Pag-aaral ng Doktrina
Relief Society
Ang Relief Society ang organisasyon ng kababaihan ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw. Ang layunin nito ay tulungan ang kababaihan na maghanda para sa mga pagpapala ng buhay na walang hanggan habang pinag-iibayo nila ang kanilang pananampalataya sa Ama sa Langit at kay Jesucristo at sa Kanyang Pagbabayad-sala; pinalalakas nila ang mga indibiduwal, pamilya, at tahanan sa pamamagitan ng mga ordenansa at tipan; at nagkakaisa sila sa pagtulong sa mga nangangailangan.
Buod
Ang Relief Society ang organisasyon ng kababaihan ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw. Ang layunin nito ay tulungan ang kababaihan na maghanda para sa mga pagpapala ng buhay na walang hanggan habang pinag-iibayo nila ang kanilang pananampalataya sa Ama sa Langit at kay Jesucristo at sa Kanyang Pagbabayad-sala; pinalalakas nila ang mga indibiduwal, pamilya, at tahanan sa pamamagitan ng mga ordenansa at tipan; at nagkakaisa sila sa pagtulong sa mga nangangailangan.
Ang lahat ng adult na kababaihan sa Simbahan ay miyembro ng Relief Society. Sa pamamagitan ng Relief Society, ang kababaihan ay “tumatanggap ng kaalaman at katiyakan sa kanilang identidad bilang mga anak na babae ng Diyos” na may layunin at direksyon sa buhay (Mga Anak na Babae sa Aking Kaharian: Ang Kasaysayan at Gawain ng Relief Society [2011], 199). Pinag-iibayo rin ng kababaihan ang kanilang pag-asa sa sarili, pinaghuhusay nila ang kanilang mga talento, pinalalawak nila ang kanilang kaalaman, pinalalakas nila ang kanilang pamilya, at tinutulungan nila ang mga nangangailangan. Ang mga pagkakataong ito na maglingkod, mamuno, at magturo ay nagpapalakas sa kababaihan sa kanilang mga pagsisikap na maging mga disipulo ni Jesucristo.
Ipinahayag ng Unang Panguluhan, “Nagpapatotoo kami na ipinanumbalik ng Panginoon ang kabuuan ng ebanghelyo sa pamamagitan ni Propetang Joseph Smith at na ang Relief Society ay mahalagang bahagi ng panunumbalik na iyon” (Mga Anak na Babae sa Aking Kaharian, ix).
Ang Relief Society ay inorganisa ni Propetang Joseph Smith noong Marso 1842. Ang orihinal na tawag dito noon ay Female Relief Society of Nauvoo, at si Emma Hale Smith, ang asawa ni Joseph Smith, ang napili bilang unang pangulo nito. Bago naorganisa ni Joseph Smith ang Relief Society, ipinaliwanag niya na ang kababaihan ay isasaayos “ayon sa pagkakaayos sa priesthood.” Itinuro din niya, “Nang maorganisa ang kababaihan noon lamang ganap na nabuo ang organisasyon ng Simbahan” (Mga Turo ng mga Pangulo ng Simbahan: Joseph Smith [2007], 528).
“Bagama’t kaunti lamang ang nalalaman tungkol sa pormal na organisasyon ng kababaihan sa Bagong Tipan, malinaw na ipinapakita na ang kababaihan ay mahalagang bahagi sa ministeryo ng Tagapagligtas” (Mga Anak na Babae sa Aking Kaharian, 3). Sumulat si Pablo sa mga Banal sa Roma, nagwiwikang, “Ipinagtatagubilin ko sa inyo si Febe na ating kapatid na babae, na lingkod sa iglesya na nasa Cencrea: upang tanggapin ninyo siya sa Panginoon, ayon sa nararapat sa mga banal, at tulungan ninyo siya sa anumang bagay na kakailanganin niya sa inyo, sapagkat siya nama’y naging katulong ng marami, at ng aking sarili” (Roma 16:1–2).
Inilalarawan sa mga makasaysayang talaan ng Simbahan sa ating dispensasyon ang katapatan ng mga naunang kababaihan ng Relief Society sa kanilang pagpapatotoo tungkol sa ebanghelyo ni Jesucristo at paglilingkod sa mga maysakit at maralita sa lipunan nila upang maitatag ang kaharian ng Diyos. Ang Relief Society ay nagbigay ng mga pagkakataon sa kababaihang Banal sa mga Huling Araw na mapalawak ang kanilang impluwensya at mapagpala ang kanilang mga pamilya, ward, stake, komunidad, at bansa. Sa buong kasaysayan nito, ang mga miyembro ng organisasyon ay hayagang nagsalita tungkol sa mga isyung nauugnay sa kanilang panahon. Patuloy na nagbibigay ang Relief Society ng gayong mga pagkakataon sa kababaihan ngayon.
AnItala ang Iyong mga Impresyon
Mga Kaugnay na Paksa
-
Daughters in My Kingdom [Mga Anak na Babae sa Aking Kaharian]
Mga Banal na Kasulatan
Mga Reperensya sa Banal na Kasulatan
Resources sa Pag-aaral ng Banal na Kasulatan
-
Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Buhay na Walang Hanggan”
-
Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Pag-ibig sa Kapwa-tao,” “Anak na Lalaki at Babae ng Diyos, Mga,” “Babae, Kababaihan”
Mga Mensahe mula sa mga Lider ng Simbahan
Mga Karagdagang Mensahe
Resources sa Pag-aaral
Pangkalahatang Resources
Mga Anak na Babae sa Aking Kaharian: Ang Kasaysayan at Gawain ng Relief Society
“Ang Gawain ng Kaligtasan sa Ward at Stake,” Hanbuk 2, bahagi 5
“Relief Society,” Hanbuk 2, bahagi 9
Mga Magasin ng Simbahan
“Isang Pagbuhos ng Espiritu,” Liahona, Marso 2017
“Ang Layunin ng Relief Society,” Liahona, Enero 2017
“Paglipat sa Relief Society,” Liahona, Marso 2016
“Mas Magkakatulad Kaysa Magkakaiba,” Liahona, Marso 2016