Babae, Kababaihan Tingnan din sa Tao, Mga Tao Isang taong may sapat na gulang, na anak na babae ng Diyos. Paminsan-minsan ang salitang Babae sa mga banal na kasulatan ay ginagamit bilang tawag ng paggalang (Juan 19:26; Alma 19:10). Nilalang ng Diyos ang lalaki at babae, Gen. 1:27 (Moi. 2:27; 6:9; Abr. 4:27). Ang mabait na babae ay higit na mahalaga kaysa mga rubi, Kaw. 31:10–31. Ang babae ay siyang kaluwalhatian ng lalaki, 1 Cor. 11:7. Gayunman, ang babae ay di maaaring walang lalaki, ni ang lalaki ay di maaaring walang babae, sa Panginoon, 1 Cor. 11:11. Nararapat gayakan ng mga kababaihan ang kanilang sarili sa maayos na pananamit, 1 Tim. 2:9–10. Ako, ang Panginoon ay nalulugod sa kalinisang-puri ng mga babae, Jac. 2:28. Ang iyong mga kasalanan ay pinatawad na sa iyo, at ikaw ay isang hinirang na babae, D at T 25. Ang mga babae ay may karapatan sa kanilang mga asawa para sa kanilang ikabubuhay, D at T 83:2.