Imbot Tingnan din sa Inggit Tulad ng pagkakagamit sa mga banal na kasulatan, ang imbot ay kainggitan ang isang tao o ang pagkakaroon ng masidhing pagnanasa sa isang bagay. Huwag kang mag-imbot, Ex. 20:17 (Deut. 5:21; Mos. 13:24; D at T 19:25). Siya na namumuhi sa pagkaimbot ay nagpaparami ng kanyang mga araw, Kaw. 28:16. Sila ay nangag-imbot ng mga bukid at inangkin ang mga ito, Mi. 2:2. Mag-ingat sa pagkaimbot, Lu. 12:15. Sinasabi ng batas, Huwag kang mag-iimbot, Rom. 7:7. Sa mga huling araw, ang mga tao ay magiging mapag-imbot, 2 Tim. 3:1–2. Nang makita ni Laban ang aming ari-arian, kanyang pinagnasaan ang mga iyon, 1 Ne. 3:25. Huwag kang mag-iimbot sarili mong ari-arian, D at T 19:26. Tumigil sa pagiging mapag-imbot, D at T 88:123. Huwag pag-imbutan ang yaong sa inyong kapatid, D at T 136:20.