kopya ng Paghahanda sa Pagpasok sa Banal na Templo. Para sa mga sanggunian sa personal na pag-aaral at aralin sa klase, tingnan ang temples.ChurchofJesusChrist.org.

25.3

Pag-oorganisa ng Gawain sa Templo at Family History sa Stake

Sinusuportahan ng mga lider ng stake ang mga lider at miyembro ng ward sa kanilang mga pagsisikap sa gawain sa templo at family history.

25.3.1

Stake Presidency

Taglay ng stake president ang mga susi para sa gawain ng kaligtasan at kadakilaan ng Diyos sa stake. Sila ng kanyang mga counselor ay may sumusunod na mga responsibilidad sa gawain sa templo at family history na bahagi ng gawaing iyon:

  • Tulungan ang mga miyembro na maghandang gumawa ng mga sagradong tipan kapag tinanggap nila ang mga ordenansa sa templo (tingnan sa 27.1).

  • Hikayatin ang mga miyembro na sumamba sa bahay ng Panginoon hangga’t kaya nila.

  • Tiyaking regular na itinuturo sa mga miting sa stake ang doktrina at mga pagpapala ng gawain sa templo at family history. Pinagbubuklod ng gawaing ito ang mga pamilya para sa kawalang-hanggan.

  • Hikayatin ang mga miyembro na alamin ang tungkol sa kanilang mga ninuno at isagawa ang mga ordenansa sa templo para sa kanila.

  • Magsagawa ng mga interbyu para sa temple recommend (tingnan sa kabanata 26).

Sa kanyang regular na pakikipagpulong sa bawat elders quorum president, tinatalakay ng isang miyembro ng stake presidency ang gawain sa templo at family history sa ward (tingnan sa 8.3.1). icon, opsiyonal na resources Ang mga counselor sa elders quorum presidency at ang high councilor na inatasan sa korum ay maaaring dumalo.

25.3.2

Stake Adult Leadership Committee

Kabilang sa stake adult leadership committee ang:

  • Stake presidency.

  • Stake Relief Society presidency.

  • Mga high councilor na inatasang makipagtulungan sa mga elders quorum.

Tinuturuan at sinusuportahan ng mga lider na ito ang mga elders quorum presidency at mga Relief Society presidency sa kanilang mga responsibilidad sa gawain sa templo at family history (tingnan sa 25.2.2). Ang pagtuturo na ito ay maaaring gawin bilang grupo o nang personal. Maaaring anyayahan ang mga ward temple and family history leader para maturuan din sila.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga miting ng komiteng ito, tingnan ang 29.3.8.

25.3.3

Mga High Councilor

Maaaring atasan ng stake presidency ang mga high councilor na turuan at suportahan ang sumusunod na mga tao sa kanilang mga responsibilidad sa gawain sa templo at family history:

  • Mga elders quorum presidency

  • Mga ward temple and family history leader

  • Mga stake temple and family history consultant

  • Mga FamilySearch center coordinator

Maaaring mag-atas ng isa o higit pang mga high councilor para pamunuan ang mga pagsisikap na ito. Gayunman, lahat ng mga high councilor ay mayroong ganitong mga responsibilidad para sa mga ward at korum na nakaatas sa kanila.

Maaaring tulungan ng mga high councilor ang mga ward temple and family history leader na turuan ang mga ward temple and family history consultant. Ang mga high councilor ay maaaring tulungan ng mga stake temple and family history consultant.

Maaaring atasan ng stake presidency ang isang high councilor para iorganisa ang mga pagsisikap ng stake para sa mga volunteer sa family history (tingnan sa 25.4.3). Siya o isa pang high councilor ay maaaring atasan na pamahalaan ang gawain sa mga FamilySearch center (tingnan sa 25.3.6).

25.3.4

Stake Relief Society Presidency

Sa ilalim ng pamamahala ng stake president, tinuturuan at sinusuportahan ng stake Relief Society presidency ang mga ward Relief Society presidency sa kanilang mga responsibilidad sa gawain sa templo at family history (tingnan sa 9.2.4).

25.3.5

icon, mga tuntunin sa pag-aangkop
Mga Stake Temple and Family History Consultant

Sinusuportahan ng mga stake temple and family history consultant ang gawain sa templo at family history sa buong stake. Naglilingkod sila sa ilalim ng pamamahala ng stake presidency at ng isa o higit pang mga high councilor na naatasan sa gawain sa templo at family history.

Sinusuportahan ng mga consultant na ito ang mga high councilor at stake Relief Society presidency sa kanilang mga pagsisikap na turuan ang iba tungkol sa gawain sa templo at family history (tingnan sa 25.3.3 at 25.3.4). Maaari din silang bigyan ng sumusunod na mga responsibilidad:

  • Tumulong sa pagtuturo at pagsuporta sa mga miyembro sa ward na may calling na nauugnay sa templo at family history.

  • Tumulong na i-organisa ang mga pagsisikap ng mga volunteer gamit ang FamilySearch.org o ang mga app ng FamilySearch (tingnan sa 25.4.3).

  • Maglingkod sa mga FamilySearch center (tingnan sa 25.3.6).

25.3.6

icon, mga tuntunin sa pag-aangkop
Mga FamilySearch Center

Kung may mga resource, maaaring mag-organisa ang stake ng isa o higit pang mga FamilySearch center. Ang layunin ng mga center na ito ay tulungan ang mga bumibisita rito na tuklasin ang, mangalap ng impormasyon tungkol sa, at ibuklod ang mga buhay at yumaong mga kapamilya sa pamamagitan mga ordenansa sa templo. Bukas ang mga center na ito para gamitin ng lahat ng tao.

Ang stake president ay tumatawag ng isang FamilySearch center coordinator na siyang mamamahala sa mga pagsisikap sa bawat FamilySearch center. Bawat center ay karaniwang binabantayan ng mga naka-assign na stake at ward temple and family history consultant. Ang mga FamilySearch center ay dapat bukas sa mga praktikal na oras. Maaaring baguhin ng mga FamilySearch center na malapit sa templo ang kanilang mga iskedyul para umayon sa iskedyul ng lokal na templo.

Bilang eksepsyon, ang ilang malalaking FamilySearch center ay pinangangasiwaan ng mga Area Presidency.

25.3.7

FamilySearch Center Coordinator

Ang FamilySearch center coordinator ang nag-oorganisa ng pang-araw-araw na operasyon ng FamilySearch center. Naglilingkod siya sa ilalim ng pamamahala ng stake president o ng inatasang high councilor. Maaaring kabilang sa mga responsibilidad ang mga nakalista sa ibaba:

  • Tulungan ang mga miyembro na maghanda ng mga pangalan ng pamilya upang maisagawa nila ang mga ordenansa sa bahay ng Panginoon.

  • I-organisa ang mga aktibidad ng center na tutulong sa mga miyembro ng Simbahan at mga bisita mula sa komunidad na tuklasin ang kanilang mga ninuno.

  • Makipagtulungan sa (1) high councilor na inatasang suportahan ang gawain sa templo at family history at sa (2) stake technology specialist para matugunan ang mga pangangailangan sa pagpapatakbo ng center at mapanatili ang mga resource nito.

Ang FamilySearch Center Operations Guide ay nagbibigay ng gabay kung paano magpatakbo ng isang FamilySearch center.

25.3.8

Mga Area Temple and Family History Adviser

Ang mga Area Presidency ay maaaring tumawag ng mga area temple and family history adviser. Kung pahihintulutan ng kanilang sitwasyon, maaaring tumawag ng isang tao o isang mag-asawa para sa bawat coordinating council. Ang mga adviser ay karaniwang naglilingkod sa loob ng tatlo hanggang limang taon.

Maaaring atasan ng Area Presidency ang mga Area Seventy na iorganisa at pag-ugnayin ang gawain ng mga adviser na ito sa mga coordinating council. Ang gawain ng mga adviser ay dapat nakaayon sa mga bagay na pinagtutuunan ng area.

Ayon sa tagubilin ng Area Presidency at mga Area Seventy, tinutulungan ng mga adviser ang mga stake president na gampanan ang kanilang mga responsibilidad sa gawain sa templo at family history. Tinutulungan ng mga adviser ang mga stake president sa pagtuturo sa mga taong naglilingkod sa sumusunod na mga tungkulin tungkol sa kanilang mga responsibilidad:

  • Mga high councilor

  • Mga Stake Relief Society presidency

  • Mga Stake adult leadership committee

  • Mga stake temple and family history consultant

  • Mga FamilySearch center coordinator

Maaaring atasan ang mga adviser na tulungan ang mga stake presidency na ihanda ang mga miyembro para sa pagsamba sa mga bagong ibinalitang templo sa lugar. Maaaring kabilang sa iba pang mga responsibilidad ang pagtuturo sa mga lider ng stake tungkol sa mga alituntunin at mga ginagawa sa gawain sa templo at family history. Kabilang dito ang:

  • Paano tutulungan ang mga miyembro sa kanilang unang beses na pagsasagawa ng mga proxy na binyag at kumpirmasyon (tingnan sa 23.2).

  • Paano tutulungan ang mga miyembrong naghahanda na tumanggap ng kanilang sariling endowment o mabuklod (tingnan sa 25.2.8, 27.2, 27.3, at 27.4).

  • Paano iorganisa ang gawain sa templo at family history sa mga stake at ward (tingnan sa 25.3 at 25.2).

  • Paano susuportahan ang mga elders quorum presidency and Relief Society presidency sa kanilang mga responsibilidad (tingnan sa 25.2.2).

  • Paano mapagpapala ng gawain sa templo at family history ang mga bata at kabataan (tingnan sa 10.2.4, 11.2.4, at 12.2.4).

  • Paano tutulungan ang mga miyembro na magkaroon ng makabuluhang karanasan sa family history (tingnan sa Temple and Family History Leadership Instruction).

  • Paano magdaos ng mabisang ward temple and family history coordination meeting (tingnan sa 25.2.7).

  • Paano tutulungan ang mga lider ng ward na magplano at magtakda ng mga mithiin (tingnan sa 25.2.6).

25.4

Family History Resources

25.4.1

Ang FamilySearch.org, Mga Ordenansang Handa nang Isagawa, at mga App ng FamilySearch

FamilySearch.org ang website ng Simbahan para tulungan ang mga miyembro na hanapin at ihanda ang pangalan ng kanilang mga ninuno para sa mga ordenansa sa templo. Ang Mga Ordenansang Handa nang Isagawa ay isang bahagi ng FamilySearch.org na nagbibigay ng madaling paraan para makatanggap ng mga pangalan ng pamilya o iba pang pangalan na dadalhin sa templo.

Ang site na ito ay nagbibigay din ng karagdagang resources. Kabilang sa mga ito ang pagtuklas, pagbabahagi, at pag-iingat sa mga kuwento at larawan ng mga ninuno.

Ang mga resource na ito ay makukuha rin sa FamilySearch Family Tree app at sa FamilySearch Memories app. Tingnan ang mga app ng FamilySearch para sa lahat ng magagamit na app.

pamilyang tumitingin sa mga retrato

25.4.2

Ang Aking Pamilya: Mga Kuwentong Nagbibigkis sa Atin

Ang buklet na Ang Aking Pamilya: Mga Kuwentong Nagbibigkis sa Atin ay tumutulong sa mga tao na tipunin at ingatan ang mga pangalan at kuwento ng pamilya. Ito ay makatutulong din sa mga miyembro na magsimulang maghanda ng mga pangalan ng pamilya para sa mga ordenansa sa templo.

Maaaring mag-order ng mga nakalimbag na kopya ng buklet sa store.ChurchofJesusChrist.org.

25.4.3

Mga Volunteer Activity sa Family History

Ang tab na “Get Involved” sa FamilySearch.org ay nagbibigay ng pagkakataon sa mga volunteer na makibahagi sa sumusunod na mga aktibidad:

  • Indexing, ang proseso ng pagkuha ng impormasyon mula sa mga nakasulat na rekord na pangkasaysayan at pagpasok nito sa isang searchable database sa FamilySearch.org.

  • Pagrerebyu ng mga talaan para matiyak ang katumpakan ng mga ito.

  • Pagpapabuti sa katumpakan ng Family Tree.

Ginagawang posible ng mga nakikibahagi sa mga aktibidad na ito na matuklasan ng ibang tao ang kanilang mga ninuno at makapagsagawa ng mga ordenansa sa templo para sa mga ito.

Kahit sino ay maaaring lumahok sa mga volunteer activity sa FamilySearch.org. Ito ay maaaring maging isang makabuluhang karanasan para sa mga sumusunod:

  • Mga kabataan

  • Mga young adult

  • Mga miyembrong walang kakayahang regular na dumalo sa mga pulong ng Simbahan

  • Mga bagong miyembro

  • Mga hindi miyembro ng Simbahan

Maaaring atasan ng stake presidency ang isang stake temple and family history consultant o isang high councilor na iorganisa ang gawaing ito.

25.5

Pagrekomenda at Pagtawag ng mga Temple Worker

25.5.1

Pagrekomenda ng mga Temple Worker

Ang mga posibleng maglingkod bilang mga temple worker ay tinutukoy sa sumusunod na paraan:

  • Mga miyembrong tinukoy ng bishop o ng isa pang lider ng ward

  • Mga miyembrong lumapit sa bishop at nagsabing nais nilang maglingkod

  • Mga miyembrong nirekomenda ng temple president, matron, o isa pang lider sa templo

  • Mga miyembrong naghahandang magmisyon o katatapos lang magmisyon (tingnan sa kabanata 24)

Ang mga pangalan ng mga posibleng maging temple worker ay isinusumite gamit ang Recommend Temple Worker tool. Ang tool na ito ay magagamit ng mga bishop, stake president, at temple presidency. Ang proseso ng pagsusumite ng mga pangalan ay nakabalangkas sa ibaba.

Kapag natukoy ng mga miyembro ng temple presidency ang isang taong posibleng maging temple worker, isusumite nila ang pangalan ng tao sa bishop nito gamit ang Recommend Temple Worker tool.

Kapag natukoy ng bishop ang isang taong posibleng maging temple worker o tumanggap siya ng rekomendasyon mula sa temple president, kakausapin niya ang miyembro tungkol sa pagkakataong maglingkod. Nirerebyu niya ang mga kinakailangan para sa mga temple worker (tingnan sa 25.5.2). Kung kapwa nadama ng bishop at ng miyembro na naaangkop ang pagkakataong maglingkod, kukumpletuhin at isusumite ng bishop ang rekomendasyon gamit ang Recommend Temple Worker tool. Dapat maunawaan ng miyembro na ang isinumiteng rekomendasyon ay hindi garantiya na siya ay tatawagin o aatasan na maglingkod bilang temple worker.

Pagkatapos ay rerebyuhin ng stake president ang rekomendasyon. Kung aaprubahan ng stake president ang rekomendasyon, isusumite niya ito sa temple president para marebyu gamit ang Recommend Temple Worker tool.

Ang mga miyembrong tinawag o inatasang maglingkod bilang mga temple worker ay karaniwang nangangakong maglingkod sa isang regular na iskedyul bawat linggo. Dapat iwasang magbigay ng mga lider ng karagdagang mga calling na hahadlang sa kakayahan ng mga miyembro na makapaglingkod sa templo.

Ang Recommend Temple Worker tool ay mayroon ding listahan para sa mga bishop at stake president na nagpapakita ng lahat ng miyembro ng kanilang ward o stake na kasalukuyang naglilingkod bilang temple worker.

25.5.2

Mga Kwalipikasyon para sa mga Temple Worker

Ang mga temple worker ay tumutulong sa pagsasagawa ng mga ordenansa o gawaing pang-administratibo sa templo. Para mairekomenda na maglingkod bilang temple worker, dapat matugunan ng miyembro ang sumusunod na mga kwalipikasyon:

  • Nakatira sa loob ng temple district ng templo kung saan siya maglilingkod.

  • Tumanggap na ng endowment, tinutupad ang mga tipan sa templo, at mayroong current temple recommend.

  • Mayroong matatag na patotoo sa ipinanumbalik na ebanghelyo ni Jesucristo.

  • Kaya niyang pisikal na pangasiwaan ang mga ordenansa nang walang tulong mula sa iba.

  • Karapat-dapat sa paggalang sa Simbahan at sa komunidad.

  • May kakayahang maayos na makipagtulungan sa ibang tao.

  • Maaasahan at may mabuting kalusugan.

  • Walang anotasyon sa kanyang membership record sa kasalukuyan.

Bukod pa rito, sinisiguro ng bishop ang mga sumusunod:

  • Kung nagkaroon ng pormal na restriksyon sa pagkamiyembro ang isang tao, maaari lamang siyang irekomendang maging temple worker pagkatapos ng limang taon matapos alisin ang mga restriksyon. (Tingnan sa 32.11.3 at 32.16.1.)

  • Kung binawi ang pagkamiyembro ng isang taong hindi pa nakatanggap ng endowment, o kung ang tao ay nagbitiw sa pagkamiyembro, maaari lamang siyang irekomendang maging temple worker pagkatapos ng limang taon matapos muling tanggapin sa Simbahan. (Tingnan sa 32.11.4, 32.14.9, 32.16.1, at 32.16.2.)

  • Kung binawi ang pagkamiyembro ng isang taong nakatanggap ng endowment, o kung ang tao ay nagbitiw sa pagkamiyembro, maaari lamang siyang irekomendang maging temple worker pagkatapos ng limang taon matapos matanggap ang pagpapanumbalik ng mga pagpapala. (Tingnan sa 32.11.4, 32.14.9, at 32.17.2.)

25.5.3

Pagtawag at Pag-Set Apart ng mga Temple Worker

Matapos matanggap ng temple president ang rekomendasyon para sa isang taong maglilingkod bilang temple worker, ang taong ito ay iinterbyuhin ng isang miyembro ng temple presidency o ng isang taong inatasan niya. Ayon sa matatanggap niyang inspirasyon, ang nagsasagawa ng interbyu ay tatawaging maglingkod at ise-set apart ang mga taong may kakayahang maglingkod bilang mga temple worker.