Ordenansa, Mga
Mga banal na rituwal at seremonya. Ang mga ordenansa ay bumubuo ng mga gawa na may mga espirituwal na kahulugan. Ang mga ordenansa ay maaari ring mangahulugan ng mga batas at alituntunin ng Diyos.
Kabilang sa mga ordenansa sa Simbahan ang pangangasiwa sa maysakit (Sant. 5:14–15), pagbabasbas ng sakramento (D at T 20:77, 79), pagbibinyag sa pamamagitan ng paglubog (Mat. 3:16; D at T 20:72–74), pagbabasbas sa mga bata (D at T 20:70), paggagawad ng Espiritu Santo (D at T 20:68; 33:15), paggagawad ng pagkasaserdote (D at T 84:6–16; 107:41–52), mga ordenansa sa templo (D at T 124:39), at pagkakasal sa bago at walang hanggang tipan (D at T 132:19–20).
Ordenansang ginawa alang-alang sa iba
Isang panrelihiyong ordenansa na isinasagawa ng isang buhay na tao para sa kapakanan ng isang namatay na. Ang mga ordenansang ito ay magkakaroon lamang ng bisa kung ang mga yaong ginawan ng mga ordenansa ay tatanggapin iyon, sundin ang mga tipang kalakip nito, at mabuklod ng Banal na Espiritu ng Pangako. Ang gayong mga ordenansa ay isinasagawa ngayon sa loob ng templo.