Pag-aaral ng Doktrina
Pagpapatato at Pagpapabutas ng Katawan
Buod
Ang ating mga katawan ay isang kaloob mula sa Diyos, pagpapalang natanggap natin dahil tayo ay matwid sa premortal na buhay (tingnan sa Abraham 3:26). Inihahambing ng mga banal na kasulatan ang katawan sa isang templo ng Diyos (tingnan sa I Mga Taga Corinto 6:19–20), at dapat nating igalang ang ating katawan tulad ng paggalang natin sa templo. Sinabi ni Pangulong Russell M. Nelson:
“Namamangha ako sa himala ng katawan ng tao. Ito ay isang kagila-gilalas na likha, mahalaga sa ating unti-unting pagsulong patungo sa ating pinakamataas at banal na potensiyal. Hindi tayo uunlad kung wala ito. Sa pagbibigay sa atin ng katawan, tinutulutan tayo ng Diyos na umunlad patungo sa pagiging higit na katulad Niya. …
“Ang inyong katawan ay ang personal na templo ninyo, na nilikha para panahanan ng inyong walang hanggang espiritu. Mahalaga ang inyong pagmamalasakit sa templong iyon” (“Maaari Tayong Gumawa nang Mas Mahusay at Maging Mas Mahusay,” Liahona, Mayo 2019, 68).
Sa pagtuturo tungkol sa kung paano pangalagaan ang ating mga katawan, nagbabala ang mga propeta laban sa pagpapatato o pagpapabutas ng katawan (tingnan sa Levitico 19:28; Gordon B. Hinckley, “Great Shall Be the Peace of Thy Children,” Ensign, Nob. 2000, 52).
Bilang mga miyembro ng Simbahan ng Tagapagligtas, sinisikap nating pangalagaan ang ating katawan bilang “katawan ng ating espiritu” (D. Todd Christofferson, “Larawan ng Isang Buhay na Inilaan,” Liahona, Nob. 2010, 17). Para sa karagdagang impormasyon, tingnan sa Para sa Lakas ng mga Kabataan.
AnItala ang Iyong mga Impresyon
Mga Kaugnay na Paksa
Mga Banal na Kasulatan
Mga Reperensya sa Banal na Kasulatan
Mga Propeta at mga Lider ng Simbahan
Mga Mensahe ng Lider
Resources sa Pag-aaral
Pangkalahatang Resources
“Pananamit at Kaanyuan,” Para sa Lakas ng mga Kabataan