Library
Espiritu Santo


babaeng tumatanggap ng basbas

Pag-aaral ng Doktrina

Espiritu Santo

Ang Espiritu Santo ang ikatlong miyembro ng Panguluhang Diyos. Siya ay isang personaheng espiritu, at walang katawang may laman at mga buto. Madalas Siyang taguriang Espiritu, Banal na Espiritu, Espiritu ng Diyos, Espiritu ng Panginoon, o Mang-aaliw.

Buod

Ang Espiritu Santo ang ikatlong miyembro ng Panguluhang Diyos. Siya ay isang personaheng espiritu, at walang katawang may laman at mga buto. Madalas Siyang taguriang Espiritu, Banal na Espiritu, Espiritu ng Diyos, Espiritu ng Panginoon, o Mang-aaliw.

AnItala ang Iyong mga Impresyon

Mga Tungkulin ng Espiritu Santo

Ang Espiritu Santo ay kumikilos nang may lubos na pakikiisa sa Ama sa Langit at kay Jesucristo, at ginagampanan Niya ang ilang tungkulin upang matulungan tayong mamuhay nang matwid at matanggap ang mga pagpapala ng ebanghelyo.

Siya ay “sumasaksi sa Ama at sa Anak” (2 Nephi 31:18) at naghahayag at nagtuturo ng “katotohanan ng lahat ng bagay” (Moroni 10:5). Makatatanggap lamang tayo ng tiyak na patotoo tungkol sa Ama sa Langit at kay Jesucristo sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo. Ang pakikipag-ugnayan Niya sa ating espiritu ay may hatid na higit na katiyakan kaysa sa anumang pakikipag-ugnayang matatanggap natin sa pamamagitan ng ating mga likas na pandama.

Kapag nagsisikap tayong manatili sa landas na patungo sa buhay na walang hanggan, magagabayan tayo ng Espiritu Santo sa ating mga desisyon at mapoprotektahan tayo mula sa pisikal at espirituwal na panganib.

Sa pamamagitan Niya, makatatanggap tayo ng mga kaloob ng Espiritu para sa kapakinabangan natin at ng mga taong minamahal at pinaglilingkuran natin (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 46:9–11).

Siya ang Mang-aaliw (Juan 14:26). Tulad ng magiliw na tinig ng isang mapagmahal na magulang na nakapagpapatahan sa isang umiiyak na bata, ang mga bulong ng Espiritu ay nakapagpapapanatag sa ating mga pangamba, nakapagbibigay ng kapayapaan sa gitna ng mga alalahaning lumiligalig sa ating buhay, at nakapaghahatid ng aliw sa atin kapag tayo ay nagdadalamhati. Mapupuspos tayo ng Espiritu Santo “ng pag-asa at ganap na pag-ibig” at “magtuturo [Siya] sa [atin] ng mga mapayapang bagay ng kaharian” (Moroni 8:26; Doktrina at mga Tipan 36:2).

Sa pamamagitan ng Kanyang kapangyarihan, tayo ay mapapabanal kapag tayo ay nagsisi, tumanggap ng mga ordenansa ng binyag at kumpirmasyon, at nanatiling tapat sa ating mga tipan (tingnan sa Mosias 5:1–6; 3 Nephi 27:20; Moises 6:64–68).

Siya ang Banal na Espiritu ng Pangako (tingnan sa Efeso 1:13; Doktrina at mga Tipan 132:7, 18–19, 26). Sa tungkuling ito, pinagtitibay Niya na ang mga ordenansa ng priesthood na natanggap natin at ang mga tipang ginawa natin ay katanggap-tanggap sa Diyos. Ang pagsang-ayong ito ay nakabatay sa ating patuloy na katapatan.

Ang Kaloob na Espiritu Santo

Madarama ng lahat ng taong tapat na naghahangad ng katotohanan ang impluwensya ng Espiritu Santo, na gagabay sa kanila patungo kay Jesucristo at sa Kanyang ebanghelyo. Gayunman, ang kabuuan ng mga pagpapalang ibinibigay sa pamamagitan ng Espiritu Santo ay makakamtan lamang ng mga taong tumatanggap ng kaloob na Espiritu Santo at nananatiling karapat-dapat.

Matapos mabinyagan ang isang tao sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw, ipinapatong ng isa o higit pang mayhawak ng Melchizedek Priesthood ang kanilang mga kamay sa kanyang ulunan at, sa sagradong ordenansa ng priesthood, kinukumpirma siyang miyembro ng Simbahan. Bilang bahagi ng ordenansang ito, na tinatawag na kumpirmasyon, ibinibigay sa taong iyon ang kaloob na Espiritu Santo.

Ang kaloob na Espiritu Santo ay naiiba sa impluwensya ng Espiritu Santo. Bago mabinyagan, maaaring madama ng isang tao ang impluwensya ng Espiritu Santo paminsan-minsan at sa pamamagitan ng impluwensyang iyon ay makatanggap siya ng patotoo sa katotohanan. Pagkatapos matanggap ang kaloob na Espiritu Santo, may karapatan na ang isang tao sa palagiang patnubay ng miyembrong iyon ng Panguluhang Diyos kung sinusunod niya ang mga kautusan.

Mga Kaugnay na Paksa

Mga Banal na Kasulatan

Mga Reperensya sa Banal na Kasulatan

Resources sa Pag-aaral ng Banal na Kasulatan

Mga Mensahe mula sa mga Lider ng Simbahan

Mga Karagdagang Mensahe

Mga Video

NaN:NaN

NaN:NaN

4:18

2:56

1:8

0:20

3:18

2:13

Logo ng Tabernacle Choir

Mga Video ng Tabernacle Choir

I Need Thee Every Hour [Kailangan Ko Kayo]

The Spirit of God [Espiritu ng Diyos]

Resources sa Pag-aaral

Mga Magasin ng Simbahan

Eduardo Gavarret, “Ang Tinig ng Espiritu,” Liahona, Pebrero 2017

Hollie Megan Laura Hunter, “Selestiyal na mga Sandali,” Liahona, Enero 2017

Julie Cornelius-Huang, “Huwag Kalimutang Ipagdasal si Erik,” Liahona, Enero 2017

Ang Espiritu Santo ay Umaalo, Nagbibigay-Inspirasyon, at Nagpapatotoo,” Liahona, Abril 2013

Sandra Tanner at Cristina Franco, “Ang Espiritu Santo ay Nagpapatotoo sa Katotohanan ng Lahat ng Bagay,” Liahona, Hunyo 2010

Pahinang Kukulayan,” Liahona, Agosto 2007

Margaret Lifferth, “Oras ng Pagbabahagi: Ang Kaloob na Espiritu Santo,” Liahona, Agosto 2005

Margaret D. Nadauld, “Mangaaliw, Gabay,Tagapagpatunay,” Liahona, Hulyo 2001

Sheri L. Dew, “Hindi Tayo Nag-iisa,” Liahona, Enero 1999

Mga Manwal sa Pag-aaral

Mga Turo ng mga Pangulo ng Simbahan

Mga Kuwento

Resources sa Pagtuturo

Mga Outline sa Pagtuturo

Media

Musika