Library
Pag-asa sa Sariling Kakayahan, Self-Reliance


si Jesus na niyayakap ang isang lalaki

Pag-aaral ng Doktrina

Pag-asa sa Sariling Kakayahan, Self-Reliance

Buod

Ang layunin ng pagiging self-reliant sa espirituwal at temporal ay magkaroon ng kakayahan na higit na mapaglingkuran ang Panginoon at mapangalagaan ang iba (tingnan sa Juan 15:8). Inaanyayahan tayong lahat ng Tagapagligtas na kumilos, umasa sa sarili, at maging katulad Niya. Tutulungan Niya tayo. Ipinangako Niya: “Layunin ko ito na maglaan para sa aking mga banal, sapagkat lahat ng bagay ay akin. Subalit ito ay talagang kinakailangang magawa sa aking sariling pamamaraan” (Doktrina at mga Tipan 104:15–16). Kabilang sa paraan ng Panginoon ang matutuhan at ipamuhay ang mga alituntunin ng self-reliance—“ang abilidad, tapat na pangako, at pagsisikap na tustusan ang sariling pangangailangan sa buhay at ng pamilya” (Pagtulong Ayon sa Paraan ng Panginoon: Buod ng Gabay ng Lider sa Gawaing Pangkawanggawa [2009]).

Ang tanggapin at ipamuhay ang mga sumusunod na alituntunin ng self-reliance ay tutulong sa atin na matanggap ang mga pagpapalang espirituwal at temporal na ipinangako ng Panginoon.

  1. Manampalataya kay Jesucristo. Ang Panginoon ang pinakamakapangyarihan sa lahat. Siya ay maaaring magkaloob at magkakaloob ng dakilang magiliw na awa sa mga nagtitiwala sa Kanya sa lahat ng bagay. Kapag nananampalataya tayo kay Jesucristo, makagagawa Siya ng mga himala.

  2. Maging Masunurin. Ang pagsunod sa mga batas, alituntunin, at pahiwatig ng Diyos ay nagdudulot ng mga pagpapalang espirituwal at temporal.

  3. Kumilos. Ang pagiging responsable at pagkilos ng bawat isa ay nagdudulot ng mga pagpapala.

  4. Maglingkod at magkaisa. Ang Sion ay naitayo dahil sa paglilingkod at pagkakaisa—ito ang paraan ng Panginoon. Sinabi ni Elder Robert D. Hales ng Korum ng Labindalawang Apostol, “Sa pag-asa sa sarili lang natin tunay na matutularan ang Tagapagligtas sa paglilingkod at pagpapala sa iba” (“Isang Pananaw ng Ebanghelyo sa Pagkakawanggawa: Pagkilos ayon sa Pananampalataya,” sa Mga Pangunahing Tuntunin sa Pagkakawanggawa at Pag-asa sa Sarili [buklet, 2009], 2).

AnItala ang Iyong mga Impresyon

Mga Pangako ng Propeta

Sinabi ng Unang Panguluhan: “Inaanyayahan namin kayo na pag-aralang mabuti at isabuhay ang mga alituntuning ito at ituro ang mga ito sa mga miyembro ng inyong pamilya. Kapag ginagawa ninyo ito, mabibiyayaan ang inyong buhay. Matututo kayo kung paano kumilos sa inyong pagsulong patungo sa lalo pang pagiging self-reliant. Mabibiyayaan kayo ng mas malaking pag-asa, kapayapaan, at pag-unlad.

“Kayo ay tunay na anak ng ating Ama sa Langit. Mahal Niya kayo at hindi kayo pababayaan. Kilala Niya kayo at handa Siyang ipagkaloob sa inyo ang mga espirituwal at temporal na biyaya ng self-reliance” (Liham ng Unang Panguluhan, sa My Foundation: Principles, Skills, Habits [2014], 2).

Mga Kaugnay na Paksa

  • Utang

  • Edukasyon

  • Trabaho

  • Pananalapi ng Pamilya

  • Pag-iimbak ng Pagkain

  • Paghahalaman

  • Kalusugan

Mga Banal na Kasulatan

Mga Reperensya sa Banal na Kasulatan

Resources sa Pag-aaral ng mga Banal na Kasulatan

Mga Mensahe mula sa mga Lider ng Simbahan

Mga Karagdagang Mensahe

Mga Video

Resources sa Pag-aaral

Pangkalahatang Resources

My Foundation: Principles, Skills, Habits (Ang Aking Saligan: Mga Alituntunin, Kasanayan, at Gawi)

Ang Aking Daan Patungong Self-Reliance

Mga Pangunahing Tuntunin sa Pagkakawanggawa at Pag-asa sa Saril

Kabuhayan ng Pamilya,” Ihanda ang Bawat Kinakailangang Bagay

Pag-iimbak ng Pagkain ng Pamilya sa Tahanan,” Ihanda ang Bawat Kinakailangang Bagay

Buod ng Gabay ng Lider sa Gawaing Pangkawanggawa,” Pagtulong Ayon sa Paraan ng Panginoon

Mga Magasin ng Simbahan

Pagtatrabaho at Pag-asa sa Sarili,” Liahona, Hulyo 2014

Pag-asa sa Sarili,” Liahona, Setyembre 2013

Larry Hiller at Kathryn H. Olson, “Pamumuhay ng mga Alituntunin ng Pag-asa sa Sarili,” Liahona, Marso 2013

Patatagin ang mga Pamilya sa pamamagitan ng Pagtuturo sa Kanila na Matustusan ang Temporal Nilang Pangangailangan,” Liahona, Hunyo 2011

Maunawaan ang Kahalagahan ng Pagtustos sa Sariling Pangangailangan,” Liahona, June 2011

Allie Schulte, “Pagtatanim ng mga Binhi ng Pag-asa sa Sariling Kakayahan sa Maliliit na Lugar,” Liahona, Marso 2011

Umaasa sa Sariling Kakayahan,” Liahona, Enero 2010

Mga Manwal sa Pag-aaral

Mga Turo ng mga Pangulo ng Simbahan

Mga Kuwento