Library
Kapatawaran, Pagpapatawad


babae na yakap ang isang lalaki

Pag-aaral ng Doktrina

Kapatawaran, Pagpapatawad

Ang magpatawad ay isang banal na katangian. Ito ay ang patawarin o paumanhinan ang isang tao sa kasalanan o pagkakamaling nagawa nito. Tinutukoy ng mga banal na kasulatan ang pagpapatawad sa dalawang paraan. Iniuutos ng Panginoon sa atin na pagsisihan ang ating mga kasalanan at hingin ang Kanyang kapatawaran. Iniuutos din Niya sa atin na patawarin ang mga taong nananakit o nakakasakit sa atin.

Buod

Ang magpatawad ay isang banal na katangian. Ito ay ang patawarin o paumanhinan ang isang tao sa kasalanan o pagkakamaling nagawa nito. Tinutukoy ng mga banal na kasulatan ang pagpapatawad sa dalawang paraan. Iniuutos ng Panginoon sa atin na pagsisihan ang ating mga kasalanan at hingin ang Kanyang kapatawaran. Iniuutos din Niya sa atin na patawarin ang mga taong nananakit o nakakasakit sa atin.

AnItala ang Iyong mga Impresyon

Paghingi ng Kapatawaran mula sa Panginoon

Ang kasalanan ay isang mabigat na pasanin. Ito ay nagdudulot ng ligalig dahil sa pagkakasala at pagdadalamhati dahil alam nating sumuway tayo sa kalooban ng ating Ama sa Langit. Ito ay nagdudulot ng matagal na pighati habang natatanto natin na dahil sa ating mga ginawa, maaaring nasaktan natin ang iba at nahadlangan ang ating sarili sa pagtanggap ng mga pagpapala na handang ibigay sa atin ng ating Ama.

Dahil sa Pagbabayad-sala ni Jesucristo, makatatanggap tayo ng kapatawaran sa ating mga kasalanan sa pamamagitan ng tapat at lubos na pagsisisi. Ang pagiging makasalanan ay nagdudulot ng pagdurusa at pighati, ngunit ang pagpapatawad ng Panginoon ay nagdudulot ng kapanatagan, aliw, at kagalakan. Ipinangako ng Panginoon:

“Masdan, siya na nagsisi ng kanyang mga kasalanan, ay siya ring patatawarin, at ako, ang Panginoon, ay hindi na naaalaala ang mga ito” (Doktrina at mga Tipan 58:42).

“Bagaman ang inyong mga kasalanan ay tulad ng matingkad na pula, ang mga ito’y magiging mapuputi na parang niyebe; bagaman ito’y mapulang-mapula, ang mga ito’y magiging parang balahibo ng tupa.” Isaias 1:18).

Maaari nating maranasan ang himalang ito, maging ito man ay pagsisisi sa ating mabibigat na kasalanan o kahinaan sa araw-araw. Tulad ng pag-anyaya ng Tagapagligtas sa mga tao noong unang panahon, inaanyayahan din Niya tayo ngayon:

“Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na nanlulupaypay at lubhang nabibigatan at kayo’y bibigyan ko ng kapahingahan.

“Pasanin ninyo ang aking pamatok, at matuto kayo sa akin; sapagkat ako’y maamo at may mapagpakumbabang puso at makakatagpo kayo ng kapahingahan para sa inyong mga kaluluwa.

“Sapagkat madaling dalhin ang aking pamatok at magaan ang aking pasan” (Mateo 11:28–30).

“Hindi pa ba kayo ngayon magbabalik sa akin, at magsisisi sa inyong mga kasalanan, at magbalik-loob, upang mapagaling ko kayo?

“Oo, katotohanang sinasabi ko sa inyo, kung lalapit kayo sa akin ay magkakaroon kayo ng buhay na walang hanggan. Masdan, ang aking bisig ng awa ay nakaunat sa inyo, at kung sinuman ang lalapit, siya ay tatanggapin ko; at pinagpala ang mga yaong lumalapit sa akin” (3 Nephi 9:13–14).

Pagpapatawad sa Iba

Bukod sa paghingi ng tawad para sa ating mga kasalanan, dapat handa rin tayong patawarin ang iba. Sinabi ng Panginoon: “Nararapat ninyong patawarin ang isa’t isa; sapagkat siya na hindi nagpapatawad sa kanyang kapatid ng kanyang mga pagkakasala ay nahatulan na sa harapan ng Panginoon; sapagkat mananatili sa kanya ang mas malaking kasalanan. Ako, ang Panginoon, ay magpapatawad sa yaong aking patatawarin, subalit kayo ay kinakailangang magpatawad sa lahat ng tao” (Doktrina at mga Tipan 64:9–10).

Sa mga sitwasyon sa buhay sa araw-araw, tiyak na magagawan tayo ng masama ng ibang tao—kung minsan nang hindi nila nalalaman at kung minsan naman ay sinasadya. Madaling maghinanakit o magalit o gumanti sa gayong mga sitwasyon, ngunit hindi ito ang paraan ng Panginoon. Itinuro ng Tagapagligtas: “Ibigin ninyo ang inyong mga kaaway, [pagpalain sila na sumusumpa sa inyo, gumawa ng mabuti sa kanila na napopoot sa inyo,] at idalangin ninyo ang umuusig sa inyo” (Mateo 5:44). Ipinakita Niya ang perpektong halimbawa ng pagpapatawad noong Siya ay nakapako sa krus. Tinutukoy ang mga kawal na Romano na nagpako sa Kanya, Siya ay nanalangin, “Ama, patawarin mo sila, sapagkat hindi nila nalalaman ang kanilang ginagawa” (Lucas 23:34).

Dapat nating ipagdasal na magkaroon tayo ng lakas na magpatawad sa mga nagkasala sa atin, at dapat nating iwaksi ang galit, hinanakit, o paghihiganti. Dapat din nating tingnan ang mabuti sa iba sa halip na magtuon sa kanilang mga pagkakamali at ipagdiinan ang kanilang mga kahinaan. Ang Diyos ang magiging hukom ng nakapipinsalang ginawa ng isang tao.

Mga Kaugnay na Paksa

Mga Banal na Kasulatan

Mga Reperensya sa Banal na Kasulatan

Resources sa Pag-aaral ng mga Banal na Kasulatan

  • Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Magpatawad

Mga Mensahe mula sa mga lider ng Simbahan

Mga Karagdagang Mensahe

Mga Video

Logo ng Tabernacle Choir

Mga Video ng Tabernacle Choir

Come unto Jesus [Magsipaglapit kay Jesucristo]

Lord, I Would Follow Thee [Panginoon Kayo’y Laging Susundin]

Love One Another [Mahalin ang Bawat Isa]

Resources sa Pag-aaral

Mga Magasin ng Simbahan

Bonnie Brown, “Paghahanap ng Paraan na Magpatawad,” Liahona, Hulyo 2015

David Dickson, “Patawarin ang Sarili,” Liahona, Hulyo 2013

Mga Manwal sa Pag-aaral

Mga Turo ng mga Pangulo ng Simbahan

Mga Kuwento

Resources sa Pagtuturo

Mga Outline sa Pagtuturo

Media

Musika

Mga Larawan