Pag-aaral ng Doktrina
Pag-ibig sa Kapwa-tao
Ang pag-ibig sa kapwa-tao ay ang dalisay na pag-ibig ni Cristo. Ito ang pag-ibig ni Cristo para sa mga anak ng tao at dapat ipadama ito ng mga anak ng tao sa isa’t isa. Ito ang pinakadakila, pinakamarangal, at pinakamalakas na uri ng pag-ibig at ang labis na nakalulugod sa kaluluwa (tingnan sa 1 Nephi 11:23).
Buod
Ang pag-ibig sa kapwa-tao ay ang dalisay na pag-ibig ni Cristo. Ito ang pag-ibig ni Cristo para sa mga anak ng tao at dapat ipadama ito ng mga anak ng tao sa isa’t isa. Ito ang pinakadakila, pinakamarangal, at pinakamalakas na uri ng pag-ibig at ang labis na nakalulugod sa kaluluwa (tingnan sa 1 Nephi 11:23).
Ang pag-ibig sa kapwa-tao ay ang “dalisay na pag-ibig ni Cristo,” o “walang hanggang pag-ibig” (Moroni 7:47; 8:17). Itinuro ng propetang si Mormon: “Ang pag-ibig sa kapwa-tao ay nagtitiis nang matagal, at mabait, at hindi naiinggit, at hindi palalo, hindi naghahangad para sa kanyang sarili, hindi kaagad nagagalit, hindi nag-iisip ng masama, at hindi nagagalak sa kasamaan kundi nagagalak sa katotohanan, binabata ang lahat ng bagay, naniniwala sa lahat ng bagay, umaasa sa lahat ng bagay, nagtitiis sa lahat ng bagay” (Moroni 7:45; tingnan din sa 1 Corinto 13:4–7).
Si Jesucristo ang perpektong halimbawa ng pag-ibig sa kapwa-tao. Sa Kanyang mortal na pagmiministeryo, lagi Siyang “naglilibot na gumagawa ng mabuti,” nangangaral ng ebanghelyo at nagpapakita ng magiliw na habag sa mga dukha, nahihirapan, at nababagabag (tingnan sa Mateo 4:23; Marcos 6:6; Mga Gawa 10:38). Ang pinakadakila Niyang pagpapahayag ng pag-ibig sa kapwa-tao ay ang Kanyang walang hanggang Pagbabayad-sala. Sinabi Niya, “Walang may higit pang dakilang pag-ibig kaysa rito, na ibigay ng isang tao ang kanyang buhay dahil sa kanyang mga kaibigan.” (Juan 15:13). Ito ang pinakadakilang pagpapakita ng pagtitiis, kabaitan, at di-pagkamakasarili sa lahat ng ating nalaman at malalaman.
Nais ng Tagapagligtas na tanggapin ng lahat ng tao ang Kanyang pagmamahal at ibahagi ito sa iba. Ipinahayag Niya sa Kanyang mga disipulo: “Isang bagong utos ang sa inyo’y ibinibigay ko, na kayo’y magmahalan sa isa’t isa. Kung paanong minahal ko kayo, magmahalan din kayo sa isa’t isa. Sa pamamagitan nito ay makikilala ng lahat ng mga tao na kayo ay aking mga alagad, kung kayo’y may pag-ibig sa isa’t isa” (Juan 13:34–35). Sa pakikipag-ugnayan sa mga kapamilya at sa kapwa-tao, tinutularan ng mga tagasunod ni Cristo ang Tagapagligtas at nagsisikap na magmahal tulad ng pagmamahal Niya, nang may habag, pagtitiyaga, at awa sa tuwina.
AnItala ang Iyong mga Impresyon
Mga Kaugnay na Paksa
Mga Banal na Kasulatan
Mga Reperensya sa Banal na Kasulatan
Resources sa Pag-aaral ng mga Banal na Kasulatan
Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Pag-ibig sa Kapwa-tao”
Mga Mensahe mula sa mga Lider ng Simbahan
Mga Karagdagang Mensahe
Resources sa Pag-aaral
Mga Magasin ng Simbahan
Merillee Booren, “Ako? Siga?” Liahona, Pebrero 2017
Julia Ventura, “Nangisda,” Liahona, Oktubre 2016