Pag-aaral ng Doktrina
Ikalawang Pagparito ni Jesucristo
Nang umakyat si Jesucristo sa langit matapos ang Kanyang mortal na ministeryo, ipinahayag ng dalawang anghel sa Kanyang mga Apostol, “Itong si Jesus, na dinala sa langit mula sa inyo ay darating na gaya rin ng inyong nakitang pagpunta niya sa langit” (Mga Gawa 1:11). Simula noon, inasam na ng mga mananampalataya ang Ikalawang Pagparito ni Jesucristo.
Buod
Nang umakyat si Jesucristo sa langit matapos ang Kanyang mortal na ministeryo, ipinahayag ng dalawang anghel sa Kanyang mga Apostol, “Itong si Jesus, na dinala sa langit mula sa inyo ay darating na gaya rin ng inyong nakitang pagpunta niya sa langit” (Mga Gawa 1:11). Simula noon, inasam na ng mga mananampalataya ang Ikalawang Pagparito ni Jesucristo.
Sa muling pagparito ng Tagapagligtas, Siya ay darating nang may kapangyarihan at kaluwalhatian upang angkinin ang mundo bilang Kanyang kaharian. Ang Kanyang Ikalawang Pagparito ang magiging tanda ng pagsisimula ng Milenyo.
Ang Ikalawang Pagparito ay magiging isang nakakatakot at nakakalungkot na panahon para sa masasama, ngunit ito ay magiging araw ng kapayapaan para sa mabubuti. Ipinahayag ng Panginoon:
“Sila na matatalino at nakatamo ng katotohanan, at tinanggap ang Banal na Espiritu bilang kanilang patnubay, at hindi mga nalinlang—katotohanang sinasabi ko sa inyo, sila ay hindi puputulin at itatapon sa apoy, kundi mananatili sa araw na yaon.
“At ang lupa ay ibibigay sa kanila upang maging mana; at sila ay darami at magiging malakas, at ang kanilang mga anak ay magsisilaking walang kasalanan tungo sa kaligtasan.
“Sapagkat ang Panginoon ay nasa gitna nila, at ang kanyang kaluwalhatian ay mapapasakanila, at siya ay kanilang magiging hari at kanilang tagapagbigay ng batas” (Doktrina at mga Tipan 45:57–59).
Hindi pa inihayag ng Panginoon ang eksaktong oras at araw kung kailan Siya paparitong muli: “Ang oras at ang araw ay walang taong nakaaalam, ni ang mga anghel sa langit, ni hindi nila malalaman hanggang sa siya ay pumarito” (Doktrina at mga Tipan 49:7). Ngunit inihayag na Niya sa Kanyang mga propeta ang mga kaganapan at tanda na mangyayari bago ang Kanyang Ikalawang Pagparito. Kabilang sa mga ipinropesiyang kaganapan at tanda ang:
Apostasiya mula sa katotohanan ng ebanghelyo (tingnan sa Mateo 24:9–12; 2 Tesalonica 2:1–3).
Pagpapanumbalik ng ebanghelyo, kabilang na ang pagpapanumbalik ng Simbahan ni Jesucristo (tingnan sa Mga Gawa 3:19–21; Apocalipsis 14:6–7; Doktrina at mga Tipan 45:28; 133:36).
Pagpapanumbalik ng mga susi ng priesthood (tingnan sa Malakias 4:5–6; Doktrina at mga Tipan 110:11–16).
Paglabas ng Aklat ni Mormon (tingnan sa Isaias 29:4–18; 3 Nephi 21:1–11).
Pangangaral ng ebanghelyo sa buong daigdig (tingnan sa Mateo 24:14).
Panahon ng kasamaan, digmaan, at kaguluhan (tingnan sa Mateo 24:6–7; 2 Timoteo 3:1–7; Doktrina at mga Tipan 29:17; 45:26–33; 88:91).
Mga tanda sa langit at sa lupa (tingnan sa Joel 2:30–31; Mateo 24:29–30; Doktrina at mga Tipan 29:14–16; 45:39–42; 49:23; 88:87–90).
Hindi kailangang katakutan ng mabubuti ang Ikalawang Pagparito o ang mga tanda na nauuna rito. Ang mga salita ng Tagapagligtas sa Kanyang mga Apostol ay angkop sa lahat ng naghahanda para sa Kanyang pagparito at sa mga umaasam dito nang may kagalakan: “Huwag kayong mabagabag, sapagkat, sa panahong ang mga bagay na ito ay mangyari, malalaman ninyo na ang mga pangakong ginawa sa inyo ay matutupad” (Doktrina at mga Tipan 45:35).
AnItala ang Iyong mga Impresyon
Mga Kaugnay na Paksa
-
Signs [Mga Palatandaan, Mga Tanda]
Mga Banal na Kasulatan
Mga Reperensya sa Banal na Kasulatan
Resources sa Pag-aaral ng mga Banal na Kasulatan
-
Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Ikalawang Pagparito ni Jesucristo”
Mga Mensahe mula sa mga Lider ng Simbahan
Mga Karagdagang Mensahe
Resources sa Pag-aaral
Mga Magasin ng Simbahan
Erin Sanderson, “Si Jesucristo ay Paparitong Muli!” Liahona, Disyembre 2015
“Ang Talinghaga ng Sampung Dalaga,” Liahona, Marso 2009
“Ang Ikalawang Pagparito,” Liahona, Disyembre 2002
Diane Nichols, “Oras ng Pagbabahagi: Napakaligayang Araw!” Liahona, Disyembre 2001
Mga Manwal sa Pag-aaral
Mga Turo ng mga Pangulo ng Simbahan
Resources sa Pagtuturo
Mga Outline sa Pagtuturo
Mga Kuwento at Aktibidad para sa Pagtuturo sa mga Bata
“Ang Ikalawang Pagparito ni Jesucristo,” Mga Kuwento sa Doktrina at mga Tipan, kabanata 19
Media