Pag-aaral ng Doktrina
Pagpipitagan
Buod
Ang pagpipitagan ay matinding paggalang at pagmamahal. Kabilang sa mapitagang pag-uugali sa Diyos ang paggalang sa Kanya, pagpapasalamat sa Kanya, at pagsunod sa Kanyang mga kautusan.
Kapag ang mga tao ay nagpapakita ng pagpipitagan sa Diyos, nagpapakita rin sila ng pagpipitagan at pasasalamat para sa Kanyang mga pagpapala, Kanyang mga kautusan, Kanyang mga propeta, Kanyang Simbahan, Kanyang mga ordenansa, Kanyang priesthood, at Kanyang plano para sa Kanyang mga anak. Kabilang sa mapitagang pag-uugali ang paggalang sa sarili at kadalisayan ng sarili. Humahantong ito sa wastong pagsamba at tamang pagkilos.
Kasama sa mapitagang pag-uugali ang pananalangin, pag-aaral ng banal na kasulatan, pag-aayuno, at pagbabayad ng mga ikapu at handog. Kabilang dito ang pagkakaroon ng mabubuting kaisipan, pagsusuot ng disenteng damit, at paggamit ng malinis at makabuluhang pananalita. Ang tindi ng pagpipitagan ng isang tao ay nakikita sa kanyang pagpili ng musika at iba pang libangan, paraan ng pagsasalita ukol sa mga sagradong paksa, at paraan ng pananamit at pagkilos kapag dumadalo sa mga miting ng simbahan at sumasamba sa templo. Kabilang din sa pagpipitagan ang paggawa ng mabubuting pagpili kahit walang nakatingin. Ang pagpipitagan sa Panginoon ay humahantong sa paglilingkod sa ibang tao at pakikitungo sa kanila nang may kabaitan at paggalang.
Ang pagpipitagan ay humahantong sa payapang pagbabago sa buhay. Mas saganang ibubuhos ng Panginoon ang Kanyang Espiritu sa mga yaong mapitagan. Sila ay hindi gaanong nababalisa at nalilito. Nakatatanggap sila ng paghahayag upang matulungan sila na malutas ang mga problemang pansarili at pampamilya.
Kung inilalapit ng pagpipitagan ang isang indibiduwal sa Diyos, inilalapit naman siya ng kawalang-pitagan sa mga layunin ng kaaway. Tutuksuhin ni Satanas ang mga tao na sundin ang kalakaran ng mundo sa higit na pag-iingay, panandaliang katuwaan, at pagtatalo at sa kawalan ng pagpigil sa sarili at tahimik na dignidad.
AnItala ang Iyong mga Impresyon
Mga Kaugnay na Paksa
Mga Banal na Kasulatan
Mga Reperensya sa Banal na Kasulatan
Resources sa Pag-aaral ng mga Banal na Kasulatan
-
Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Paggalang”
Mga Mensahe mula sa mga Lider ng Simbahan
Mga Karagdagang Mensahe
Mga Video
Mga Video ng Tabernacle Choir
Resources sa Pag-aaral
Mga Magasin ng Simbahan
Jan Pinborough, “Kagandahang-asal sa Primary,” Liahona, Disyembre 2009