Pag-aaral ng Doktrina
Paglilingkod
Sa Kanyang ministeryo sa lupa, ginugol ni Jesucristo ang Kanyang panahon sa paglilingkod at pagtulong sa iba. Ganoon din ang ginagawa ng mga tunay na disipulo ni Jesucristo. Sinabi ng Tagapagligtas, “Sa pamamagitan nito ay makikilala ng lahat ng mga tao na kayo ay aking mga alagad, kung kayo’y may pag-ibig sa isa’t isa” (Juan 13:35).
Buod
Sa Kanyang ministeryo sa lupa, ginugol ni Jesucristo ang Kanyang panahon sa paglilingkod at pagtulong sa iba. Ganoon din ang ginagawa ng mga tunay na disipulo ni Jesucristo. Sinabi ng Tagapagligtas, “Sa pamamagitan nito ay makikilala ng lahat ng mga tao na kayo ay aking mga alagad, kung kayo’y may pag-ibig sa isa’t isa” (Juan 13:35).
Ang mga yaong nabinyagan ay nakipagtipan na tataglayin nila ang pangalan ni Jesucristo sa kanilang mga sarili. Ipinaliwanag ng propetang si Alma ang tipang ito sa isang grupo ng mga bagong nagbalik-loob na nais magpabinyag. Napansin niya na kasama sa hangarin nilang “lumapit sa kawan ng Diyos” ang kahandaang magbigay ng makabuluhang paglilingkod—na “magpasan ng pasanin ng isa’t isa, nang ang mga yaon ay gumaan,” “makidalamhati sa mga yaong nagdadalamhati,” at “aliwin yaong mga nangangailangan ng aliw” (Mosias 18:8–9).
Ang Tagapagligtas ang pinakamagandang halimbawa ng paglilingkod. Bagama’t Siya ay isinilang sa mundo bilang Anak ng Diyos, Siya ay mapagpakumbabang naglingkod sa lahat ng yaong nakapaligid sa Kanya. Ipinahayag Niya, “Ako’y kasama ninyo na gaya ng isang naglilingkod” (Lucas 22:27).
Gumamit ang Tagapagligtas ng talinghaga upang maituro ang kahalagahan ng paglilingkod. Sa talinghaga, ikinuwento Niya ang tungkol sa Kanyang pagbalik sa lupa sa Kanyang kaluwalhatian at ang tungkol sa paghihiwalay ng mabubuti mula sa masasama. Sa mabubuti sa talinghagang ito, sinabi Niya: “Halikayo, mga pinagpala ng aking Ama, manahin ninyo ang kahariang inihanda para sa inyo mula sa pagkatatag ng sanlibutan. Sapagkat ako’y nagutom at binigyan ninyo ako ng pagkain. Ako’y nauhaw, at binigyan ninyo ako ng inumin. Ako’y taga-ibang bayan, at ako’y inyong pinatuloy. Ako’y naging hubad at inyong dinamitan. Ako’y nagkasakit at ako’y inyong dinalaw. Ako’y nabilanggo at ako’y inyong pinuntahan” (Mateo 25:34–36).
Ang mabubuti, na nagulumihanan sa pahayag na ito, ay nagtanong, “Panginoon, kailan ka namin nakitang gutom, at pinakain ka namin, o uhaw, at binigyan ka ng inumin? Kailan ka namin nakitang isang taga-ibang bayan at pinatuloy ka, o hubad, at dinamitan ka? At kailan ka namin nakitang maysakit, o nasa bilangguan, at dinalaw ka namin?” (Mateo 25:37–39).
At sumagot ang Panginoon, “Yamang ginawa ninyo ito sa isa sa pinakamaliit sa mga kapatid kong ito, ay sa akin ninyo ginawa” (Mateo 25:40).
Ang mga pagkakataong makapaglingkod sa iba ay walang limitasyon. Ang mabubuting salita at gawa ay makapagpapagaan ng mga pasanin at makapagpapasaya ng mga puso. Ang pagbabahagi ng ebanghelyo ay isang dakilang paglilingkod na may mga walang-hanggang bunga. Ang isang tunay na susi sa kaligayahan ay paggawa para sa kaligayahan ng iba.
AnItala ang Iyong mga Impresyon
Mga Kaugnay na Paksa
Mga Banal na Kasulatan
Mga Reperensya sa Banal na Kasulatan
Resources sa Pag-aaral ng mga Banal na Kasulatan
-
Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Paglilingkod”
Mga Mensahe mula sa mga Lider ng Simbahan
Mga Karagdagang Mensahe
Mga Video
Mga Video ng Tabernacle Choir
“I’ll Go Where You Want Me to Go [Tutungo Ako Saanman]”
Resources sa Pag-aaral
Mga Magasin ng Simbahan
Gabriel Costa Silva, “Ang Paglilingkod sa Misyon na Kailangan Ko,” Liahona, Disyembre 2016
Jeffery A. Hogge, “Ang Aking mga Linggo na Puno ng Paglilingkod,” Liahona, Oktubre 2016