Library
Pagsamba


mga tao sa simbahan

Pag-aaral ng Doktrina

Pagsamba

Buod

Ang pagsamba sa Diyos ay pagbibigay sa Kanya ng ating pagmamahal, pagpipitagan, paglilingkod, at katapatan. Iniutos ng Panginoon kay Moises, “Sambahin ang Diyos, sapagkat siya lamang ang iyong paglilingkuran” (Moises 1:15). Iniutos din Niya, “Ibigin ninyo ang Panginoon ninyong Diyos nang buo ninyong puso, nang buo ninyong kapangyarihan, pag-iisip, at lakas; at sa pangalan ni Jesucristo paglingkuran ninyo siya” (Doktrina at mga Tipan 59:5). Ang pagsamba ay hindi lamang nagpapakita ng ating pagmamahal sa Diyos at katapatan sa Kanya, nagbibigay ito sa atin ng lakas na sundin ang Kanyang mga kautusan. Sa pamamagitan ng pagsamba, nag-iibayo ang ating kaalaman at katapatan. Kung uunahin natin ang sinumang tao o bagay kaysa sa pagmamahal sa Diyos, sinasamba natin ang bagay o taong iyon. Ito ay tinatawag na pagsamba sa diyus-diyosan (tingnan sa Exodo 20:3–6).

Ang panalangin ay isang paraan para sambahin ang Ama sa Langit. Itinuro ni Alma sa kanyang anak na si Helaman, “Magsumamo sa Diyos para sa lahat ng iyong pangangailangan; oo, hayaang ang lahat ng iyong gawain ay para sa Panginoon, at saan ka man magtungo ay hayaang sa Panginoon; oo, lahat ng iyong nasasaisip ay ituon sa Panginoon; oo, ang pagmamahal sa iyong puso ay mapasa-Panginoon magpakailanman” (Alma 37:36).

Ang isa pang paraan sa pagsamba sa Ama sa Langit ay sa pakikiisa sa iba pa na sumasamba sa Kanya. Inihayag sa Aklat ni Mormon, “Ang mga anak ng Diyos ay inutusan na dapat nilang sama-samang tipunin ang kanilang sarili nang madalas, at magkaisa sa pag-aayuno at mataimtim na panalangin alang-alang sa kapakanan ng mga yaong kaluluwa na hindi nakakikilala sa Diyos” (Alma 6:6) Sa paghahayag kalaunan, iniutos ng Panginoon: “Upang lalo pa ninyong mapag-ingatan ang inyong sariling walang bahid-dungis mula sa sanlibutan, kayo ay magtungo sa palanginan at ihandog ang inyong sakramento sa aking banal na araw; sapagkat katotohanang ito ay araw na itinakda sa inyo upang magpahinga mula sa inyong mga gawain, at iukol ang inyong mga pananalangin sa Kataas-taasan” (Doktrina at mga Tipan 59:9–10).

Ang pakikibahagi sa mga ordenansa ng priesthood ay bahagi rin ng pagsamba. Kapag mapitagan tayong tumatanggap ng sacrament at dumadalo sa templo, inaalala at sinasamba natin ang ating Ama sa Langit at nagpapasalamat tayo sa Kanyang Anak na si Jesucristo.

Bukod pa sa mga gawaing nagpapakita ng pagsamba, dapat ugaliin nating maging masambahin saanman tayo magpunta at sa lahat ng ginagawa natin. Itinuro ni Alma ang alituntuning ito sa isang grupo ng mga tao na hindi pinapasok sa kanilang lugar ng pagsamba. Tinulungan niya sila na makita na ang tunay na pagsamba ay hindi limitado sa isang araw ng linggo (tingnan sa Alma 32:11). Sa pagsasalita sa grupo ring iyon ng mga tao, hinikayat sila ng kasama ni Alma na si Amulek na “sambahin ang Diyos, saan mang lugar kayo naroroon, sa espiritu at sa katotohanan” (Alma 34:38).

AnItala ang Iyong mga Impresyon

Mga Kaugnay na Paksa

Mga Banal na Kasulatan

Mga Reperensya sa Banal na Kasulatan

Resources sa Pag-aaral ng mga Banal na Kasulatan

  • Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Pagsamba

Mga Mensahe mula sa mga Lider ng Simbahan

Mga Karagdagang Mensahe

Mga Video

Logo ng Tabernacle Choir

Mga Video ng Tabernacle Choir

Abide with Me! [Manatili sa Piling Ko]

Did You Think to Pray? [Naisip Bang Manalangin?]

On This Day of Joy and Gladness

Sweet Hour of Prayer [Sintang Oras ng Dalangin]

Resources sa Pag-aaral

Mga Magasin ng Simbahan

Mga Manwal sa Pag-aaral

In the News

Mga Turo ng mga Pangulo ng Simbahan

Mga Kuwento

Media

Musika