Library
Mga Kapansanan


Pag-aaral ng Doktrina

Mga Kapansanan

babae sa wheelchair

Buod

Ipinaliwanag ni Propetang Joseph Smith na “lahat ng isipan at espiritung pinababa ng Diyos sa mundo ay may kakayahang umunlad” (Mga Turo ng mga Pangulo ng Simbahan: Joseph Smith [2007], 244). Lahat ng anak ng Diyos ay nasa mundo upang mabigyan ng pagkakataon na matutuhan at maipamuhay ang ebanghelyo ni Jesucristo.

Ang mga miyembro ng Simbahan na may diperensya o kapansanan na nakaaapekto sa kanilang mga gawain o mga pakikipag-ugnayan ay may mga makabuluhang pagkakataon ding magminister, magturo, maglingkod, at mamuno. Ang maiaambag ng bawat tao ay kinakailangan sa kaharian ng Panginoon. At sinumang may hangaring gumawa ng mga sagradong tipan ay maaaring gawin ito kung siya ay karapat-dapat at nagpapakita ng sapat na antas ng pagiging responsable at pananagutan.

Kilala at mahal ng ating Ama sa Langit ang lahat ng Kanyang anak, at alam Niya ang mga hamong kinakaharap natin. Tulad ng itinuro sa Juan 9:1–7, ang kapansanan ay hindi parusa—sa indibiduwal man o sa mga magulang. Itinuro ni Pangulong Russell M. Nelson: “Hindi kailangang maging perpekto ang katawan para makamtan ang banal na tadhana ng isang tao. Katunayan, ang ilan sa pinakamagigiliw na espiritu ay nananahan sa mga katawang mahina o may kapansanan. Ang malakas na espirituwalidad ay madalas taglayin ng mga taong may kapansanan, dahil mismo sa malalaking pagsubok na dulot nito” (“Salamat sa Diyos,” pangkalahatang kumperensya ng Abril 2012).

Dapat nating pakitunguhan nang may paggalang ang mga taong may anumang uri ng kapansanan at maghanap ng paraan na mapaglingkuran sila at ang kanilang pamilya nang may pagmamahal na katulad ng kay Cristo—at suportahan sila sa paglilingkod nila sa iba.

Tingnan sa disability.ChurchofJesusChrist.org para sa karagdagang impormasyon, pati na sa mga ideya kung paano susuportahan ang mga indibiduwal na may kapansanan at ang kanilang pamilya, mga patakaran at alituntunin, mga turo ng ebanghelyo, at karagdagang resources.

Mga Banal na Kasulatan

Mga Reperensya sa Banal na Kasulatan

Mga Mensahe mula sa mga Lider ng Simbahan

Mga Karagdagang Mensahe

Mga Video

Two Purposes: Accepting and Including People with Disabilities

Teaching Strategies for Children with Disabilities

Special Challenges