Pag-aaral ng Doktrina
Liwanag ni Cristo
Ang Liwanag ni Cristo ang banal na lakas, kapangyarihan, o impluwensya na nagmumula sa Diyos sa pamamagitan ni Cristo at nagbibigay ng buhay at liwanag sa lahat ng bagay. Ang Liwanag ni Cristo ay nakaiimpluwensya sa mga tao para sa kabutihan at naghahanda sa kanila na tanggapin ang Espiritu Santo. Isang manipestasyon ng Liwanag ni Cristo ang tinatawag nating budhi o konsiyensya.
Buod
Ang Liwanag ni Cristo ang banal na lakas, kapangyarihan, o impluwensya na nagmumula sa Diyos sa pamamagitan ni Cristo at nagbibigay ng buhay at liwanag sa lahat ng bagay. Ang Liwanag ni Cristo ay nakaiimpluwensya sa mga tao para sa kabutihan at naghahanda sa kanila na tanggapin ang Espiritu Santo. Isang manipestasyon ng Liwanag ni Cristo ang tinatawag nating budhi o konsiyensya.
Ang Liwanag ni Cristo ay “nanggagaling mula sa kinaroroonan ng Diyos upang punuin ang kalakhan ng kalawakan.” Ito “ang liwanag na nasa lahat ng bagay, na nagbibigay ng buhay sa lahat ng bagay, na siyang batas kung saan ang lahat ng bagay ay pinamamahalaan” (Doktrina at mga Tipan 88:12–13; tingnan din sa Doktrina at mga Tipan 88:6–11). Ang kapangyarihang ito ay impluwensya para sa kabutihan sa buhay ng lahat ng tao (tingnan sa Juan 1:9; Doktrina at mga Tipan 93:2). Sa mga banal na kasulatan, ang Liwanag ni Cristo ay tinatawag kung minsan na Espiritu ng Panginoon, Espiritu ng Diyos, Espiritu ni Cristo, o Liwanag ng Buhay.
Hindi dapat pagkamalang Espiritu Santo ang Liwanag ni Cristo. Ito ay hindi isang personahe, hindi tulad ng Espiritu Santo na isang personahe. Ang impluwensya nito ay umaakay sa mga tao na matagpuan ang tunay na ebanghelyo, mabinyagan, at matanggap ang kaloob na Espiritu Santo (tingnan sa Juan 12:46; Alma 26:14–15).
Ang budhi o konsiyensya ay manipestasyon ng Liwanag ni Cristo, kaya nagagawa nating malaman ang mabuti sa masama. Itinuro ng propetang si Mormon: “Ang Espiritu ni Cristo ay ipinagkakaloob sa bawat tao, upang malaman niya ang mabuti sa masama; samakatwid, ipakikita ko sa inyo ang paraan sa paghatol; sapagkat ang bawat bagay na nag-aanyayang gumawa ng mabuti, at humihikayat na maniwala kay Cristo, ay isinugo sa pamamagitan ng kapangyarihan at kaloob ni Cristo; kaya nga, malalaman ninyo nang may ganap na kaalaman na iyon ay sa Diyos. … At ngayon, mga kapatid ko, dahil sa inyong nalalaman ang liwanag kung paano kayo ay makahahatol, kung aling liwanag ay liwanag ni Cristo, tiyakin ninyo na hindi kayo humahatol nang mali; sapagkat sa gayon ding kahatulan kung paano kayo naghahatol, kayo ay gayon din hahatulan” (Moroni 7:16, 18).
AnItala ang Iyong mga Impresyon
Mga Kaugnay na Paksa
-
Conscience [Budhi, Konsiyensya]
Mga Banal na Kasulatan
Mga Reperensya sa Banal na Kasulatan
Resources sa Pag-aaral ng Banal na Kasulatan
-
Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Ilaw, Liwanag ni Cristo”
Mga Mensahe mula sa mga Lider ng Simbahan
Mga Video
Mga Video ng Tabernacle Choir
“Choose the Right [Piliin ang Tama]”
Resources sa Pag-aaral
Mga Magasin ng Simbahan
“Ang Banal na Misyon ni Jesucristo: Ilaw ng Sanlibutan,” Liahona, Marso 2014
“Si Jesucristo ang Ilaw, Buhay, at Pag-asa ng Sanlibutan,” Liahona, Disyembre 2008