Tungkulin Tingnan din sa Pagsunod, Masunurin, Sumunod; Tawag, Tinawag ng Diyos, Pagkakatawag Sa mga banal na kasulatan, isang gawain, takdang aralin, o responsibilidad, na malimit na ibinibigay ng Panginoon o ng kanyang mga tagapaglingkod. Sundin ang kanyang mga kautusan: sapagkat ito ang buong tungkulin ng tao, Ec. 12:13. Ano ang hinihingi ng Panginoon sa iyo, kundi gumawa nang may katarungan, Mi. 6:8. Dapat muna kaming magsitalima sa Diyos bago sa tao, Gawa 5:29. Binagabag sila sa paghihirap upang pukawin sila sa pag-alaala ng kanilang tungkulin, Mos. 1:17. Inilarawan ang mga tungkulin ng mga elder, saserdote, guro, at diyakono, D at T 20:38–67. Ang may hawak ng pagkasaserdote ay nararapat na isagawa ang mga tungkuling pangmag-anak, D at T 20:47, 51. Inilarawan ang mga tungkulin ng mga kasapi matapos mabinyagan, D at T 20:68–69. Ang aking mga elder ay kailangan pang maghintay ng maikling panahon upang makaalam pa nang mas ganap ang aking mga tao hinggil sa kanilang tungkulin, D at T 105:10. Ang bawat tao ay matuto ng kanyang tungkulin, D at T 107:99–100.