May dalawang uri ng mga nilikha sa langit na tinatawag na mga anghel: yaong mga espiritu at yaong may mga katawang may laman at buto. Ang mga anghel na espiritu ay hindi pa nakatatanggap ng katawang may laman at buto, o sila ay mga espiritu na minsan nang nagkatawang lupa at naghihintay sa pagkabuhay na mag-uli. Ang mga anghel na may mga katawang may laman at buto ay maaaring nabuhay nang mag-uli mula sa patay o nagbagong-kalagayan.
Maraming sanggunian sa banal na kasulatan tungkol sa gawain ng mga anghel. Kung minsan ang mga anghel ay nangungusap sa tinig ng kulog habang kanilang sinasabi ang mga mensahe ng Diyos (Mos. 27:11–16). Ang mabubuting tao ay maaari ring tawaging mga anghel (PJS, Gen. 19:15). Ang ilan sa mga anghel ay naglilingkod sa paligid ng trono ng Diyos sa langit (Alma 36:22).
Nasasaad din sa mga banal na kasulatan ang tungkol sa mga anghel ng diyablo. Sila ang mga espiritu ng mga yaong sumunod kay Lucifer at pinalayas mula sa kinaroroonan ng Diyos bago pa ang buhay na ito at itinapon sa mundo (Apoc. 12:1–9; 2 Ne. 9:9, 16; D at T 29:36–37).