Pag-aaral ng Doktrina
Digmaan sa Langit
Buod
Dahil pinili ng ating Ama sa Langit si Jesucristo na maging Tagapagligtas natin, si Satanas ay nagalit at naghimagsik. Nagkaroon ng digmaan sa langit. Nakipaglaban si Satanas at ang mga kampon nito kay Jesucristo at Kanyang mga tagasunod. Ang mga tagasunod ng Tagapagligtas ay “dinaig [si Satanas] dahil sa dugo ng Kordero, at dahil sa salita ng kanilang patotoo” (Apocalipsis 12:11).
Sa matinding paghihimagsik na ito, si Satanas at lahat ng espiritung sumunod sa kanya ay pinaalis mula sa kinaroroonan ng Diyos at itinapon mula sa langit. Ang ikatlong bahagi ng hukbo ng langit ay pinarusahan dahil sa pagsunod kay Satanas (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 29:36). Pinagkaitan sila ng karapatang tumanggap ng mga katawang mortal.
Dahil narito tayo sa lupa at may mga katawang mortal, alam natin na pinili nating sundin si Jesucristo at ang ating Ama sa Langit. Narito rin sa lupa si Satanas at ang kanyang mga kampon, ngunit bilang mga espiritu. Hindi nila nalilimutan kung sino tayo, at nasa paligid natin sila araw-araw, tinutukso at inaakit tayong gumawa ng mga bagay na hindi kasiya-siya sa ating Ama sa Langit. Sa buhay bago tayo isinilang, pinili nating sundin si Jesucristo at tanggapin ang plano ng Diyos. Kailangang patuloy nating sundin si Jesucristo dito sa lupa. Sa pagsunod lamang sa Kanya tayo makababalik sa ating tahanan sa langit.
AnItala ang Iyong mga Impresyon
Mga Kaugnay na Paksa
-
Satanas
-
Mga Espiritung Anak ng mga Magulang sa Langit
Mga Banal na Kasulatan
Mga Reperensya sa Banal na Kasulatan
Resources sa Pag-aaral ng mga Banal na Kasulatan
Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Digmaan sa Langit”
Mga Mensahe mula sa mga Lider ng Simbahan
Mga Karagdagang Mensahe
Mga Video
Resources sa Pag-aaral
Mga Magasin ng Simbahan
David A. Edwards, “Joseph Smith at ang Aklat ng Apocalipsis,” Liahona, Disyembre 2015
Mark A. Mathews, “Paghihimagsik ni Satanas,” Liahona, Marso 2015
Norman W. Gardner, “Ang Alam Natin tungkol sa Buhay Bago Tayo Isinilang,” Liahona, Pebrero 2015
Linda Magleby, “Oras ng Pagbabahagi: Makakapagsisi Ako at Liligaya,” Liahona, Abril 2006
“Ang Kabuuan ng Ebanghelyo: Buhay Bago Tayo Isinilang,” Liahona Pebrero 2006
Vicki F. Matsumori, “Oras Ng Pagbabahagi: Alam ko ang Plano ng Diyos,” Liahona, Hunyo 2003