Library
Pamilya


family home evening

Pag-aaral ng Doktrina

Pamilya

Buod

Bilang mga espiritung anak na lalaki at anak na babae ng mga Magulang sa Langit, lahat tayo ay miyembro ng pamilya ng Diyos. Ang ating pamilya sa langit ang huwaran para sa ating pamilya sa lupa.

Itinalaga ng Panginoon ang pamilya bilang pangunahing yunit ng Simbahan at ng lipunan. Tulad ng ginamit sa mga banal na kasulatan, ang pamilya ay binubuo ng mag-asawa, mga anak, at kung minsan ay iba pang mga kamag-anak na nakatira sa iisang bahay o sa ilalim ng isang namumuno sa pamilya. Ang pamilya ay maaari ding isang tao na nag-iisa sa buhay, solong magulang na may mga anak, o mag-asawa na walang mga anak.

Itinuro ni Pangulong Boyd K. Packer, “Ang pinakalayunin ng bawat pagtuturo, bawat aktibidad sa Simbahan ay tiyaking ang mga magulang at kanilang mga anak ay masaya sa tahanan, ibinuklod sa walang hanggang kasal, at nakaugnay sa kanilang mga henerasyon” (“The Father and the Family,” Liahona Mayo 1994). Ang mga ugnayan ng pamilya ay hindi natatapos sa kamatayan kapag tayo ay naibuklod sa pamamagitan ng priesthood ng Diyos sa banal na templo at nanatiling tapat.

Ang unang lalaki at babae—sina Adan at Eva—ay isang pamilya. Nang itaboy sila sa Halamanan ng Eden, kumain si Adan ng kanyang tinapay sa pamamagitan ng pawis ng kanyang kilay, at si Eva, na kanyang asawa, ay nagpagal na kasama niya (tingnan sa Moises 5:1). Lahat ng mga naunang naitalang pangyayari sa buhay nina Adan at Eva ay nagpapakita na magkatuwang sila sa lahat ng bagay (tingnan sa Moises 5:1, 12). Gayundin, ang mga ama at mga ina ngayon ay may pantay na pananagutan sa pamilya. “Ang unang kautusan na ibinigay ng Diyos kina Adan at Eva ay tungkol sa kanilang posibilidad bilang mag-asawa na maging mga magulang” (“Ang Mag-anak: Isang Pagpapahayag sa Mundo”). Ang utos na iyan ay nananatiling may bisa ngayon.

Binuo tayo ng Diyos sa mga pamilya upang makaranas tayo ng kaligayahan at matutong maging matiyaga at di-makasarili. Ang mga katangiang ito ay makatutulong sa atin na maging higit na katulad ng Diyos at maghahanda sa atin na mabuhay nang maligaya bilang mga pamilya sa buong kawalang-hanggan.

Kung isasalig natin ang ating mga pamilya sa mga alituntunin ng ebanghelyo kabilang ang pananampalataya, panalangin, pagsisisi, pagpapatawad, paggalang, pagmamahalan, awa, gawa, at mga kapaki-pakinabang na gawaing panlibangan, ang tahanan ay maaaring maging isang lugar ng kanlungan, kapayapaan at malaking kagalakan.

Ipinayo ni Pangulong Dieter F. Uchtdorf sa mga pamilya: “Anumang mga problema ang kinakaharap ng inyong pamilya, anuman ang kailangan ninyong gawin para malutas ito, ang simula at wakas ng solusyon ay pag-ibig sa kapwa-tao, ang dalisay na pag-ibig ni Cristo. Kung wala ang pag-ibig na ito, kahit na ang tila mga perpektong pamilya ay mahihirapan. Kung mayroon nito, kahit ang mga pamilyang may malalaking hamon ay magtatagumpay” (“Bilang Papuri sa mga Taong Nagliligtas,” Liahona, Mayo 2016).

Para mabasa pa kung ano ang itinuturo ng Simbahan tungkol sa pamilya, basahin ang “Ang Mag-anak: Isang Pagpapahayag sa Mundo.”

AnItala ang Iyong mga Impresyon

Mga Kaugnay na Paksa

Mga Banal na Kasulatan

Mga Reperensya sa Banal na Kasulatan

Resources sa Pag-aaral ng mga Banal na Kasulatan

Mga Mensahe mula sa mga Lider ng Simbahan

Mga Karagdagang Mensahe

Mga Video

Logo ng Tabernacle Choir

Mga Video ng Tabernacle Choir

“Love One Another” [Mahalin ang Bawat Isa]

Resources sa Pag-aaral

Mga Magasin ng Simbahan

“Pinagpala ng Aking Matapat na Kapatid,” Liahona, Marso 2017

“Gusto Kong Makapiling Kayo Magpakailanman!” Liahona, Enero 2017

“Ang Mag-anak ay Inorden ng Diyos,” Liahona, Oktubre 2016

“Pagpapala sa Ating mga Anak sa Pamamagitan ng Pagpapatibay ng Ating Pagsasama Bilang Mag-asawa,” Liahona, Setyembre 2015

“Ang Pagpapahayag tungkol sa Mag-anak: Paglilinaw sa mga Kalituhang Hatid ng Iba’t ibang Pananaw sa Kultura,” Liahona, Agosto 2015

“Bakit Kasal sa Templo?” Liahona, Agosto 2013

Mga Manwal sa Pag-aaral

Mga Turo ng mga Pangulo ng Simbahan

Mga Kuwento

Resources sa Pagtuturo

Mga Outline sa Pagtuturo

Media

Musika

Mga Larawan