Library
Aborsiyon, Pagpapalaglag


pamilya

Pag-aaral ng Doktrina

Aborsiyon, Pagpapalaglag

Buod

Ang buhay ng tao ay sagradong kaloob mula sa Diyos. Ang pagpili sa aborsiyon para sa pansariling kapakanan o katayuan sa lipunan ay salungat sa kalooban at mga kautusan ng Diyos. Ang mga miyembro ng Simbahan na sumasang-ayon, nagsasagawa, naghihikayat, nagbabayad, o nakikipag-ayos sa gayong mga pagpapalaglag ay maaaring tanggalin sa pagiging miyembro ng Simbahan.

Sa lipunan ngayon, naging karaniwan na ang aborsiyon o pagpapalaglag, na pinangangatwiranan ng mga kasinungalingan. Kinukondena ng mga propeta sa mga huling araw ang aborsiyon, tinutukoy ang pahayag ng Panginoon na, “Huwag kayong … pumatay, ni gumawa ng anumang bagay tulad nito” (Doktrina at mga Tipan 59:6). Malinaw ang ipinayo nila tungkol sa bagay na ito: Ang mga miyembro ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw ay hindi dapat sumang-ayon, magsagawa, maghikayat, magbayad, o kaya’y makipag-ayos para sa isang aborsiyon. Ang mga miyembro ng Simbahan na naghihikayat ng aborsiyon sa anumang paraan ay isasailalim sa disciplinary council ng Simbahan.

Sinabi ng mga lider ng Simbahan na may ilang di-pangkaraniwang sitwasyon na mabibigyang-katwiran ang aborsiyon, tulad ng kapag ang pagdadalantao ay bunga ng pagtatalik ng malapit na magkamag-anak o bunga ng panggagahasa, kapag ipinasiya ng isang mahusay na doktor na manganganib ang buhay o kalusugan ng ina, o napag-alaman ng isang mahusay na doktor na may malubhang diperensya ang sanggol sa sinapupunan at hindi rin mabubuhay matapos isilang. Ngunit hindi rin kaagad mabibigyang-katwiran ang aborsiyon sa ganitong mga sitwasyon. Dapat isaalang-alang lamang ng mga nahaharap sa gayong mga kalagayan ang pagpapalaglag pagkatapos nilang sumangguni sa kanilang mga lokal na lider ng Simbahan at matapos mabigyan ng katiyakan sa pamamagitan ng taimtim na pagdarasal.

Kapag ang bata ay ipinagdalantao nang hindi kasal ang mga magulang, ang pinakamainam na opsiyon para sa ina at ama ng bata ay magpakasal at sikaping bumuo ng walang-hanggang ugnayan ng pamilya. Kung malamang na walang maganap na kasalan, dapat nilang ipaampon ang bata, sa tulong ng LDS Family Services hangga’t maaari.

AnItala ang Iyong mga Impresyon

Mga Kaugnay na Paksa

Pagpigil sa Pag-aanak

Mga Banal na Kasulatan

Mga Reperensya sa Banal na Kasulatan

Resources sa Pag-aaral ng mga Banal na Kasulatan

Mga Mensahe mula sa mga Lider ng Simbahan

Mga Karagdagang Mensahe

Resources sa Pag-aaral

Pangkalahatang Resources

“Adoption,” providentliving.ChurchofJesusChrist.org

“Pagpapalaglag,” Hanbuk 2, 21.4.1

“Birth Control,” Hanbuk 2, 21.4.4

Mga Magasin ng Simbahan

“Mga Tanong at mga Sagot: Ano ang dapat kong gawin kapag napag-usapan sa eskuwela ang isang paksa na salungat sa mga turo ng ebanghelyo, tulad ng aborsiyon?” Liahona, Abril 2014

“Pagpapalakas sa Pamilya: Magpakarami at Kalatan ang Lupa,” Liahona, Abril 2005

Mga Kuwento

Resources sa Pagtuturo

Mga Outline sa Pagtuturo