Library
Mga Templo


templo

Pag-aaral ng Doktrina

Mga Templo

Ang mga templo ay literal na mga bahay ng Panginoon. Ang mga ito ay mga banal na lugar ng pagsamba kung saan ang mga indibiduwal ay gumagawa ng mga sagradong tipan sa Diyos. Sa buong kasaysayan, iniutos ng Panginoon sa Kanyang mga tao na magtayo ng mga templo. Ang Simbahan ay nagsisikap na makapagtayo ng mga templo sa iba’t ibang panig ng mundo upang higit na matamo ng mas malaking bilang ng mga anak ng Ama sa Langit ang mga pagpapala ng templo.

Buod

Ang mga templo ay literal na mga bahay ng Panginoon. Ang mga ito ay mga banal na lugar ng pagsamba kung saan ang mga indibiduwal ay gumagawa ng mga sagradong tipan sa Diyos. Dahil ang pakikipagtipan sa Diyos ay isang sagradong responsibilidad, ang mga indibiduwal ay hindi maaaring pumasok sa templo upang tanggapin ang kanilang endowment o mabuklod para sa walang hanggang kasal kung hindi pa nila lubos na naihahanda ang kanilang mga sarili at kung wala pang isang taon mula nang maging miyembro sila ng Simbahan. Sa buong kasaysayan, iniutos ng Panginoon sa Kanyang mga tao na magtayo ng mga templo. Ang Simbahan ay nagsisikap na makapagtayo ng mga templo sa iba’t ibang panig ng mundo upang higit na matamo ng mas malaking bilang ng mga anak ng Ama sa Langit ang mga pagpapala ng templo.

AnItala ang Iyong mga Impresyon

Mga Lugar ng Pagkatuto

Ang mga templo ay mga lugar ng pagkatuto. Ang pangunahing layunin ng mga ito ay maglaan ng mga ordenansang kinakailangan ng mga anak ng Diyos upang makabalik sila sa piling Niya. Ang mga ordenansa sa templo ay humahantong sa mga pinakadakilang pagpapala na matatamo sa pamamagitan ng Pagbabayad-sala ni Jesucristo. Ang lahat ng bagay sa Simbahan—ang mga miting at aktibidad, mga gawaing misyonero, mga lesson na itinuturo at mga himno—ay pawang humahantong sa gawaing isinasagawa sa mga banal na templo.

Ang isang ordenansang natatanggap sa templo ay tinatawag na endowment. Ang kahulugan ng salitang endowment ay “kaloob,” at ang endowment sa templo ay tunay na kaloob mula sa Diyos. Ang ordenansang ito ay binubuo ng mga sunud-sunod na tagubilin at kabilang dito ang mga tipan na mamuhay nang matwid at sundin ang mga hinihingi ng ebanghelyo. Ang endowment ay nakatuon sa Tagapagligtas, sa Kanyang papel na ginagampanan sa plano ng Ama sa Langit, at sa personal na katapatan ng bawat miyembro na sundin Siya.

Ang isa pang ordenansa sa templo ay ang selestiyal na kasal. Sa ordenansang ito, ang mag-asawa ay ibinubuklod sa isa’t isa para sa kawalang-hanggan. Ang pagbubuklod na isinagawa sa templo ay nagpapatuloy magpakailanman kung tapat ang mag-asawa sa mga tipang ginawa nila.

Ang mga anak na isinilang sa mga magulang na nabuklod sa templo ay isinilang sa tipan. Ang mga batang ito ay bahagi na kaagad ng isang walang-hanggang pamilya. Ang mga anak na hindi isinilang sa tipan ay maaari ring maging bahagi ng isang walang-hanggang pamilya sa sandaling mabuklod ang kanilang mga magulang o ang mag-asawang umampon sa kanila. Ang ordenansa ng pagbubuklod ng mga anak sa mga magulang ay isinasagawa sa templo.

Ang mga taong namatay nang hindi nakatanggap ng mahahalagang ordenansa sa templo ay maaaring makatanggap ng mga ordenansang iyon sa pamamagitan ng mga gawain na isinasagawa sa mga templo. Alang-alang sa mga ninuno at sa iba pang pumanaw na, ang mga miyembro ng Simbahan ay binibinyagan at kinukumpirma, tumatanggap ng endowment, at nakikibahagi sa mga pagbubuklod ng mag-asawa at ng mga anak sa mga magulang.

Ang mga yaong pumapasok sa templo ay dapat maging karapat-dapat, na nangangahulugang sinusunod nila ang mga kautusan at handa silang gumawa ng mga sagradong tipan sa templo at tuparin ang mga ito. Sa dalawang interbyu—isa kasama ang isang miyembro ng bishopric o ang branch president at isa pa kasama ang isang miyembro ng stake presidency o ang mission president—pinatutunayan ng mga miyembro ng Simbahan ang kanilang pagkamarapat na makapasok sa templo. Sa mga interbyung ito, tatanungin ng lider ng priesthood ang tungkol sa personal na pag-uugali at pagkamarapat ng indibiduwal. Ang mga yaong karapat-dapat ay makatatanggap ng temple recommend, na magtutulot sa kanila na makapasok sa templo.

Kasuotan sa Templo

Kapag nagpupunta ang mga indibiduwal sa templo, dapat suot nila ang kanilang pinakamaayos na damit, tulad ng ginagawa nila kapag nagsisimba sila. Kapag nasa loob sila ng templo, pinapalitan nila ang kanilang damit ng puting kasuotan sa templo. Ang pagpapalit na ito ng damit ay ginagawa sa isang bihisan, kung saan ang bawat tao ay gumagamit ng isang locker at pribadong espasyo. Sa templo, pinananatili nang husto ang kadisentehan.

Kapag inilagay na ng mga indibiduwal ang kanilang damit sa locker, maiiwan na nila ang lahat ng kanilang alalahanin sa mundo. Suot ang puting kasuotan, makadarama sila ng pagkakaisa at pagkakapantay-pantay sa iba pang nasa templo, dahil gayon din ang kasuotan ng lahat ng tao sa paligid nila.

Pagsusuot ng Temple Garment

Kapag na-endow na ang mga tao, pahihintulutan na silang magsuot ng temple garment habang sila ay nabubuhay. Kinakailangan nilang isuot ito ayon sa mga tagubiling ibinigay sa endowment. Dapat tandaan ng mga yaong na-endow na sa templo na ang mga pagpapalang nauugnay sa sagradong pribilehiyong ito ay nakasalalay sa kanilang pagkamarapat at katapatan sa pagtupad ng mga tipan sa templo.

Ang garment ay palaging nagpapaalala sa mga tipan na ginawa sa templo. Ang garment ay dapat igalang sa lahat ng oras. Hindi ito dapat makita ng mga yaong hindi nauunawaan ang kahalagahan nito, at hindi ito dapat iakma sa iba’t ibang estilo ng pananamit. Kapag isinusuot ito nang maayos, ang garment ay nagbibigay ng proteksyon laban sa tukso at kasamaan. Ang pagsusuot ng garment ay pagpapakita ng tapat na pangakong sundin ang Tagapagligtas.

Mga Pagpapala ng Pagpunta sa Templo

Bukod sa pagiging lugar kung saan isinasagawa ang mga sagradong ordenansa ng priesthood, ang templo ay lugar ng kapayapaan at paghahayag. Isa itong lugar kung saan maaaring makatanggap ng espirituwal na patnubay para sa mahahalagang desisyon o alalahanin.

Pinagpapala ng Panginoon ang mga yaong nagsasagawa ng sagradong ordenansa sa templo. At ang mga pagpapalang ibinibigay Niya ay hindi lamang matatamo sa oras na iginugugol sa templo. Ang mga yaong gumagawa ng gawain sa templo ay pagpapalain sa lahat ng aspeto ng kanilang mga buhay. Ang kanilang mga paggawa sa templo ay espirituwal na magpapalakas at magpapadalisay sa kanila.

Mga Kaugnay na Paksa

Mga Banal na Kasulatan

Mga Reperensya sa Banal na Kasulatan

Resources sa Pag-aaral ng mga Banal na Kasulatan

Mga Mensahe mula sa mga Lider ng Simbahan

Mga Karagdagang Mensahe

Mga Video

Logo ng Tabernacle Choir

Mga Video ng Tabernacle Choir

High on the Mountain Top [Sa Tuktok ng Bundok]

We Love Thy House, O God

Resources sa Pag-aaral

Pangkalahatang Resources

Paghahanda sa Pagpasok sa Banal na Templo

Mga Magasin ng Simbahan

Carlisa Cramer, “Maghanap, Magdala, Magturo: Tanggapin ang Hamon ng Templo,” Liahona, Pebrero 2017

Mireille Rouffet, “Nagpasiya Akong Maghanap ng Templo,” Liahona, Pebrero 2017

Espesyal na Isyu: Mga Templo ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw,” Liahona, Oktubre 2010

Pagpaplano ng Kasal Mo sa Templo,” Liahona, Oktubre 2004

Pinagpapala ng Templo ang mga Pamilya,” Liahona, Hulyo 2004

Mga Manwal sa Pag-aaral

Mga Turo ng mga Pangulo ng Simbahan

Mga Kuwento

Resources sa Pagtuturo

Mga Outline sa Pagtuturo

Media

Musika