Library
Pagbabayad-sala ni Jesucristo


Si Cristo sa Getsemani

Pag-aaral ng Doktrina

Pagbabayad-sala ni Jesucristo

Tulad ng inilarawan sa mga banal na kasulatan, ang magbayad-sala ay ang pagdusahan ang kaparusahan para sa kasalanan, sa gayon ay tinatanggal ang mga epekto ng kasalanan mula sa nagsisising makasalanan at nagtutulot sa kanya na makipagkasundo muli sa Diyos. Si Jesucristo ang tanging makapagsasagawa ng Pagbabayad-sala para sa buong sangkatauhan. Dahil sa Kanyang Pagbabayad-sala, lahat ng tao ay mabubuhay na mag-uli, at ang mga sumunod sa Kanyang ebanghelyo ay tatanggap ng kaloob na buhay na walang hanggan sa piling ng Diyos.

Buod

AnItala ang Iyong mga Impresyon

Ano ang Pagbabayad-sala?

Tulad ng inilarawan sa mga banal na kasulatan, ang magbayad-sala ay ang pagdusahan ang kaparusahan para sa kasalanan, sa gayon ay tinatanggal ang mga epekto ng kasalanan mula sa nagsisising makasalanan at nagtutulot sa kanya na makipagkasundo muli sa Diyos. Si Jesucristo ang tanging makapagsasagawa ng Pagbabayad-sala para sa buong sangkatauhan. Dahil sa Kanyang Pagbabayad-sala, lahat ng tao ay mabubuhay na mag-uli, at ang mga sumunod sa Kanyang ebanghelyo ay tatanggap ng kaloob na buhay na walang hanggan sa piling ng Diyos.

Bilang mga inapo nina Adan at Eva, mamanahin ng lahat ng tao ang mga epekto ng Pagkahulog. Sa ating nahulog na kalagayan, makararanas tayo ng oposisyon at tukso. Kapag nagpatangay tayo sa tukso, nalalayo tayo sa Diyos, at kung magpapatuloy tayo sa pagkakasala, daranas tayo ng espirituwal na kamatayan, na pagkawalay sa Kanyang presensya. Lahat tayo ay daranas ng temporal na kamatayan, na kamatayan ng pisikal na katawan (tingnan sa Alma 42:6–9; Doktrina at mga Tipan 29:41–42).

Ang tanging paraan para maligtas tayo ay ang sagipin tayo ng isang tao. Kailangan natin ng isang taong makatutugon sa mga hinihingi ng katarungan—na tatayo sa ating katayuan upang akuin ang pasakit na dulot ng Pagkahulog at magbayad-sala para sa ating mga kasalanan. Si Jesucristo lamang ang tanging may kakayahang gumawa ng gayong sakripisyo noon pa man.

Bago pa man ang Paglikha ng mundo, ang Tagapagligtas na ang tanging pag-asa natin para sa “kapayapaan sa daigdig na ito, at buhay na walang hanggan sa daigdig na darating” (Doktrina at mga Tipan 59:23).

Siya lamang ang may kapangyarihang ibigay ang Kanyang buhay at kunin itong muli. Mula sa Kanyang mortal na inang si Maria, namana Niya ang kakayahang mamatay. Mula sa Kanyang imortal na Ama, namana Niya ang kapangyarihang madaig ang kamatayan. Ipinahayag Niya, “Sapagkat kung paanong ang Ama ay may buhay sa kanyang sarili, ay pinagkalooban din niya ang Anak na magkaroon ng buhay sa kanyang sarili.” (Juan 5:26).

Siya lamang ang makatutubos sa atin mula sa ating mga kasalanan. Ang Diyos Ama ang nagbigay sa Kanya ng kapangyarihang ito (tingnan sa Helaman 5:11). Natanggap ng Tagapagligtas ang kapangyarihang ito at naisagawa ang Pagbabayad-sala dahil nanatili Siyang walang kasalanan: “Siya ay nagdanas ng mga tukso subalit hindi siya nagpadaig sa mga ito” (Doktrina at mga Tipan 20:22). Dahil nabuhay Siya nang perpekto at walang-sala, Siya ay malaya mula sa mga hinihingi ng katarungan. Dahil may kapangyarihan Siya na tumubos at wala Siyang utang sa katarungan, mababayaran Niya ang utang para sa mga nagsisisi.

Ang nagbabayad-salang sakripisyo ni Jesus ay naganap sa Halamanan ng Getsemani at sa krus sa Kalbaryo. Sa Getsemani Siya ay sumunod sa kalooban ng Ama at nagsimulang pasanin sa Kanyang sarili ang mga kasalanan ng lahat ng tao. Inihayag Niya ang ilan sa naranasan Niya nang magbayad-sala Siya para sa ating mga kasalanan:

“Ako, ang Diyos, ay pinagdusahan ang mga bagay na ito para sa lahat, upang hindi sila magdusa kung sila ay magsisisi;

“Subalit kung hindi sila magsisisi sila ay kinakailangang magdusa na katulad ko;

“Kung aling pagdurusa ay dahilan upang ang aking sarili, maging ang Diyos, ang pinakamakapangyarihan sa lahat, na manginig dahil sa sakit, at labasan ng dugo sa bawat pinakamaliit na butas ng balat, at magdusa kapwa sa katawan at sa espiritu—nagnais na kung maaari ay hindi ko lagukin ang mapait na saro at manliit—

“Gayon pa man, ang kaluwalhatian ay mapasa Ama, at ininom ko at tinapos ang aking paghahanda para sa mga anak ng tao” (Doktrina at mga Tipan 19:16–19; tingnan din sa Lucas 22:44; Mosias 3:7).

Patuloy na nagdusa ang Tagapagligtas para sa ating mga kasalanan nang tinulutan Niya ang Kanyang Sarili na ipako sa krus—“itinaas siya sa krus at pinatay para sa mga kasalanan ng sanlibutan” (1 Nephi 11:33).

Sa krus, tinulutan Niya ang Kanyang sarili na mamatay. Pagkatapos ay inihimlay ang Kanyang katawan sa isang libingan hanggang sa Siya ay nabuhay na mag-uli at naging “unang bunga ng mga namatay” (1 Corinto 15:20). Sa pamamagitan ng Kanyang kamatayan at Pagkabuhay na Mag-uli, nadaig Niya ang kamatayang pisikal para sa ating lahat.

Tinubos ni Jesucristo ang lahat ng tao mula sa mga epekto ng Pagkahulog. Lahat ng tao na nabuhay sa mundo at mabubuhay sa mundo ay mabubuhay na mag-uli at dadalhin muli sa harapan ng Diyos para hatulan (tingnan sa 2 Nephi 2:5–10; Helaman 14:15–17). Sa pamamagitan ng kaloob na awa at mapagtubos na biyaya ng Tagapagligtas, lahat tayo ay tatanggap ng kaloob na imortalidad at mabubuhay magpakailanman sa niluwalhati at nabuhay na mag-uling katawan.

Bagama’t tayo ay tinubos nang walang kapalit mula sa mga pangkalahatang epekto ng Pagkahulog, tayo ang mananagot sa ating mga kasalanan. Ngunit mapapatawad at malilinis tayo mula sa bahid ng kasalanan kung ating “[ga]gamitin ang nagbabayad-salang dugo ni Cristo” (Mosias 4:2). Kailangan nating manampalataya kay Jesucristo, magsisi, magpabinyag para sa kapatawaran ng mga kasalanan, at tanggapin ang kaloob na Espiritu Santo.

Mga Kaugnay na Paksa

Mga Banal na Kasulatan

Mga Reperensya sa Banal na Kasulatan

Resources sa Pag-aaral ng mga Banal na Kasulatan

Mga Mensahe mula sa mga Lider ng Simbahan

Mga Karagdagang Mensahe

Mga Video

8:42
Logo ng Tabernacle Choir

Mga Video ng Tabernacle Choir

Come unto Jesus [Magsipaglapit kay Jesucristo]

I Stand All Amazed [Ako ay Namangha]

Resources sa Pag-aaral

Pangkalahatang Resources

Pagsisisi,” Para sa Lakas ng mga Kabataan

Mga Magasin ng Simbahan

Ang Pagbabayad-sala ni Cristo ay Katibayan ng Pagmamahal ng Diyos,” Liahona, Pebrero 2017

Jonathan Taylor, “Ang Tunay na Himala ng Pagpapagaling,” Liahona, Pebrero 2017

Elizabeth Lloyd Lund, “Nakadama ng Kapayapaan sa Kakulangan,” Ensign, Pebrero 2017

Mga Manwal sa Pag-aaral

Mga Turo ng mga Pangulo ng Simbahan

Mga Kuwento

Resources sa Pagtuturo

Mga Outline sa Pagtuturo

Media

Musika