Pag-aaral ng Doktrina
Tipang Abraham
Buod
Gumawa si Abraham ng mga tipan sa Diyos nang matanggap niya ang ebanghelyo, nang maorden siya bilang mataas na saserdote, at nang pumasok siya sa selestiyal na kasal. Sa mga tipang ito, nangako ang Diyos ng mga dakilang pagpapala kay Abraham at sa kanyang pamilya. Ang mga pagpapalang ito, na umaabot sa lahat ng binhi ni Abraham, ay tinatawag na tipang Abraham.
Kasama sa mga pangakong ginawa kay Abraham ang mga sumusunod:
-
Magiging napakarami ng kanyang angkan (tingnan sa Genesis 17:5–6; Abraham 2:9; 3:14).
-
Matatanggap ng kanyang binhi, o mga inapo, ang ebanghelyo at magtataglay ng priesthood (tingnan sa Abraham 2:9).
-
Sa pamamagitan ng paglilingkod ng kanyang binhi, “[mapagpapala] ang lahat ng mag-anak sa mundo, maging ng mga pagpapala ng Ebanghelyo, na mga pagpapala ng kaligtasan, maging ng buhay na walang-hanggan” (Abraham 2:11).
Maaaring matanggap ng isang tao ang lahat ng pagpapala ng tipang Abraham—kahit hindi siya literal na inapo ni Abraham—sa pamamagitan ng pagsunod sa mga batas at ordenansa ng ebanghelyo (tingnan sa Mga Taga Galacia 3:26–29; Mga Taga Galacia 4:1–7; Doktrina at mga Tipan 84:33–40).
AnItala ang Iyong mga Impresyon