Isang taong may karapatang magmana ng mga kaloob na pisikal o espirituwal. Sa mga banal na kasulatan, pinangakuan ang mabubuti na magiging tagapagmana ng lahat ng pag-aari ng Diyos.
Naging tagapagmana si Abraham ng daigdig sa pamamagitan ng kabanalan ng pananampalataya, Rom. 4:13 .
Mga anak tayo ng Diyos, at kung tayo ay mga anak, samakatwid mga tagapagmana, tagapagmana ng Diyos at kasamang mga tagapagmana ni Cristo, Rom. 8:16–17 (D at T 84:38 ).
Ikaw ay anak, isang tagapagmana ng Diyos sa pamamagitan ni Cristo, Gal. 4:7 .
Hinirang ng Diyos ang kanyang Anak na tagapagmana ng lahat ng bagay, Heb. 1:2 .
Ang mga yaong umaasa para sa kapatawaran ng kanilang mga kasalanan ay mga tagapagmana ng kaharian ng Diyos, Mos. 15:11 .
Ang mga tao ay magiging mga anak ni Cristo at mga tagapagmana ng kaharian ng Diyos, 4Â Ne. 1:17 .
Ang mga yaong namatay na walang kaalaman ng ebanghelyo ay maaaring maging mga tagapagmana ng kahariang selestiyal, D at T 137:7–8 .
Mga tagapagmana ng kaligtasan ang mga patay na nagsisi, D at T 138:59 .