Pag-aaral ng Doktrina
Tipan
Ang tipan ay isang sagradong kasunduan sa pagitan ng Diyos at ng isang tao o grupo ng mga tao. Nagtatakda ang Diyos ng mga partikular na kundisyon, at nangangako Siyang pagpapalain tayo kapag sinunod natin ang mga kundisyong iyon. Kapag pinili nating hindi tuparin ang mga tipan, hindi natin matatanggap ang mga pagpapala, at sa ilang pagkakataon ay daranas tayo ng kaparusahan dahil sa ating pagsuway.
Buod

Lahat ng nakapagliligtas na ordenansa ng priesthood ay may kaakibat na mga tipan. Halimbawa, nakikipagtipan tayo kapag tayo ay bininyagan, at pinaninibago natin ang tipang iyon tuwing tumatanggap tayo ng sakramento (tingnan sa Mosias 18:8–10; Doktrina at mga Tipan 20:37, 77, 79). Yaong mga tumanggap ng Melchizedek Priesthood ay pumasok sa sumpa at tipan ng priesthood (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 84:33–44). Ang endowment sa templo at ordenansa ng pagbubuklod (kasal) ay kinapapalooban din ng mga sagradong tipan.
Ang mga tipan ang nagtuturo ng landas pabalik sa Diyos. Alamin kung ano ang susunod sa landas na para sa iyo.
AnItala ang Iyong mga Impresyon
Mga Kaugnay na Paksa
-
Mga Ordenansa
Mga Banal na Kasulatan
Mga Reperensya sa Banal na Kasulatan
Resources sa Pag-aaral ng mga Banal na Kasulatan
-
Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Tipang Abraham,” “Tipan,” “Bago at Walang Hanggang Tipan”
Mga Mensahe mula sa mga Lider ng Simbahan
Mga Karagdagang Mensahe