Pag-aaral ng Doktrina
Word of Wisdom
Buod
Inihayag ng Diyos ang Word of Wisdom bilang kautusan para sa pisikal at espirituwal na kapakanan ng Kanyang mga anak.
Natanggap ni Propetang Joseph Smith ang paghahayag na ito noong Pebrero 27, 1833, at nakatala ito ngayon sa bahagi 89 ng Doktrina at mga Tipan. Sa paghahayag, itinuro ng Panginoon ang mabubuting gawaing pangkalusugan. Ipinagbawal din Niya ang ilang sangkap na hindi makabubuti sa katawan ng tao.
Sa Word of Wisdom, ipinahayag ng Panginoon na makabubuti sa katawan ang mga sumusunod na pagkain:
-
Mga prutas at mabuting halaman, kabilang na ang mga gulay, na dapat gamitin “nang may mabuting pagpapasiya at pagbibigay-pasalamat” (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 89:10–11).
-
Karne “ng mga hayop at ng mga ibon sa himpapawid,” na “nararapat gamitin nang paunti-unti” (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 89:12–13).
-
Mga butil tulad ng trigo, bigas, at oat, na “tungkod ng buhay” (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 89:14–17).
Inihayag ng Panginoon sa Word of Wisdom na makapipinsala sa katawan ang mga sumusunod na sangkap:
-
Mga inuming nakalalasing (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 89:5–7).
-
Tabako (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 89:8).
-
Tsaa at kape (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 89:9; itinuro ng mga propeta sa mga huling araw na ang katagang “maiinit na inumin,” tulad ng nakasulat sa talatang ito, ay tumutukoy sa tsaa at kape).
Nangangako ang Panginoon ng ibayong kalusugan, karunungan, kaalaman, at proteksyon sa mga yaong sumusunod sa Word of Wisdom (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 89:18–21).
Simula nang ipabatid ito, itinuro na ng mga propeta ang kahalagahan ng pagsunod sa Word of Wisdom. Bukod pa rito, tinuruan nila ang mga miyembro ng Simbahan na iwasan ang mga sangkap na nakaaapekto sa katinuan ng pag-iisip o nakapipinsala o lubhang nakalululong, legal man o ilegal. Halimbawa, ang vaping, ang maling paggamit ng iniresetang gamot, at ang paggamit ng marijuana sa paglilibang ay paglabag sa mga turo ng Simbahan (tingnan sa Pangkalahatang Hanbuk: Paglilingkod sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw [2020], 38.7.8; “Statement on the Word of Wisdom,” Ago. 15, 2019, newsroom.ChurchofJesusChrist.org). Itinuro ng mga propeta na dapat din nating sundin ang mabubuting gawaing pangkalusugan tulad ng pagkain ng masustansyang pagkain, regular na pag-eehersisyo, wastong kalinisan, at sapat na pagpapahinga.
AnItala ang Iyong mga Impresyon
Mga Kaugnay na Paksa
-
Temptation [Tukso]
Mga Banal na Kasulatan
Mga Reperensya sa Banal na Kasulatan
Resources sa Pag-aaral ng mga Banal na Kasulatan
-
Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Salita ng Karunungan”
Mga Mensahe mula sa mga Lider ng Simbahan
Mga Mensahe ng Lider
Mga Karagdagang Mensahe
Media
Musika
Resources sa Pag-aaral
Pangkalahatang Resources
“Kalusugang Pisikal at Emosyonal,” Para sa Lakas ng mga Kabataan
Addiction Recovery Program, Family Services
Mga Magasin ng Simbahan
“Binigyan Tayo ng Panginoon ng Isang Batas ng Kalusugan,” Liahona, Pebrero 2012
Truman E. Benson, “Sabi Niya sa Akin, ‘Hindi Puwede,’” Liahona, Hulyo 2010
Lia McClanahan, “Paggaling sa Adiksyon: Unti-unting Pagpapagaling,” Liahona, Hunyo 2009
“Tatakbo at Hindi Mapapagod,” Liahona, Hunyo 2009
Melanie Marks, “Ang Aksidente ng Mainit na Tsokolate,” Liahona, Disyembre 2007
Lehi L. Cruz, “Ang Gabi ng Pagsubok,” Liahona, Setyembre 2007
Julie Wardell, “Mabubuting Pagpili,” Liahona, Oktubre 2005
Vicki F. Matsumori, “Oras ng Pagbabahagi: ‘Kayo’y Templo ng Dios,’” Liahona, Mayo 2002